Mga Piling Hadith- ika limang bahagi

Ito ang aklat na naglalaman ng siyamnapung piling Hadith ng Propeta Mohammad [sumakanya ang kapayapaan]


MGA PILING HADITH

Kasama ang Paglalahad
Sa Kasaysayan ng Bawa't Taga-ulat nito,
Gayundin ang mga Benepisyong Pang-agham nito
Sa Siyamnapung Hadith.
ANG IKALIMANG BAHAGI

MAY-AKDA:
Dr. Mohammad Murtaza ibn Aish Mohammad
TAGASALIN:
Mohammad Taha Ali
SINURI NINA:
Salamodin D. Kasim
Sainodin C. Ara

 

INIHANDA NG:
Tanggapang Kooperatiba sa Panawagan at Pamamatnubay
sa Rabwah sa lungsod ng Riyadh
KAHARIAN NG SAUDI ARABIA

 

Ang Lahat ng mga Karapatan ay Nakareserba
sa May-akda
Ikalimang Paglimbag, Taong 1437 H. – 2016 G.

 


مختارات من السنة
الجزء الخامس

تأليف
الدكتور/ محمد مرتضى بن عائش محمد

ترجمة:
محمد طه علي
مراجعة:
سلام الدين قاسم
زين الدين أرا



Sa Ngalan ng Allah, ang Maawain, ang Mahabagin
PANIMULA
Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah, nawa'y ang pagpapala at kapayapaan ay maitampok sa pinakasagka sa mga Propeta na si Muhammad, gayundin sa kanyang pamilya, kasamahan at lahat ng kanyang mga tagasunod hanggang sa araw ng Paghuhukom.
Katotohanang ang Islam ang siyang relihiyon ng ganap na kaligayahan sa mundo at sa huling araw; kaya ipinapaliwanag nito sa sangkatauhan ang landas ng kaligayahan para sa pang-indibidwal, pangpamilya, panlipunan at pangrelihiyon na kabuhayan, samakatuwid hindi kinikilala nito ang kawalan ng katarungan, awayan at pagkapoot sa lahat ng mga lipunang pantao, at tunay na ang mga nasasaksihan na kasamaan ng mga tao na siyang nananaig sa mundo sa kasalukuyang panahon ay bunsod ng paglayo sa tunay na diwa ng Islam.
Kaya dahil dito kami ay nag-aanyaya tungo sa tunay na pagtangan sa dakilang relihiyon na ito na siyang dala ng marangal na Sugo na si Muhammad ibn Abdullah (); kaya nais kong ilahad sa harapan ninyo ang isang lupon ng mga piling Hadith ng Sugo () para sundin siya nang may kasamang pagmamahal, at dakilain nang buong katotohanan at katapatan.
Dapat sa isang marangal na mambabasa ay malaman kung ano ang pinatutukuyan natin sa sinasabing Sunnah? Ang Sunnah ay ang Hadith, at ang Hadith ay ang mga salawikain, gawain at kalagayan ng Propeta ().
Nananalangin ako sa Allah na tanggapin nawa Niya ang aklat na ito nang magandang pagtanggap, at gawin Niyang maging kapaki-pakinabang at tigib ng biyaya; katotohanang Siya ang Nakaririnig, ang Tumutugon (ng panalangin).
Muli, aking inihahandog ang taus-puso kong pagpapasalamat at pagpapahalaga sa kagalang-galang na Shaikh na si Khalid ibn Ali Abal-khail – ang direktor ng Tanggapang Kooperatiba sa Panawagan at Pamamatnubay sa Rabwah sa lungsod ng Riyadh – sa kanyang magagandang opinyon, na naghimok sa amin upang magsumikap sa lahat ng mapapakinabangan sa pag-aanyaya sa Allah nang buong katapatan, kaayusan at kawastuhan.
Gayundin naman na aking inihahandog sa kagalang-galang na Shaikh na si Nasser ibn Mohammad Al-Huwaish – direktor ng seksyon ng Tanggapang Kooperatiba sa Panawagan at Pamamatnubay sa Rabwah – ang taus sa puso kong pagpapasalamat at pagkilala ng utang na loob sa kanyang dakilang pagsisikap upang maitaguyod ang paligsahan na ito sa ilalim ng pamamahala ng seksyon sa Tanggapang Kooperatiba sa Panawagan at Pamamatnubay sa Rabwah sa lungsod ng Riyadh sa Kaharian ng Saudi Arabia.
Ako rin ay nagpapasalamat sa lahat ng nag-abot sa akin ng kabutihan sa pamamagitan ng kanilang opinyon, pagsisikap at kapaki-pakinabang na payo, lalung-lalo na sa mga kapatid kong Da`iyah sa aming seksyon, at sa kapatid na si Abdul Aziz Madh-`uf ; igawad nawa sa kanila ng Allah ang gantimpala sa mundo at kabilang buhay dahil sa Islam at mga Muslim, at itampok nawa ng Allah ang pagpapala at kapayapaan sa Propeta nating si Muhammad, gayundin sa kanyang mga pamilya, mga kasamahan at mga tagasunod.
Ang May-akda
Dr. Mohammad Murtaza ibn `Aish Mohammad
11/01/1437

 

KAWANGGAWA
MULA SA MALINIS AT MABUTING KITA
1- عَنْ أَبيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ:  قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:  "مَنْ تَصَدَّقَ بِعَدْلِ تَمْرَةٍ مِنْ كَسْبٍ طَيِّبٍ، وَلاَ يَقْبَلُ اللهُ إِلاَّ الطَّيِّبَ؛ فَإِنَّ اللهَ يَتَقَبَّلُهَا بِيَمِينِهِ، ثُمَّ يُرَبِّيهَا لِصَاحِبِهِ، كَمَا يُرَبِّيْ أَحَدُكُمْ فَلُوَّهُ حَتَّى تَكُوْنَ مِثْلَ الْجَبَلِ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 1410، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 63 - (1014)، ).
1- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang nagkawanggawa ng katumbas ng halaga ng isang datiles mula sa mabuting kita, at ang Allah ay hindi tumatanggap maliban sa mabuti; katotohanang tatanggapin ito ng Allah sa pamamagitan ng Kanyang Kanang Kamay, at pagkatapos ay Kanyang aalagaan at palalaguin ito para sa may ari nito, gaya ng pangangalaga ng isa sa inyo sa kanyang sanggol hanggang sa ito ay magmistulang isang bundok”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (1410)], Muslim [Hadith bilang: 63–(1014)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Hurairah, Abdul Rahman ibn Sakh’r Ad-Dusi Al-Yamani na tinaguriang tagapagsalaysay ng Islam. Siya ay tinawag sa palayaw na Abu Hurairah (ama ng paslit na pusa), sa dahilang siya ay mahilig maglaro ng pusa, at siya ay nagpapastol ng mga kambing para sa kanyang pamilya, siya ay yumakap sa Islam taong ika-(7) sa Hijri, taon ng pagsakop sa Khaibar, pagkatapos ay namalagi siya sa Propeta () ng apat na taon, siya ay kasa-kasama nito saan man naroroon, at nagsumikap sa pagsasaliksik ng Hadith at naging masigasig siya rito, kaya't marami siyang kaalaman na natutunan at naisaulo, hanggang sa siya ang itinuring na may pinakamaraming naiulat na Hadith sa mga Sahabah (Kasamahan ng Propeta), na kung saan ay umabot ang kanyang naiulat ng (5374) na Hadith. Siya ay isa sa mga Pantas ng Madinah, namatay siya sa Madinah taong ika-(57) sa Hijri, at siya ay nailibing sa Baqi`.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Kinakailangan na ang maging layunin sa pagkakawanggawa ay ang pagtamo sa kagalakan ng Allah, walang bahid itong anumang bagay bugso ng damdamin gaya ng ibang mga gawaing pagsamba.
2. Tungkulin ng isang Muslim na ilayo ang kanyang sarili sa ipinagbabawal na kita; sapagka’t ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkapoot ng Allah, at kabilang din ito sa mga kadahilanan ng pagdaan sa pagsubok sa pamamagitan ng malalalang karamdaman sa sarili, tulad ng pagkapalalo sa kasakiman, katakawan at kasibaan, gayundin ng pagkamaramot, pagkamakasarili, pagkakuripot at pagkaramdam ng pagkamasama at kawalan ng katiwasayan at kapanatagan.
3. Nabanggit ang kanang kamay sa Hadith na ito, sa kadahilanang ang bagay na kaaya-aya ay iniaabot sa pamamagitan ng kanang kamay ayon sa nakaugalian, at kailangan ding paniwalaan ang mga Pangalan ng Allah at ang Kanyang mga Katangian ayon sa naitala sa mga Islamikong teksto nang walang pagbabaluktot o pagpapalit o paghahalintulad o paglalarawan; kaya kinakailangang maniwala na ang Allah ay may Kanang Kamay ng ayon sa naaangkop sa Kanyang Kamahalan at Kadakilaan.

 

 

 

 

 

ISLAM MADALING PANANAMPALATAYA
2- عَنْ عَبْدِ اللهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ: النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "‏الْجَنَّةُ أَقْرَبُ إِلَى أَحَدِكُمْ مِنْ شِرَاكِ نَعْلِهِ، وَالنَّارُ مِثْلُ ذَلِكَ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 6488).
2- Si Abdullah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Propeta () ay nagsabi: “Ang Paraiso ay napakalapit sa isa sa inyo kaysa sa talampakan ng kanyang sapatos, at ang Apoy ng Impiyerno ay katulad din niyaon”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (6488)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abdullah ibn Mas`uod, isa sa mga pinakamaalam at kilala sa mga Sahabah, siya rin ang pinakamahusay sa pagbasa ng Qur’an sa mga Sahabah, at umabot ng (848) na Hadith ang kanyang naiulat, at marami siyang nasalihan na pakikipaglaban kasama ng Sugo (), at kasama rin siyang nakibaka sa labanan sa Yarmuk pagkatapos ng pagkamatay ng Sugo (), at siya ay ipinadala ni Umar ibn Al-Khattab sa Kufa upang turuan ang mga tao roon tungkol sa mga bagay na bahagi ng kanilang pananampalataya, at pagkaraan ay hinalal siya rito ni Uthman ibn Affan bilang gobernador, at pagkatapos ay inutusan siyang bumalik sa Madinah, siya ay binawian ng buhay sa Madinah taong ika-32 sa Hijri, sa edad niyang humigit ng (60) taon, at siya ay nailibing sa Baqi.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang talampakan ng sapatos ay sadyang napakalapit sa tao, kung kaya’t ito ang ginawang talinghaga sa pagkalapit.
2. Ang Islam ay isang relihiyon na maluwag at madali; kaya’t ang mga paniniwala rito ay maluwag, walang kalabuan at kahirap-hirap, at ang mga gawaing pagsamba rito ay madali, walang pagpapahirap at walang pagpapagod, at ang mga kaugalian nito ay matataas, walang sumasalungat sa kalikasan, ni hindi lumalabas sa apurang pangangailangan ng matinong pag-iisip at mabuting tradisyon.
3. Itinuturo rin ng Hadith na ito na ang pagkamit sa Paraiso ay madali, ito ay sa pamamagitan ng pagtuwid sa pananalig at paggawa ng pagsunod, at gayundin naman na madali ang pagtamo sa Apoy ng Impiyerno sa pamamagitan ng pagsunod sa pithaya at paggawa ng kasalanan; kung kaya’t hindi maaaring maliitin ang alinman sa maliliit na kabutihan para sa paggawa nito, at hindi rin maaaring hamakin ang alinman sa maliliit na kasamaan para sa pag-iwas nito, sapagka’t hindi niya batid ang anumang kabutihan na maaaring ikakahabag sa kanya ng Allah, at gayundin ang kasamaan na maaaring ikapopoot sa kanya ng Allah.

 

 


MGA ALITUNTUNIN NG UDHIYAH
3- عَنْ أَنَسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،  قَالَ: ضَحَّى النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِكَبْشَيْنِ أَمْلَحَيْنِ أَقْرَنَيْنِ، ذَبَحَهُمَا بِيَدِهِ، وَسَمَّى وَكَبَّرَ، وَوَضَعَ رِجْلَهُ عَلَى صِفَاحِهِمَا.
(صحيح البخاري، رقم الحديث 5565، وصحيح مسلم، رقم الحديث 17 - (1966)،).
3- Si Anas (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Nag-alay ang Sugo ng Allah () ng dalawang tupa na purong puti ang mga balahibo nito at may mga sungay, sa kamay niya mismo kinatay ang mga ito, kanyang binigkas ang Ngalan ng Allah at sumambit ng Takbir (Bismillaahi Allahu Akbar), at dinaganan ng kanyang paa ang mga tagiliran nito]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (5565)], Muslim [Hadith bilang: 17-(1966)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Hamzah, Anas ibn Malik Al-Ansari, tagapaglingkod ng Sugo ng Allah (), ipinanganak siya sa Madinah bago ang paglikas mula sa Makkah nang sampung taon, siya ay yumakap sa Islam sa murang edad niya, at nanatili sa piling ng Propeta (), siya ay nanilbihan sa kanya ng sampung taon  at namalagi sa kanya hanggang sa mamatay ang Propeta (Sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan), at pagkatapos ay naglakbay siya patungong Damascus at mula dito ay nagtungo naman siya sa Basra. Siya ay nakapag-ulat ng maraming Hadith at umabot ang kanyang ulat ng (2286) Hadith at siya ay binawian ng buhay sa Basra taong  ika-(93) sa Hijri, matapos na humigit ng (100) taong gulang ang kanyang edad.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Amlah: Ang ibig sabihin nito ay puro na puti, datapuwa’t ang ilan sa mga Pantas ng dalubwika ay nagsasabi na ito ay ang puti na nahaluan ng itim at mayroon ding nagsasabi na taliwas dito.
2. Dapat sa tagakatay sa oras ng pagkatay ay magsabi ng “Bismillah” at nakabubuti sa kanya na sumambit ng “Takbir” pagkatapos ng Bismillah, kaya magsasabi siya ng tulad nito: “Bismillaahi Allaahu Akbar”.
3. Isinasakundisyon na ang iaalay na Udhiyah ay mula sa kawan ng mga hayop; tulad ng kamelyo, baka at tupa o kambing, at isinasakundisyon din sa Udhiyah: Ang kawalan nito ng kapintasan, samakatuwid hindi maaaring iaalay ang Udhiyah na lantad ang pagkabulag, pagkamasasakitin, pagkapilay at pagkapayat.

 

 

 


PAGSUNOD SA IMAM (SA SALAH)
4- عَنِ الْبَرَاءِ بْنِ عَازِبٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا قَالَ: كَانَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا قَالَ: "سَمِعَ اللَّهُ لِمَنْ حَمِدَهُ" لَمْ يَحْنِ أَحَدٌ مِنَّا ظَهْرَهُ، حَتَّى يَقَعَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ سَاجِدًا، ثُمَّ نَقَعُ سُجُوْدًا بَعْدَهُ.
(صحيح البخاري، رقم الحديث 690، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 198- (474)، ).
4- Si Al-Bara ibn Azib (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Kapag nagsabi ang Sugo ng Allah () ng: “Sami allaahu liman hamidah (Nadinig ng Allah ang sinumang nagpuri sa Kanya)”, walang ni isa man sa amin ang nagbababa ng kanyang likuran o yumuyuko hanggang hindi pa siya ganap na nakapatirapa, at pagkatapos ay susunod kami sa kanya na magpapatirapa”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (690)], Muslim [Hadith bilang: 198-(474)].

Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Al-Bara’ ibn `Azib ibn Al-Harith, siya ay isang Sahabi na napakadalubhasa sa batas, siya si Abu `Ammarah Al-Ansari Al-Harithi, siya ay  ipinanganak sampung taon bago ang paglikas sa Madinah, at nasasaad sa aklat ng mga Hadith na siya ay nakapag-ulat ng (305) na Hadith.
Sa katunayan, si Al-Bara’ ibn `Azib ay isa sa mga matatapat na tagasuporta ng Propeta (), siya ay nakasama niya sa (18) na labanan, datapuwa’t sa araw ng labanan sa Badr, siya ay naibibilang pa sa lipon ng mga kabataan, kaya ang una niyang nasalihan na labanan ay ang labanan sa Al-Khandaq, at pagkaraan ng kamatayan ng Propeta (), siya ay nakasali rin sa mga pagsakop sa bansang Persiya. Siya ay nanuluyan sa Kufa at nagpatayo siya rito ng isang tahanan at nanatili rito, siya ay binawian ng buhay sa Kufa taong ika-72 sa Hijri, at may nagsasabing sa ika-71 sa Hijri sa edad niyang halos humigit ng (80) taon.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Hindi itinatagubilin sa isang Ma’mum (tagasunod) na lumipat sa isang saligan ng Salah hanggang sa hindi ganap na umabot dito ang Imam (namumuno sa Salah), kaya hindi siya marapat na magsimulang bumaba o lumuhod para sa pagpapatirapa hanggang hindi nailalapat ng Imam ang kanyang noo sa lupa o sa sahig, at hindi rin marapat na magsimula ang Ma’mum sa isang saligan hanggang sa hindi tumigil ang boses ng Imam, at dahil dito nararapat sa kanya na magpahuli ng kaunti sa Imam.
2. Isasagawa ng Ma’mum ang Takbiratul Ihram (unang Takbir), kapag ganap nang naisagawa ito ng Imam .
3. Hindi magsasagawa ng Taslim (pagtatapos sa Salah) ang Ma’mum maliban kung ganap nang nakapagsagawa ng Taslim ang Imam sa kanan at kaliwa nito.


PAGSASAGAWA NG TASLIM SA SALAH
5- عَنْ سَعْدِ بْنِ أَبِيْ وَقَّاصٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: كُنْتُ أَرَى رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يُسَلِّمُ عَنْ يَمِيْنِهِ وَعَنْ يَسَارِهِ، حَتَّى أَرَى بَيَاضَ خَدِّهِ. (صحيح مسلم، رقم الحديث 199 - (582)، ).
5- Si Saad ibn Abi Waqqas (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Lagi kong nakikita ang Sugo ng Allah () na nagsasagawa ng Taslim sa bahaging kanan niya at sa kaliwa niya hanggang sa nakikita ko ang kaputian ng kanyang pisngi]. Muslim [Hadith bilang: 199–(582)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Ishaq, Saad ibn Abi Waqqas Al-Zihri Al-Qurashi, isang dakilang Sahabi, siya ay ipinanganak sa Makkah taong ika-23 bago ang paglikas (Hijrah), dito siya lumaki at namuhay, isa siya sa mga naunang yumakap sa Islam, kaya napabilang siya sa mga tinaguriang mga naunang nagsiyakap sa Islam, at isa rin siya sa sampung mga binalitaan na makakapasok sa Paraiso, at kabilang din siya sa lipon ng anim na pagsasanggunian na itinalaga ni Umar ibn Al-Khattab, upang ang isa sa kanila ay maging tagahalili niya para sa sambayanang Muslim pagkatapos niya, pagkaraan ay lumikas siya sa Madinah, at nakibaka sa pakikipaglaban sa Bad’r at sa iba pang mga labanan pagkatapos nito.
Siya ay isa sa mga anak ng tiyuhin ng nanay ng Propeta (), kaya tinawag siya ng Propeta () na tiyo. Ibig sabihin ay kabilang lamang sa kanyang mga tiyuhin, at hindi kapatid mismo ng kanyang ina.
Siya ay isang mangangabayong mandirigma at ubod ng tapang, isa sa mga piling pinuno ng Sugo ng Allah (), at mayroon siyang malalaking naging papel sa panahon ni Abu Bakr As-Siddiq, at gayundin sa panahon ni Umar ibn Al-Khattab Al-Farooq, at siya rin ay nahalal bilang gobernador sa Kufa sa kapanahunan ni Umar ibn Al-Khattab at Uthman ibn Affan.
Si Saad ibn Abi Waqqas ang namuno sa sandatahang hukbo ng mga Muslim sa labanan sa Persia at Iraq, at dahil sa kabutihang loob ng Allah nakayanan niyang talunin ang Persia ng napakalaking pagkatalo sa Qadisiyah, at siya rin ang sumakop sa Mada-in, siya ay lagi nang tinutugunan ng Allah sa panalangin, at mayroon din siyang mga dakilang katangian at maraming kabutihan, datapuwa’t kusa naming hindi binanggit ito upang makaiwas sa mahabang pagsasalaysay. Pagkaraan ay tinalikuran ni Saad ibn Abi Waqqas ang mga kaukulang bagay sa paghahatol at pulitika, at lumayo siya sa malaking kaguluhan na naganap sa pagitan ng mga Sahabah, bagkus inutusan niya ang kanyang pamilya at mga anak na huwag nila siyang balitaan sa mga nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng mga Sahabah. Siya ay nakapag-ulat ng (270) na Hadith sa mga aklat ng Sunnah.
Siya ay isang pandak, binawian siya ng buhay taong ika-55 sa Hijri sa Aqeeq sa kanyang palasyo ng may layong pitong milya mula sa Madinah, at ang gobernador ng Madinah sa panahon na yaon na si Marwan ibn Al-Hakam ang siyang nakapagsagawa sa kanya ng Salaatul Janazah (dasal para sa patay), at nailibing siya sa Baqi`, at siya ang pinakahuling namatay sa mga Muhajireen (nagsilikas mula sa Makkah patungong Madinah).

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na kailangang lumingon ang nagsasagawa ng Salah sa bawa’t pagsasagawa ng Taslim, sa bahaging kanan niya at pagkatapos ay sa bahaging kaliwa naman niya para sa pagtatapos ng Salah hanggang sa makita ng nasa tabi niya ang kanyang pisngi.
2. Itinatagubilin sa nagsasagawa ng Salah sa pagtatapos ng Salah na kanyang sabihin sa paglingon niya sa bahaging kanan niya at sa kaliwa ang: “Assalamu alaykum wa rahmatullaah” sapagka’t napatunayan: [Na ang Sugo ng Allah () ay lumilingon sa bahaging kanan niya na nagsasabing: “Assalamu alaykum wa rahmatullaah”, hanggang sa nakikita ang kaputian ng kanyang kanang pisngi at gayundin sa bahaging kaliwa niya: “Assalamu alaykum wa rahmatullaah” hanggang sa nakikita ang kaputian ng kanyang kaliwang pisngi]. An-Nasai [Hadith bilang: (1325)], Abu Daud [Hadith bilang: (996)], At-Tirmidhi [Hadith bilang: (295)], Ibnu Maja [Hadith bilang: (914)].
3. Ang Salam o Taslim sa pagtatapos ng Salah ay isa sa mga saligan ng Salah, hindi ito matatanggap kung wala ito, ganito ang sinabi ng karamihan sa mga pantas ng mga Sahabah (Sumakanilang lahat nawa ang kaluguran ng Allah), samakatuwid ang Taslim ay isang matatag na haligi ng Salah, at ito ay lagi nang ginagawa ng Propeta, datapuwa’t mayroon sa mga eskolar (Sumakanila nawa ang habag ng Allah) ang nagsasabi: Na ang Salam o Taslim sa pagtatapos ng Salah ay kabilang sa mga Sunnah ng Salah.
ANG RIYA’ (PAGPAPAKITANG TAO)
AT SUM`AH (PAGPAPARINIG)
6- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَبَّاسٍ  رَضِيَ اللهُ عَنْهُماَ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ سَمََّعَ، سَمََّعَ اللَّهُ بِهِ، وَمَنْ رَاءَى، رَاءَى اللَّهُ بِهِ".  
(صحيح مسلم، رقم الحديث 47 - (2986)، واللفظ  له، وصحيح البخاري، رقم الحديث 6499).
6- Si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Sinabi ng Sugo ng Allah (): “Ang sinumang magpaparinig ay paparinigan din siya ng Allah, at ang sinumang magpapakita ay papakitaan din siya ng Allah”]. Muslim [Hadith bilang: 47-(2986)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (6499)].
 
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah), isang kilalang Sahabi (Kasamahan ng Propeta), ang kanyang palayaw ay Abul Abbas, isa sa mga pantas ng mga Sahabah, at isa sa mga matatalinong tao sa sambayanang muslim, at isa rin sa mga pinuno ng tagapagpaliwanag sa Banal na Qur'an (Tafseer). Siya ay pinsang buo ng Sugo ng Allah (), at siya’y ipinanganak tatlong taon bago ang paglikas sa Madinah sa isang lugar na tinatawag na Shi`b bago lisanin ito ng angkan ni Hashim, at pagkatapos ay namalagi siya sa Propeta (), kaya't marami siyang natutunan na kaalaman mula sa Propeta (). Ang kanyang naiulat ay umabot ng (1,660) na Hadith, at siya'y (13) taong gulang pa lamang nang binawian ng buhay ang Sugo ng Allah (). Hinirang siya ni Ali ibn Abu Thalib bilang pinuno ng Basra (sa Iraq), at siya ay namatay sa Taif taong ika-68 sa Hijri, sa edad na (70) taong gulang, datapuwa’t may nagsasabing (71) o (74) taong gulang.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Riya’ o ang pagpapakitang-tao ay ang paggawa ng isang tao ng isang gawain na hindi niya nilalayon dito ang Mukha (o ang kasiyahan) ng Allah, bagkus ang kanyang layon ay upang siya ay makita lamang ng tao, kaya siya ay pupurihin ng mga ito sa kabutihan, at ang Sum`ah naman ay ang pagtatago niya sa kanyang gawain para sa Allah, at pagkatapos ay pag-uusapan siya ng mga tao upang siya ay kanilang parangalan at dakilain.
2. Hatid ng Hadith na ito sa kabuuan nito ang isang babala laban sa Riya’ at Sum`ah, kaya marapat lamang sa isang Muslim ang maging masigasig sa katapatan ng gawain para sa Allah, at huwag niyang hangarin ang papuri sa kanya ng mga tao.
3. Ang Riya’ at ang Sum`ah ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkasira ng gawain sa Allah, at ang pinakamasama sa mga uri ng Riya’ ay ang nakaugnay sa saligan ng Pananampalataya, gaya ng kalagayan ng mga Munafiq (o taong mapagkunwari), at pagkatapos ay susunod dito ang ibang hanay ng Riya’ na kaugnay sa mga saligan mula sa mga isinatungkulin na pagsamba, gaya ng isang nakaugaliang iniiwan ang pagsasagawa nito kapag nag-iisa, nguni’t kapag nasa harapan ng mga tao, ito ay isinasagawa dahilan sa pagkatakot sa paninirang puri.

 

 

 

MGA PALATANDAAN NG BULAANG KRISTO
7- عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ:  قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "الدَّجَّالُ مَمْسُوحُ الْعَيْنِ، مَكْتُوْبٌ بَيْنَ عَيْنَيْهِ كَافِرٌ"، ثُمَّ تَهَجَّاهَا: ك، ف، ر، "يَقْرَؤُهُ كُلُّ مُسْلِمٍ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 103 - (2933)، واللفظ  له، وصحيح البخاري، رقم الحديث 7408).
7- Si Anas ibn Malik (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang bulaang (Kristo) ay bulag ang mata, nakasulat sa pagitan ng kanyang mga mata ang katagang “KAFIR” pagkatapos ay inispelin niya ito ng: K, P, R, nababasa ito ng bawat Muslim”]. Muslim [Hadith bilang: 103–(2933)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (7408)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-3 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nararapat na paniwalaan ang pagdating ng bulaang Kristo bago ang pagsapit ng Oras (ng paggunaw sa mundo), at na siya ay mapapatay ni Isa o Hesus (Sumakanya nawa ang kapayapaan) sa bansang Syria, malapit sa Damascus sa may pintuang tinatawag na Ludd sa dakong silangan na malapit sa lunsod ng Tal Abeeb.
2. Kabilang sa mga palatandaan ng bulaang (Kristo) ay ang pagkaroon ng kapintasan ng dalawa niyang mga mata, ang nasa kanan ay bulag at ang nasa kaliwa ay bulag din, datapuwa’t ang isa rito ay burang bura na at walang wala na talaga, dahilan sa natatakpan na ng balat, nakasulat sa pagitan ng dalawang mata niya ang “KAFIR”, kaya ang harapan ng mukha niya ay napakasagwa at napakapangit, samakatuwid iisang mata lamang ang mayroon sa bulaang (Kristo) at mayroon pa itong kapintasan dahilan sa nakalabas ito sa butas nito, sa gayon walang mata ang bulaang (Kristo) kundi iisa lamang at napakapangit pa, kaya sa pamamagitan nito lamang siya nakakakita at tumitingin.
3. Ang nakasulat sa noo ng bulaang (Kristo) ay totoong sulat, ginawa ito ng Allah bilang tanda at palatandaan mula sa kabuuan ng mga palatandaang nagpapatotoo sa kawalan niya ng pananampalataya, kasinungalingan at kawalan ng kabuluhan, at ito ay ilalantad ng Allah sa bawa’t Muslim na manunulat at hindi manunulat.


KAASALAN SA PAGPAPA-INOM NG TAO
8- عَنْ أَبيْ قَتَادَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "سَاقِيُ الْقَوْمِ آخِرُهُمْ شُرْبًا".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 1894، واللفظ له، وصحيح مسلم، جزء من رقم الحديث 311 - (681)، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه: حسن صحيح، وصححه الألباني).
8- Si Abu Qatadah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Ang nagpapainom sa mga tao ang siyang pinakahuli sa kanila ng pag-inom”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1894)], Muslim [Hadith bilang: 311-(681)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Qatadah ibn Rabe`i Al-Ansari, isa sa mga kagalang-galang na Sahabi (Kasamahan ng Propeta), siya ay nakibaka sa labanan sa Uhud, at sa iba pang mga digmaan at labanan, lagi niyang binabantayan ang Propeta () at inaalagaan sa paglalakbay. Ipinadala siya ni Umar ibn Al-Khattab bilang pinuno ng hukbong sandatahan para puksain ang mga Persia, kaya siya mismo ang nakapaslang sa Hari nila sa sarili niyang mga kamay. Datapuwat nagkakaiba ang mga ulat tungkol sa lugar at petsa ng kanyang kamatayan, may nagsasabing namatay siya sa Kufa (Iraq) taong ika-38 sa Hijri, at si Ali ibn Abu Thalib ang nakapagsagawa sa kanya ng Salaatul Janazah (dasal para sa patay), datapuwa't mayroong nagsasabi na siya ay namatay sa Madinah taong ika-54 sa Hijri, at mayroon ding nagsasabi na taliwas dito.

 

 

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Kabilang sa kagandahang asal sa Islam sa sinumang nagtataguyod sa pagpapainom ng mga tao na kanyang unahin ang pinakapinuno nila o ang sinumang nasa bahaging kanan niya at magpapahuli siya sa pag-inom upang sa gayon ay makainom ang pinakahuli sa kanila.
2. Ang Hadith na ito ay sumasaklaw sa ilang mga kagandahang asal kaugnay sa kanya na namamahagi ng pagkain, tubig, gatas at iba pang pagkain at inumin; kaya ang sinumang namamahagi ng pagkain para sa isang samahan o grupo gaya ng karne, prutas at iba pa, samakatuwid ang namamahagi ang siyang pinakahuli sa pagkuha ng pagkain para sa kanyang sarili.
3. Walang pinagkakasalungatan sa pagitan ng Hadith na ito at sa Hadith na nagsasaad ng: “Mag-umpisa ka sa iyong sarili”, sapagka’t yaon ay pangkalahatan, at maaaring ang iba rito ay ginawang pangpartikular.

 

KAGANDAHANG ASAL SA PAG-INOM
9- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ:  قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "إِذَا شَرِبَ أَحَدُكُمْ فَلاَ يَتَنَفَّسْ فِي الْإِنَاءِ؛ فَإِذَا أَرَادَ أَنْ يَعُوْدَ؛ فَلْيُنَحِّ الْإِنَاءَ، ثُمَّ لِيَعُدْ إِنْ كَانَ يُرِيدُ".
(سنن ابن ماجه، رقم الحديث 3427، وصححه الألباني).
9- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Kapag umiinom ang isa sa inyo ay huwag huminga sa sisidlan, at kapag nais niyang umulit, ilayo niya ang sisidlan nang kaunti, at pagkatapos ay uulitin niya ito kung nais naman niya”]. Ibnu Majah [Hadith bilang: (3427)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith:
Ang Mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Hadith na ito ay pinagtutugma sa Hadith na nagsasaad na ang Sugo ng Allah () ay humihinga sa sisidlan ng tatlong beses. Sa panlabas ng dalawang Hadith na ito ay para bang magkasalungat ang mga ito, sapagka’t ang una ay tuwirang nagbabawal sa paghinga sa sisidlan, samantalang ang pangalawa naman ay nagpapatotoo sa paghinga sa sisidlan sa panlabas nito, kaya ang unang Hadith ay itinuturing na ito ay nagbabawal sa paghinga sa loob ng sisidlan habang umiinom sa sisidlan, kung gayon ang panlabas nito ay pagbabawal, kaya ang paghinga sa loob ng sisidlan habang umiinom ay bawal at hindi lehitimo, samantalang ang kahulugan naman ng pangalawang Hadith ay nagpapatotoo na ang Sugo ng Allah () ay humihinga sa labas ng sisidlan habang umiinom, at ito nga ang siyang itinatagubilin at lehitimo, kaya walang pagkakasalungatan sa pagitan ng dalawang ito.
2. Nasasaad sa Hadith na ito ang pagbabawal sa paghinga sa sisidlan na iniinuman ng umiinom, maging ito man ay mag-isang uminom sa sisidlan o may kasamang iba, bagkus ito ay kabilang sa mga mararangal na kaugalian na ipinanghihikayat ng Islam upang mapangalagaan ang kalinisan at pangkalahatang matatayog na kaasalan sa pag-inom, sapagka’t ang paghinga sa sisidlan habang umiinom ay maaaring maging dahilan sa paglabas ng laway o dura at maaari ring mag-iiwan ito ng masamang amoy.

 

 

MGA IPINAGBABAWAL NG ISLAM
10- عَنْ أَبيْ جُحَيْفَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، أَنَّهُ اشْتَرَى غُلاَمًا حَجَّامًا؛ فَقَالَ: "إِنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ نَهَى عَنْ ثَمَنِ الدَّمِ، وَثَمَنِ الْكَلْبِ، وَكَسْبِ الْبَغِيِّ، وَلَعَنَ آكِلَ الرِّبَا وَمُوكِلَهُ، وَالْوَاشِمَةَ وَالْمُسْتَوْشِمَةَ وَالْمُصَوِّرَ".
 (صحيح البخاري، رقم الحديث 5962).
10- Si Abu Juhaifah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Siya daw diumano ay bumili ng isang batang lalaki na gumagawa ng cupping therapy (nagkukuha ng dugo). Kanyang sinabi: Katotohanang ipinagbawal ng Propeta () ang halaga ng dugo, ang halaga ng aso, ang mga kita ng isang puta, at kanyang isinumpa ang kumakain ng Riba (pinapatubo) at ang pinagkakatiwalaan nito, gayundin ang nagtatato ng iba at ang nagpapatato, at ang gumuguhit ng larawan]. Al-Bukhari: [Hadith bilang: (5962)].

Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Juhaifah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), isang kilalang Sahabi at ang tunay niyang pangalan ay Wahb ibn Abdullah As-Suwaie Al-Kufi, ang tawag sa kanya ay: Wahb Al-Khayr, siya ay hindi pa nasa wastong edad nang mamatay ang Propeta (), siya ay may nailathala mula sa Sugo ng Allah na (45) Hadith sa mga aklat ng Sunnah, at siya ay nanuluyan sa Kufa at dito na rin siya binawian ng buhay taong ika-74 sa Hijri, datapuwa’t may nagsasabi na taliwas dito, ang Allah ang higit na nakakaalam.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Kinakailangang lagi nang isinasaalang-alang ng isang Muslim ang Allah sa kanyang mga inililihim at inilalantad, maging masigasig sa mga katuruan ng Islam at umiwas sa mga ipinagbabawal, sapagka’t ito ay kabilang sa mga tanda sa pagtamo ng kaligayahan sa mundo at sa kabilang buhay.
2. Sa katunayan, ang Islam ay masigasig sa pagbukas ng mga pintuan upang malayang tumahak ang mga tao sa pagtamo ng marangal at malinis na hanapbuhay sa kanilang mga kalakalan at iba pang mga lehitimong pamamaraan, gaya ng pagtatanim at industriya, at ipinagbawal ang anumang hanapbuhay na kumikita sa paraang ipinagbabawal, gaya ng halaga ng dugo, halaga ng aso, gayundin ang kinikita ng puta o mula sa pangangalunya, Riba (pagpapatubo) at iba pa.
3. Napapaloob sa Hadith na ito ang isang matibay at maliwanag na katibayan na nagpapatotoo sa kabawalan ng pagtatato sa katawan at gayundin ang pagguguhit ng larawan sa lahat ng may buhay.

 

 


PAGTUGON SA PAANYAYA
11- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ دُعِيَ إِلَى عُرْسٍ أَوْ نَحْوِهِ فَلْيُجِبْ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 101 - (1429)، ).
11- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang inanyahan sa isang kasal o katulad nito, sa gayon ay marapat niyang tugunan ito”]. Muslim [Hadith bilang: 101-(1429)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abdullah ibn Umar ibn Al-Khattab, isang dakilang  Sahabi (kasamahan ng  Propeta), yumakap siya sa Islam kasama ng kanyang  ama sa kanyang murang edad at pagkatapos ay lumikas siya patungong Madinah bago ang kanyang ama. Ang unang digmaan na kanyang nasalihan ay ang labanan sa Al-Khandaq, at pagkaraan ay nasalihan niya ang lahat ng labanan kasama ng Sugo ng Allah (). Mayroon din siyang bahagi sa mga malalaking tagumpay o pagsakop ng Islam sa Ehipto, Sirya, Iraq, Basra at Persia, siya ay isang magiting at matapang, at siya ay kabilang sa mga pantas ng mga Sahabah (kasamahan ng Propeta ), ang kanyang naiulat ay umabot ng (2,630) na Hadith. Siya ay naging isang magandang halimbawa sa pagsamba at kabanalan, at siya ay binawian ng buhay sa Makkah taong ika-73 sa Hijri sa edad niyang (86) na taon.

 

 

 

 


 

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinatagubilin ng Hadith na ito na ang pagtugon sa isang paanyaya para sa kasal ay isang katungkulan sa sinumang inanyahan dito, sa kadahilanang nagsasaad ito ng isang pahayag tungkol sa pagpapahalaga sa taong mag-aasawa, sa pamamagitan ng pagdulot ng kaligayahan sa kanyang puso at ng kabutihan sa kanyang sarili dahil sa pagtugon sa kanyang paanyaya.
2. Ang Islam ay isang relihiyon ng kagandahang ugali at kadalisayan ng mga puso, sa gayon ay upang wala ng matira na samaan ng loob sa pagitan ng miyembro ng isang pamilya at komunidad, dahilan dito, nararapat sa isang Muslim na tugunan ang paanyaya ng kanyang kapatid sa sandaling nagpadala sa kanya ito ng paanyaya, at kung ito ay hindi rin naman naglalaman ng anumang tiwali o taliwas sa mga katuruan ng Islam.
3. Hindi nararapat sa isang Muslim na mamintas ng anumang pagkain kapag siya ay dumalo sa isang handaan o paanyaya, bagkus kapag ito’y kanyang nagustuhan, kumain siya nito at kung hindi naman niya nagustuhan ay kanyang iwanan na lamang ito.


KABUTIHAN NG SALAH SA ISHA’ AT FAJR
12- عَنْ عُثمَانَ بنِ عَفَّانَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: سَمِعتُ رَسُوْلَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، يَقُوْلُ: "مَنْ صَلَّى العِشَاءَ فِيْ جَمَاعَةٍ؛ فَكَأنَّمَا قَامَ نِصْفَ اللَّيْلِ، وَمَنْ صَلَّى الصُّبْحَ فِيْ جَمَاعَةٍ؛ فَكَأنَّمَا صَلَّى اللَّيْلَ كُلَّهُ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 260 - (656)، ).
12- Si Uthman ibn `Affan (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Narinig ko sa Sugo ng Allah () na kanyang sinasabi: “Ang sinumang nagsagawa ng Salah sa Isha’ sa sama-samang pagdarasal ay para niyang itinaguyod ang kalahating gabi sa pagdarasal, at sinumang nagsagawa ng Salah sa Fajr sa sama-samang pagdarasal ay para niyang itinaguyod ang Salah sa buong magdamag”]. Muslim [Hadith bilang: 260-(656)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Uthman ibn Affan ibn Abul-As Al-Qurashi, na ipinanganak sa lungsod ng Makkah matapos makalipas ng anim na taon mula sa tinaguriang taon ng elepante, at siya ay yumakap sa Islam ng di kalaunan pagkatapos na mahirang ang Propeta () bilang Sugo, siya ay isa sa mga tinaguriang Ameerul Mu’mineen (pinuno ng mga mananampalataya) at ikatlo sa mga napatnubayang Khalifah (tagahalili) ng Propeta ().
Siya ang pinakaunang lumikas sa Etyopya kasama ang kanyang asawa na si Ruqayah, anak na babae ng Propeta (), sa katunayan siya ay masugid na sumusuporta sa Islam sa pamamagitan ng kanyang sarili at kayamanan, at siya ay naghanda ng sandatahang hukbo sa panahon ng kagipitan ng (950) kamelyo at (50) kabayo, at binili rin niya ang balon na tinaguriang Ruma sa halagang (20) libo at kanyang ipinamahagi ito bilang kawanggawa, at kanya ring pinalawak ang Masjid ng Propeta () sa halagang (25) libo, at siya ay hinalal sa pagkapinuno bilang kapalit ni Umar ibn Al-Khattab taong ika-23 sa Hijri, natapos din niya ang pagtipon sa Qur’an, at marami pa siyang nasakop na mga lugar sa ngalan ng Islam sa panahon ng kanyang pamumuno sa Asya at Aprika, at siya ay nakapag-ulat ng (146) na Hadith.
Siya ay napatay bilang isang martir sa loob ng kanyang tahanan sa Madinah sa kamay ng mga pinakamakasalanang salarin taong ika-35 sa Hijri, sa edad niyang (80) taon.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinag-uutos ng Islam na maging masigasig sa pagsasagawa ng Salah sa Isha’ at Fajr sa sama-samang pagdarasal, at gayundin sa iba pang mga ubligadong Salah.
2. Ang Hadith na ito ay nagpapaliwanag tungkol sa kabutihan ng pagsasagawa ng Salah sa Isha’ at Fajr sa sama-samang pagdarasal, na ito’y tumutumbas sa pagtaguyod ng isang tao sa buong magdamag na pagdarasal, kaya ang sinumang nagtaguyod sa isa sa dalawang ito sa sama-samang pagdarasal ay para niyang naitaguyod ang kalahating gabi.
HATOL SA PAGGUHIT NG LARAWAN
13- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَبَّاسِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ: سَمِعْتُ مُحَمَّدًا صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، يَقُوْلُ:  "مَنْ صَوَّرَ صُوْرةً في الدُّنيا، كُلِّفَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ أَنْ يَنْفُخَ فِيْهَا الرُّوْحَ، وَلَيْسَ بِنَافِخٍ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 5963، واللفظ  له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 100- (2110)،).
13- Si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Narinig ko kay Muhammad () na kanyang sinasabi: “Ang sinumang gumuhit ng isang larawan sa mundong ito, siya ay papanagutin sa Araw ng Pagbabangong Muli sa paghipan ng kaluluwa nito, samantalang hindi naman siya taga-ihip”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (5963)], Muslim [Hadith bilang: 100-(2110)]
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-6 na Hadith.


Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinagbabawal ng Islam ang pag-ukit, ang paggawa ng mga rebultong may kaluluwa, o ang pagguhit ng larawan nito, gayundin ang pagbebenta nito, datapuwa’t ipinahintulot ang paggawa ng rebulto at ang pagguhit ng larawan sa mga walang kaluluwa, gaya ng mga kahoy, ilog, bundok, gusali at iba pa.
2. Ipinagbabawal din ng Islam ang pagguhit ng larawan ng mga nilalang sa pamamagitan ng emahinasyon at ang pag-ukit nito, sapagka’t ang mga ito ay katulad din ng mga may kaluluwa sa kalikasan nito at anyo, kahit pa man ang mga ito ay hindi kasing tulad sa totoo.

 

 

 

 

 

KAGANDAHANG ASAL SA PAGKAIN
14- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُماَ، أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "إِنَّ الْبَرَكَةَ تَنْزِلُ وَسَطَ الطَّعَامِ؛  فَكُلُوْا مِنْ حَافَّتَيْهِ، وَلاَ تَأْكُلُوْا مِنْ وَسَطِهِ".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 1805، واللفظ له،  وسنن أبي داود، رقم الحديث 3772، وسنن ابن ماجه، رقم الحديث 3277، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن صحيح، وصححه الألباني).
14- Si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Katotohanan, ang Barakah (o biyaya) ay bumababa sa gitna ng pagkain, kaya kumain kayo sa magkakabilang gilid nito at huwag kumain sa gitna nito”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1805)], Abu Daud [Hadith bilang: (3772)] at ibnu Majah [Hadith bilang: (3277)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-6 na Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang isang Muslim ay marapat na kumain lamang sa kung saan ang pinakamalapit na pagkain sa kanyang harapan bago ang gitna nito, at huwag niyang iabot ang kanyang kamay sa pagkain na malapit sa harapan ng iba at sa gitna ng pagkain, maliban kung ang pagkain ay magkakaibang uri at ang isang uri nito ay nasa gitna at nais niyang kumuha nito, sa gayon ay wala namang masama rito.
2. Ang ibig sabihin ng “Barakah” sa Hadith na ito ay ang pagdami at pagdadagdag nito mula sa Allah, at ang ilan sa mga bakas ng Barakah nito ay ang kalusugan, kaligayahan, kaligtasan at kakuntintuan, gayundin ng pagkaramdam ng katiwasayan, kaligtasan, kapanatagan, kawalan ng takot at pangamba. At ang ilan naman sa mga bakas ng kakulangan ng Barakah nito ay ang pag-iral ng pagkagahaman, pagkasakim, pagkamakasarili, pagkatakaw, pagkahumaling sa sarili, matinding pagkapoot, pagkainggit, pananatili ng kahirapan sa buhay, walang tigil na pangangamba, at gayundin ng kawalan ng katahimikan at kapanatagan.

PARAAN NG PAGSASAGAWA SA WUDU’
15- عَنْ حُمْرَانَ رَحِمَهُ الله، مَوْلَى عُثمَانَ بْنِ عَفَّانَ أَنَّهُ رَأَى عُثمَانَ بْنَ عَفَّانَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ دَعَا بِوَضُوْءٍ؛ فَأَفْرَغَ عَلَى يَدَيْهِ مِنْ إِنَائِهِ؛ فَغَسَلَهُمَا ثَلاَثَ مَرَّاتٍ، ثُمَّ أَدْخَلَ يَمِيْنَهُ فِي الْوَضُوْءِ، ثُمَّ تَمَضْمَضَ وَاسْتَنْشَقَ وَاسْتَنْثَرَ، ثُمَّ غَسَلَ وَجْهَهُ ثَلاَثًا، وَيَدَيْهِ إِلَى المِرْفَقَيْنِ ثَلاَثًا، ثُمَّ مَسَحَ بِرَأْسِهِ، ثُمَّ غَسَلَ كُلَّ رِجْلٍ ثَلاَثًا، ثُمَّ قَالَ: رَأَيْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَتَوَضَّأُ نَحْوَ وُضُوْئِيْ هَذَا، وَقَالَ: "مَنْ تَوَضَّأَ نَحْوَ وُضُوْئِيْ هَذَا، ثُمَّ صَلَّى رَكْعَتَيْنِ لاَ يُحَدِّثُ فِيْهِمَا نَفْسَهُ، غَفَرَ اللَّهُ لَهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْبِهِ". (صحيح البخاري، رقم الحديث 164، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 3 - (226)،).
15- Si Humran (Sumakanya nawa ang habag ng Allah), isang tagapaglingkod ni Uthman ibn Affan ay nag-ulat: [Na kanyang nakita diumano si Uthman ibn Affan (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) na humingi ng isang sisidlan na may tubig, at pagkatapos ay binuhusan niya ang dalawa niyang mga kamay mula sa kanyang sisidlan, at hinugasan niya ang mga ito ng tatlong beses, pagkatapos ay ipinasok niya ang kanang kamay niya sa sisidlan, at nagmugmog siya, pagkatapos ay sumingot siya ng tubig at isininga, pagkatapos ay hinugasan niya ang kanyang mukha ng tatlong beses, pagkatapos ay ang dalawa niyang mga kamay hanggang siko ng tatlong beses, pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang ulo, at pagkatapos ay hinugasan niya ang magkabilang paa niya ng tatlong beses sa bawat isa; at pagkatapos ay kanyang sinabi: Nakita ko ang Propeta () na isinasagawa ang Wudu ng tulad ng pagsasagawa ko sa Wudu’ na ito, at siya (ang Propeta) ay nagsabi: “Ang sinumang nagsagawa ng Wudu ng tulad ng pagsasagawa kong ito, at nagsagawa ng Salah na binubuo ng dalawang Rak`ah nang hindi kinakausap ang kanyang sarili, sa kanya ay patatawarin ng Allah ang mga nauna niyang kasalanan”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (164)], Muslim [Hadith bilang: 3-(226)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Humran ibn Aban Al-Farisi, isang napakadalubhasa sa batas, at isa rin sa mararangal na pantas sa Madinah, at siya ay tagapaglingkod ng Ameerul Mu’mineen (Pinuno ng mga Muslim), na si Uthman ibn Affan, at siya (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ang nagpalaya sa kanya sa pagiging alipin, si Humran (Sumakanya nawa ang habag ng Allah) ay binawian ng buhay taong ika-75 sa Hijri, datapuwa’t may nakapagsabing kasalungat nito.
Tungkol naman sa Ameerul Mu’mineen, na si Uthman ibn Affan (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), siya ay nabanggit na sa Hadith na ika-12.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturing ang Hadith na ito na isa sa mga dakilang saligan ng Islam sa pamamaraan ng pagsasagawa ng Wudu’, kaya nararapat sa bawa’t Muslim na pag-aaralan ang ganitong pamamaraan ng Wudu’ at kanyang pangalagaan ito. Datapuwa’t bilang karagdagang kaalaman, ang pagpunas sa ulo ay iisang beses lamang at kasama na rito ang dalawang tainga dahil bahagi ito ng ulo.
2. Ang Wudu’ at ang Salah ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkamit ng kapatawaran at pagpasok sa Paraiso, kaya mainam para sa nagsasagawa ng Wudu’ ang magsagawa kaagad ng Salah na dalawang Rak`ah pagkatapos ng Wudu’.
3. Nakabubuti para sa isang Muslim pagkatapos niyang magsagawa ng Wudu’ ang magsabi ng: “Ash-hadu allaa ilaaha illallah, wa anna Muhammadan abdullaahi wa rasooluh” batay sa sinabi ng Propeta (): “Walang isa man sa inyo ang nagsagawa ng Wudu’, na nilubos-lubos ito o pinahusay ang pagsasagawa nito, at pagkatapos ay kanyang sasabihin: “Ash-hadu allaa ilaaha illallah, wa anna Muhammadan abdullaahi wa rasooluh” kundi para sa kanya ay bubuksan ang walong mga pintuan ng Paraiso, siya ay papasok dito alin man sa naisin niya rito”]. Muslim [Hadith bilang: 17-(234)].

KAIBAHAN NG ANGHEL SA JINNE
16- عَنْ عَائِشَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا، قَالَتْ: قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "خُلِقَتِ المَلاَئِكَةُ مِنْ نُوْرٍ، وَخُلِقَ الجَانُّ مِنْ مَارِجٍ مِنْ نَارٍ، وَخُلِقَ آدَمُ مِمَّا وُصِفَ لَكُمْ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 60 - (2996)، ).
16- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang mga Anghel ay nilikha mula sa liwanag, at ang mga Jinne ay nilikha mula sa usok ng apoy, samantalang si Adam ay nilikha ayon sa pagkakalarawan sa inyo”]. Muslim [Hadith bilang: 60-(2996)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya ang isa sa mga tinaguriang Ummul Mu'mineen (ina ng mga mananampalataya), na si Aishah, anak na babae ni Abu Bakr As-Siddiq, siya ay pinakasalan ng Propeta () bago ang paglikas mula sa Makkah, datapuwa’t ganap pa niyang naangkin ito sa Madinah sa edad niyang (9) na taong gulang, at siya ay nasa edad na (18) taong gulang nang mamatay ang Propeta (). Siya (si Aishah) ang pinakamatalino at pinakadalubhasa sa batas sa lipon ng mga tao noon sa kanyang kapanahunan, pinakamaalam at may pinakamagandang opinyon, at siya ay naging isa ring magandang halimbawa sa kabutihang-loob at bukas-palad. Nakapag-ulat siya mula sa Sugo ng Allah () ng maraming Hadith, bagkus umabot ang naiulat niya ng (2,210) na Hadith.
Siya (Aishah) ay binawian ng buhay sa Madinah, Martes ng gabi, ika-17 sa buwan ng Ramadan o Shawwal taong ika-57 o (58) sa Hijri, si Abu Hurairah ang nakapagsagawa para sa kanya ng Salaatul Janazah (dasal para sa patay) at siya ay nailibing sa Baqi`.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Sa Hadith na ito ay ipinahayag ang kaibahan ng pagkakalikha sa pagitan ng mga anghel at mga jinni; sapagka’t ang mga anghel ay nilikha mula sa liwanag, at ang liwanag ay yaong tumatanglaw na nagniningning, nagliliwanag ang lahat ng nasa paligid nito dahilan sa angking liwanag, kintab at kislap nito, samantalang ang mga Jinni naman ay nilikha mula sa apoy; ang tinutukoy dito na mula sa apoy ay ang ninuno ng mga Jinni na si Iblis (Satanas). Datapuwa’t may nakapagsabi na ang pinatutukuyan dito ay iba at hindi si Iblis .
2. Kinakailangan nating paniwalaan ang pagkakaroon ng mga Jinni at mga demonyo, sapagka’t sila ay kabilang sa mga nilikha ng Allah na nakakaranas din ng kamatayan tulad ng tao.
3. Ang Pananampalataya ay binubuo ng anim na haligi, at isa na rito ang paniniwala sa mga Anghel, sila ay mararangal na mga alipin ng Allah at sila ay nilikha mula sa liwanag na nagluluwalhati sa gabi’t araw, at ang unang tao naman ayon sa pananaw at pagsasalaysay ng Islam ay si Adam (Sumakanya nawa ang kapayapaan), siya ay nilikha ng Allah mula sa lupa, datapuwa’t hindi puro lupa lamang, bagkus siya ay isang nilalang na may buhay at may isipan, at mayroon din siyang ugat, kalamnan at laman, buto at dugo.

 

 


KABUTIHAN NG PAGDARASAL SA MASJID QUBA’
17- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: كَانَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَأْتِي مَسْجِدَ قُبَاءٍ رَاكِبًا وَمَاشِيًا؛ فَيُصَلِّيْ فِيْهِ رَكْعَتَيْنِ.
(صحيح مسلم، رقم الحديث 516- (1399)، واللفظ له وصحيح البخاري، رقم الحديث 1194).
17- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Nakaugalian ng Sugo ng Allah () na siya ay pumupunta sa Masjid Quba’ nang nakasakay at naglalakad, at nagsasagawa siya dito ng Salah na dalawang Rak`ah]. Muslim [Hadith bilang: 516-(1399)], Al-Bukhari: [Hadith bilang: (1194)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-11 na Hadith:


Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang pagkalehitimo ng pagbisita o pagdalaw sa Masjid Quba’, at ang pagpunta dito nang nakasakay o naglalakad, sapagka’t ang Propeta () ay lagi nang pumupunta dito sa tuwing araw ng Sabado ayon sa nasasaad sa aklat ni Muslim [Hadith bilang: 520-(1399)].
2. Sadyang napakaraming Hadith ang nagpaliwanag tungkol sa kabutihan ng pagdarasal sa Masjid Quba’, ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Hadith-1: Sinabi ng Propeta (): “Ang pagsasagawa ng Salah sa Masjid Quba’ ay katumbas ng isang Umrah”. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (324)], Ibnu Majah [Hadith bilang: (1411)].
Hadith-2: Sinabi ng Sugo ng Allah (): “Ang sinumang naglinis ng kanyang tahanan, at pagkatapos ay pumunta sa Masjid Quba’ at nagsagawa siya dito ng isang Salah, sasakanya ang gantimpala na katumbas ng isang Umrah”. Ibnu Majah [Hadith bilang: (1412)], An-Nasai [Hadith bilang: (699)].
KABUTIHAN NG PAGTULONG SA MGA DUKHA
18- عَنْ مُصْعَبِ بْنِ سَعْدٍ رَحِمهُ الله قَالَ: رَأَى سَعْدٌ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ أَنَّ لَهُ فَضْلاً عَلَى مَنْ دُونَهُ؛ فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:  "هَلْ تُنْصَرُوْنَ وَتُرْزَقُوْنَ إِلاَّ بِضُعَفَائِكُمْ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 2896).
18- Si Mus`ab ibn Saad (Sumakanya nawa ang habag ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Nakikita ni Saad (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) na siya ay may angking kahigtan sa ibang tao bukod sa kanya. Kaya ang Propeta () ay nagsabi: “Makakamit ba ninyo ang tagumpay at ang mga biyayang ipinagkakaloob sa inyo kung hindi dahil sa mga mahihina at mahihirap sa inyo?”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (2896)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Si Mus`ab ibn Saad ay isang Taabi` (Sumakanya nawa ang habag ng Allah), siya si Mus`ab ibn Saad ibn Abi Waqqas Az-Zihri, siya ay nanirahan sa Kufa at dito na rin siya binawian ng buhay taong ika-103 sa Hijri.
Ang nag-ulat ay nabanggit na sa ika-5 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinag-uutos ng Islam ang saligang simulain ng pagkakaugnay sa pagitan ng lahat ng meyembro ng sambayanang Muslim ng may kasamang paggalang sa isa’t isa sa kanila.
2. Ang Islam ay nag-aanyaya tungo sa pangangalaga sa mahihirap, maging mabait at mapag-unawa sa kanilang mga kalagayan.
3. Itinuturo ng Hadith na ito na ang pagkakadaig sa mga kaaway at ang paglago ng kayamanan ng mayayaman ay sa pamamagitan ng biyaya ng mga mahihirap, kaya gawing mahusay ang pagmamagandang loob sa kanila, huwag maging mapagmalaki sa kanila at iwasan ang panghahamak sa kanila.
PAGMAMAHAL SA ALLAH IPINAG-UUTOS
19- عَنْ مِقْدَامِ بْنِ مَعْدِيْكَرِبَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،عَنِ النَّبيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "إِذَا أحَبَّ الرَّجُلُ أَخَاهُ فَلْيُخْبِرْهُ أنَّهُ يُحِبُّهُ".
(سنن أبي داود، رقم الحديث 5124، واللفظ له، وجامع الترمذي، رقم الحديث 2391، قال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن صحيح غريب، وصححه الألباني).
19- Si Miqdam ibn Ma`dikarib (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Kapag minahal ng isang lalaki ang kanyang kapatid, sa gayon ay marapat niyang ipabatid sa kanya na minamahal niya ito”]. Abu Daud [Hadith bilang: (5124)], At-Tirmidhi [Hadith bilang: (2391)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Karimah, Al-Miqdam ibn Ma`dikarib ibn Amr Al-Kanadi, isang dakilang Sahabi, siya ay nanirahan sa lungsod ng Hims, at siya ay kabilang sa lipon ng delegasyon na dumating sa Sugo ng Allah ().
Siya ay nakibaka sa mga islamikong labanan sa pagsakop sa Sham at Iraq, at nakibaka rin siya sa labanan sa Yarmuk at Qadisiya, at kailanman ay hindi siya lumiban sa digmaan kasama ng mga Muslim laban sa mga hindi Muslim, at siya ay nakapag-ulat ng (42) na Hadith na matutunghayan sa mga aklat ng Sunnah.
Siya ay itinuturing na isa sa mga mamamayan ng Sham at dito na rin siya binawian ng buhay taong ika-87 sa Hijri sa edad niyang (91) taon.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Islam ay nag-aanyaya sa pagmamahal sa Allah, at ito ang bugso ng damdamin na nadarama ng sinumang nasa kanya ang mga kadahilanan ng pagmamahal na yaon, at ang ilan sa mga kadahilanan ng pagmamahal sa Allah ay ang pagsunod sa Kanya, pagpapatupad ng Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal at ang paghahangad sa Kanyang kaluguran.
2. Ang Islam ay nag-uutos sa paghahayag ng pagmamahal sa Allah, kaya kapag nagmahal ang isang tao sa iba, sa gayon ay mainam sa kanya na sabihin niyang minamahal niya ito upang mahumaling at mapamahal ang kalooban nito sa kanya.
3. Ang sinumang nagmahal sa isang tao para sa mga makamundong layunin lamang, sa gayon ay marapat sa kanya na kumalas sa makamundong layunin na ito, at maging tapat siya sa pagmamahal niya sa Allah upang makamit niya ang antas ng mga taong mapagmahal sa Allah, na kung saan kapag siya ay naging makatotohanan sa pagmamahal na iyan, siya ay mapapabilang sa pitong tao na pasisilungin ng Allah sa Kanyang lilim sa Araw na wala ng ibang lilim na masisilungan kundi tanging ang Kanyang lilim lamang.

 

 


KAWALAN NG GINAGAWA AT KALUSUGAN
20- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ:  قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "نِعْمَتَانِ مَغْبُوْنٌ فِيْهِمَا كَثِيْرٌ مِنَ النَّاسِ: الصِّحَّةُ وَالْفَرَاغُ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 6412).
20- Si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Propeta () ay nagsabi: “May dalawang biyaya na sadyang nakakaligtaan ng karamihan sa mga tao: Ang kalusugan at ang kawalan ng ginagawa”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (6412)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-6 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nakabubuti sa isang Muslim na samantalahin ang biyaya ng kawalang ginagawa at kalusugan para sa kabutihan, gayundin ang malinis at marangal na hanapbuhay ayon sa wastong mga katuruan ng Islam.
2. Marapat sa isang Muslim na maging masigasig sa pagpapasalamat sa Allah sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanya, gaya ng biyayang kawalan ng ginagawa at kalusugan, at ang ilan sa paraan ng pagpapasalamat sa Allah ay ang pagpapatupad ng Kanyang mga ipinag-uutos at ang pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal, kaya sinuman ang nagpabaya nito, samakatuwid siya ay nakakaligta.
3. Ang nakakaligta ay yaong bigo, talunan at nalinlang, kaya ang sinumang biniyayaan ng Allah ng kalusugan at kawalan ng ginagawa, at pagkatapos ay pinabayaan lamang niya ito at hindi pinakinabangan, bagkus hindi siya nagpasalamat para dito, katotohanan siya ay bigo, talunan at nalinlang.

 

 

 

 

 

PANGANGALAGA SA MGA KARAPATAN
21- عَنْ مَعْقِلَ بْنَ يَسَارٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُوْلُ:  "مَا مِنْ عَبْدٍ اسْتَرْعَاهُ اللَّهُ رَعِيَّةً؛ فَلَمْ يَحُطْهَا بِنَصِيحَةٍ إِلاَّ لَمْ يَجِدْ رَائِحَةَ الْجَنَّةِ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث7150، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 227 - (142)،).
21- Si Ma`qil ibn Yasar (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Narinig ko sa Propeta () na siya ay nagsasabi: “Walang isang alipin na pinagkatiwalaan ng Allah ng isang katungkulan, datapuwa’t hindi niya ito inalagaan sa pamamagitan ng pagpapayo kundi sa kanya’y hindi niya matatagpuan ang alimuyak ng Paraiso”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (7150)], Muslim [Hadith bilang: 227-(142)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Mi`qal ibn Yasar Al-Muzni Al-Basari (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), isa sa mga delegasyon na dumating sa Propeta () mula sa bansang Sham, siya ay yumakap sa Islam bago ang pakikipag-areglo sa Al-Hudaibiyah, at isa rin siya sa mga ipinagkasundo ng Propeta () na mangakong susuporta sa kanya sa lilim ng isang punongkahoy, siya yaong nagtataas ng mga sanga ng punongkahoy mula sa mukha ng Propeta () habang nakikipagkasundo sa mga tao na mangakong sumupurta sa kanya sa lilim nito, sa katunayan siya ay nakapag-ulat ng (34) na Hadith sa mga aklat ng Sunnah.
At pagkatapos ng pagkamatay ng Sugo ng Allah (), si Mi`qal ibn Yasar ay nakibaka sa pakikipaglaban sa mga labanan ng mga nagsibaklas sa panahon ng pamumuno ni Abu Bakr As-Siddiq (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), at mayroon din siyang malaking bahagi sa pagsakop sa bansang Persia.
Sa katunayan, siya ay tinangkilik ni Umar ibn Al-Khattab (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) bilang gobernador ng Basra, at siya ay humukay dito ng isang ilog ayon sa pag-uutos ni Umar, siya ay nanirahan sa Basra at nagpatayo rito ng isang tahanan, at siya ay nanatili dito hanggang sa binawian siya ng buhay taong ika-65 sa Hijri, subali’t may nagsasabi na sa taong ika-60 at mayroon ding nagsasabi na taliwas dito.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nasasaad sa Hadith na ito ang isang matinding babala tungkol sa pandadaya at pagtataksil ng mga may katungkulan sa mga karapatan ng mga tao, maging ang mga may katungkulan na ito ay namamahala sa mga kapakanan ng estado o sa mga katiwali nito, o di kaya ay sa mga institusyon o organisasyon o sa mga kapakanan ng pamilya o indibidwal, ang kataksilan na ito ang siyang magkakait sa taksil na pinagkatiwalaang iyon sa pagpasok sa Paraiso, at magsasadlak sa kanya upang maging karapat-dapat siya sa masakit na kaparusahan sa apoy ng Impiyerno.
2. Ang Hadith na ito ay kabilang sa mga Hadith na pananakot, at ang mga Hadith na pananakot ay napapaloob sa mga Hadith na pangako, na kung saan ang pananakot ay maaring maipatupad at maaari rin namang hindi maipatupad, sapagka’t katotohanang ang Allah ay nagtakda ng mga kadahilanan na pumipigil sa mga ito, at ang ilan sa mga ito ay ang pamamagitan, ang mga kabutihang nagbubura ng kasalanan at ang pagpapatawad ng Allah sa sinumang hindi nakapagtambal sa Kanya ng anupaman batay sa Kanyang pagpapasiya.
3. Ang Islam ay relihiyong nag-uutos na ibalik ang mga ipinagkatiwalang bagay sa may ari nito, at relihiyon din ng pag-iingat sa mga karapatan ng indibidwal, grupo at komunidad.

 

 

 

 


MAGULANG MAARING KUMUHA SA YAMAN NG ANAK
22- عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، أَنَّ رَجُلاً قَالَ:  ياَ رَسُوْلَ اللهِ! إن لِيْ مَالاً وَوَلَداً، وَإِنَّ أَبِيْ يُرِيْدُ أَنْ يَجْتَاحَ مَالِي؛ فَقَالَ: "أَنْتَ وَمَالُكَ لِأَبِيْكَ".
(سنن ابن ماجه، رقم الحديث 2291، وصححه الألباني).
22- Si Jabir ibn Abdullah (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang isang lalaki ay nagsabi: O Sugo ng Allah! Katotohanang ako ay may kayamanan at anak, subali’t ang aking ama ay nakikialam sa aking kayaman. Siya () ay nagsabi: “Ikaw at ang kayamanan mo ay pagmamay-ari ng iyong ama”]. Ibnu Maja [Hadith bilang: (2291)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Jabir ibn Abdullah Al-Ansari, isang dakilang Sahabi na nanumpa ng katapatan sa Propeta () sa gabi ng (pagpupulong sa) Aqabah kasama ang kanyang ama, at isa rin siya sa nanumpa ng katapatan sa Propeta () sa tinaguriang Bai`ah Ar-Ridwan. Siya ay isa sa mga kinabibilangang may maraming naiulat na Hadith at umabot ang kanyang naiulat ng (1540) na Hadith, siya ay binawian ng buhay noong ika-73 sa Hijri, datapuwa't may nagsasabi na taliwas dito.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ang pagkain ng magulang sa kayamanan ng kanyang anak ay napapaloob sa malinis niyang kita, nguni’t hindi ito maituturing na magiging pagmamay-ari na ng magulang ang kayamanan ng kanyang anak, sapagka’t ang kayamanan ng anak ay mananatiling pagmamay-ari pa rin niya ito, sapagka’t ang kawanggawa nito ay siya pa rin ang may pananagutan nito at sa kanya rin mamanahin ito. Samakatuwid nasasaklawan ng Hadith na ito ang anumang mga isinatungkulin na mga karapatan sa panig ng mga anak para sa kanilang mga ama at ina gaya ng panustos at anumang pangangailangan nila sa mga sandali ng kanilang kahinaan.
2. Hindi nararapat sa isang ama na kumuha sa kayamanan ng kanyang anak kapag kinakailangan ito ng kanyang anak, o ang pagkuha niya rito ay makakapinsala sa anak, gayudin na hindi nararapat sa ama na kumuha sa kayamanan ng kanyang anak para ibigay ito sa iba niyang anak ng walang katanggap-tanggap na dahilan, sapagka’t sinabi ng Allah: {At sa dalawa niyang magulang, sasakanila sa bawa’t isa ang ikaanim na bahagi sa mga naiwan niyang (pamana) kung siya ay may naiwan na anak, sapagka’t kung wala siyang (naiwan na) anak, at ang magmamana lamang ay ang dalawa niyang magulang, sasakanyang ina ang ikatlong bahagi}. An-Nisa (4): 11.
Samakatuwid, itinuturo ng Talata na ito na ang anak ang siyang nagmamay-ari pa rin ng kanyang kayamanan at hindi ang kanyang ama, at walang mapapasa ama maliban sa kung ano ang naitakdang bahagi para sa kanya sa pamana batay sa talatang ito. Kaya ang kahulugan ng Hadith na ito: Kung ang ama ay mangangailangan sa kayamanan ng kanyang anak, siya ay kukuha rito ayon sa sukat o halaga ng kanyang pangangailangan lamang ng hindi makakapinsala sa kanyang anak.
3. Ang letrang (L) sa Hadith na ito mula sa salitang (Li Abeek) ay hindi para sa tuwirang pagmamay-ari, bagkus ito ay pagpapahintulot lamang na maaaring makinabang sa mga sandali ng pangangailangan kung hindi rin lamang makakapinsala ito sa anak at hindi niya kinakailangan. Kung gayon ang ilan sa mga patunay na ito ay hindi para sa tuwirang pagmamay-ari ng ama, sa katunayan nga ang kanyang mga sariling anak, ang kanyang asawa at ina ay magmamana rin sa anak, ngayon kung ang kanyang kayamanan ay tunay ngang pagmamay-ari ng kanyang ama, sa gayon walang ibang makakakuha ng kayamanan niya maliban sa ama lamang.

 

PAGLAGAY NG KAMAY SA BAYWANG HABANG NAGSASAGAWA NG SALAH
23- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: "نَهَى النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَنْ يُصَلِّيَ الرَّجُلُ مُخْتَصِرًا".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 1220، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 46 - (545)،).
23- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: [Ipinagbawal ng Propeta () ang paglalagay ng kamay ng isang lalaki sa kanyang baywang habang nagsasagawa ng Salah]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (1220)], Muslim [Hadith bilang: 46-(545)].
Ang nag-ulat ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. May nagsasabing ang paglalagay ng kamay sa baywang ay hindi natatanging kabawalan lamang sa sandali ng pagdarasal, bagkus sa lahat ng pagkakataon.
2. Nararapat sa isang Muslim na kapag nais niyang magsagawa ng Salah ay nasa maayos at maganda siyang kalagayan.
3. Tuwirang itinuturo ng Hadith na ito na ang paglalagay ng kamay sa baywang sa pagdarasal ay hindi ipinapahintulot.
PAGKAIN AT PAG-INOM NANG NAKATAYO
24- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: كُنَّا نَأْكُلُ عَلَى عَهْدِ رَسُوْلِ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَنَحْنُ نَمْشِي، وَنَشْرَبُ وَنَحْنُ قِيَامٌ.
(جامع الترمذي، رقم الحديث 1880، واللفظ له،  وسنن ابن ماجه، رقم الحديث 3301، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن صحيح غريب، وصححه الألباني).
24- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Kami noon sa panahon ng Sugo ng Allah () ay kumakain habang naglalakad, at kami ay umiinom nang nakatayo]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1880)], Ibnu Maja [Hadith bilang: (3301)].
Ang nag-ulat ay nabanggit na sa ika-11 na Hadith:

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Pinatutunayan ng Hadith na ito na ang pag-inom at ang pagkain nang nakatayo ay ipinahihintulot, sapagka’t ito’y napatunayan mismo sa Propeta (): [Na siya ay umiinom nang nakatayo at nakaupo]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1883)].
2. Marahil na ang pagbabawal sa pag-inom nang nakatayo ay natatangi lamang sa sinumang nagbibigay ng tubig at nagpapainom sa mga tao, sapagka’t hindi nararapat sa kanya na uminom nang nakatayo habang siya ay abala sa pagpapainom, sa kadahilanang tungkulin niyang tapusin muna ang pagbibigay ng tubig at pagpapainom sa mga tao, at pagkatapos ay saka pa lang siya iinom, sapagka’t nasasaad din sa Hadith na ang Propeta () ay nagsabi: “Ang nagpapainom sa mga tao ang siyang pinakahuling iinom”. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1894)], Muslim [Hadith bilang: 311-(681)].

KAHALAGAHAN NG SURAH AL-IKHLAS
25- عَنْ أَبِيْ الدَّرْدَاءِ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "أَيَعْجِزُ أَحَدُكُمْ أَنْ يَقْرَأَ فِيْ لَيْلَةٍ ثُلُثَ الْقُرْآنِ؟ قَالُوْا: وَكَيْفَ يَقْرَأْ ثُلُثَ الْقُرْآنِ؟ قَالَ: "(قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ) تَعْدِلُ ثُلُثَ الْقُرْآنِ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 259- (811)، ).
25- Si Abu Darda’ (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Mahirap ba para sa isa sa inyo na mabasa ang ikatlong bahagi ng Qur’an sa isang gabi?”. Sila (ang kanyang mga kasamahan) ay nagsabi: At paano nga ba mabasa ang ikatlong bahagi ng Qur’an?. Muli siya ay nagsabi: “Ang (Qul huwallaahu ahad) ay tumutumbas sa ikatlong bahagi ng Qur’an”]. Muslim [Hadith bilang: 259-(811)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Al-Darda' (palayaw), na si `Uwaymir ibn Zaid ibn Qais Al-Ansari Al-Khazraji. Siya ay yumakap sa Islam sa araw ng digmaan sa Badr, at siya ay isang Sahabi (kasamahan ng Propeta) na kilala sa pagkamaalam sa pamayanang ito, at siya ang pangulo ng mga batikang mambabasa sa Damasco at isa ring mambabatas dito, siya rin ay kabilang sa mga nagsitaguyod sa pagtipon ng Banal na Quran at sa pagsasaulo nito sa kapanahunan ng Sugo ng Allah (), at siya ay nakapag-ulat sa mga aklat ng Sunnah ng (179) na Hadith.
Siya ay namatay taong ika-32 o ika-31 sa Hijri, at ang kanyang edad ay (72) taon, tatlong taon bago maganap ang pagpaslang kay Uthman ibn Affan.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Hadith na ito ay nagpapaliwanag tungkol sa kabutihan ng pinagpalang kabanata na ito. Ito ay ang Surah Al-Ikhlas, sapagka’t ang nakalaan na gantimpala sa pagbasa nito ay katumbas ng gantimpala ng pagbasa sa ikatlong bahagi ng Qur’an bilang kaloob ng Allah.
2. Ang dapat sa isang Muslim ay maging masigasig din sa pagbasa ng iba pang mga Surah mula sa Banal na Qur’an, sapagka’t naglalaman din ito ng makadiyos na mga katuruan na kailangan niya upang matamo ang kaligayahan sa mundong ito at sa kabilang buhay.

 


KABUTIHAN NG PAG-AASAWA
26- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ لَنَا رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "يَا مَعْشَرَ الشَّبَابِ! مَنِ اسْتَطَاعَ منكُم الْبَاءَةَ؛ فَلْيَتَزَوََّجْ؛ فَإِنََّهُ أَغَضُُ لِلْبَصَرِ، وَأَحْصَنُ لِلْفَرْجِ، وَمَنْ لَمْ يَسْتَطِعْ؛ فَعَلَيْهِ بِالصََّوَْمِ؛ فَإِنََّهُ لَهُ وِجَاءٌ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 3 - (1400)، واللفظ له،  وصحيح البخاري، رقم الحديث 5066).
26- Si Abdullah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi sa amin: “O kayong nasa lipon ng mga kabataan! Ang sinuman sa inyo ang may kakayahan sa mga kahilingan ng pagpapakasal ay marapat nang mag-asawa, sapagka’t ito ay pumipigil sa mga mapupusok na paningin, at matibay na pananggalang para sa ari, datapuwa’t ang sinumang walang kakayahan nito, siya ay marapat na mag-ayuno na lamang, dahil para sa kanya ay magsisilbi itong pampawi ng pagnanasa”]. Muslim [Hadith bilang: 3-(1400)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (5066)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-2 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang ibig sabihin ng “Al-Ba-a” sa Hadith na ito ay ang mga kahilingan ng pagpapakasal. Ito ay binansagan sa isang katawagan na magsisilbing kaakibat nito, kaya ang magiging kahulugan nito: Ang sinumang may kakayahan sa inyo sa mga kahilingan ng pagpapakasal ay mag-asawa na, at ang sinumang walang kakayahan nito ay marapat na mag-ayuno na lamang, datapuwa’t ang walang kakayahan sa pagtatalik ay hindi na kailangan pang mag-ayuno dahilan sa kawalan ng pagnanasa, kaya ang kahulugan ng “Al-Ba-a” dito ay ang mga kahilingan nito. Datapuwa’t mayroon din sa mga pantas at eskolar (Sumakanila nawa ang Habag ng Allah) na nagsasabi: Ang ibig sabihin dito ng kakayahan sa pag-aasawa ay ang kakayahan sa mga kahilingan nito at sa pakikipagtalik, kaya ang sinumang may kakayahan sa pakikipagtalik at sa mga kahilingan ng pag-aasawa ay marapat nang mag-asawa, at ang ibig sabihin naman ng “Al-Wija” sa Hadith na ito ay ang pagpipigil sa pagnanasa at pag-iingat sa paggawa ng kahalayan.
2. Hatid ng Hadith sa kabuuan nito ang isang masidhing paghihikayat sa mga kabataan na magmadali sa pag-aasawa sa sandaling nagkaroon ng kakayahan sa pagdala ng mga pasanin at pananagutan nito gaya ng gastusin, tirahan at tulad nito, gayundin ang kakayahan sa pakikipagtalik at sa pagkahilig nito.
3. Walang pag-aalinlangan na ang pag-aasawa ay may malaking epekto sa pangangalaga ng ari at pagpipigil sa mga mapupusok na paningin, at gayundin sa paglilinis ng sarili at pagtutuwid ng puso.

 


PARTIKULAR NA KATANGIAN NG PROPETA
27- عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "أُعْطِيْتُ خَمْسًا لَمْ يُعْطَهُنَّ أَحَدٌ مِنَ الْأَنْبِيَاءِ قَبْلِيْ: نُصِرْتُ بِالرُّعْبِ مَسِيرَةَ شَهْرٍ، وَجُعِلَتْ لِيَ الْأَرْضُ مَسْجِدًا وَطَهُوْرًا، وَأَيُّمَا رَجُلٍ مِنْ أُمَّتِي أَدْرَكَتْهُ الصَّلَاةُ؛ فَلْيُصَلِّ، وَأُحِلَّتْ لِيَ الْغَنَائِمُ، وَكَانَ النَّبِيُّ يُبْعَثُ إِلَى قَوْمِهِ خَاصَّةً، وَبُعِثتُ إِلَى النَّاسِ كَافَّةً، وَأُعْطِيْتُ الشَّفَاعَةَ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 438، واللفظ له،  وصحيح مسلم، رقم الحديث 3 - (521)،).
27- Si Jabir ibn Abdullah (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ako ay napagkalooban ng limang bagay na hindi naipagkaloob sa kaninumang nauna sa akin mula sa lipon ng mga Propeta, tinulungan ako sa pamamagitan ng pagkatakot sa layo na katumbas ng isang buwan, at ginawa para sa akin ang kalupaan bilang Masjid at panlilinis, kaya alinmang lalaki mula sa lipon ng aking mga tagasunod ang inabutan ng Salah ay marapat nang magsagawa ng Salah, at ipinahintulot sa akin ang mga napapanalunan sa labanan, at ang bawa’t Propeta ay ipinadala lamang sa kani-kanilang mga mamamayan, samantalang ako ay ipinadala sa lahat ng sangkatauhan, at ako ay pinagkalooban ng karapatang mamamagitan”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (438)], Muslim [Hadith bilang: 3-(521)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-22 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Katotohanang ang Allah ay nagbigay ng maraming pagtatangi sa Kanyang Sugo na si Muhammad (). At ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
a- Pagkasindak: Ito ay ang pangamba, pagkatakot o pagkagitla na ipinupukol ng Allah sa mga puso ng mga kalaban ng Kanyang Sugo na si Muhammad (), kaya kapag ang agwat ng pagitan nila sa isa’t isa ay kasing layo ng isang buwan na lalakarin, sila ay makakadama na ng pagkatakot at pagkasindak sa kanya, bagkus ang pagkakaroon ng gayong takot ay mananatiling iiral hanggang sa kabila ng kanyang kamatayan.
b- Ang Allah ay nagkaloob din sa Kanyang Propeta () ng iba pang pagtatangi, at ito ay ang pagkatangi ng kanyang mamamayan sa pagitan ng lahat ng pamayanan, na kung saan ay itinalaga Niya sa kanila ang kalupaan bilang Masjid at panlinis, kaya kapag ang isang Muslim ay inabot ng Salah at walang matagpuan na tubig at wala ring Masjid, sa gayon ang magsisilbing panlinis niya ay ang malinis na lupa, kaya siya ay magsasagawa ng Tayammum at ang kanyang magiging Masjid ay ang lugar mismo na kanyang kinaroroonan kung saan siya inabot ng Salah, maliban kung ang lugar ay marumi, o di kaya’y nasa lugar na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng Salah dito, gaya ng puntod, tambakan ng basura, gilid ng daan, patayan ng hayop at iba pa.
Ang Salah ayon sa saligang batas ay isinasagawa ito sa Masjid nang sama-samang pagdarasal, nguni’t kapag may katanggap-tanggap na dahilan gaya ng paglalakbay, karamdaman o malakas na ulan at hindi kayang pumunta sa Masjid, sa gayon maaari siyang magsagawa ng Salah saan mang lugar siya naroroon.
c- Bilang kaloob ng Allah ipinahintulot Niya sa islamikong pamayanan ang mga kayamanan na napapanalunan sa labanan batay sa mga katuruan ng Islam.
d- Ipinadala ng Allah ang Sugo Niyang si Muhammad () sa lahat ng sangkatauhan, kaya ang mensahe ng Islam ay pangkalahatan sa lahat ng nasyon, sa lahat ng mamamayan, sa lahat ng panahon at sa lahat ng kalupaan sa ibabaw ng mundo hanggang sa Araw ng Pagbabangong Muli.
h- Ang Allah ay nagkaloob din sa Kanyang Propeta na si Muhammad () ng iba pang pagtatangi, at ito ay ang dakilang pamamagitan sa Araw ng Pagbabangong Muli para sa katahimikan ng mga tao mula sa kahila-hilakbot na kalagayan na yaon, na kung saan ay titipunin ng Allah dito ang mga nauna at huli sa iisang lugar, at ang dakilang pamamagitan na ito ang siyang kapuri-puri na katayuan na siyang ipinangako sa kanya ng Allah.
2. Nararapat sa isang Muslim na tumanaw ng pasasalamat sa Allah sa mga partikular na pagtatangi na ito na ipinagkaloob Niya sa Kanyang Propeta () at sa kanyang mamamayan.

ILAN SA MGA KATANGIAN NG PARAISO
28- عَنْ أَبيْ مُوْسَى الْأَشْعَرِيِّ عَبْدِ اللهِ بْنِ قَيْسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، أَنَّ رَسُوْلَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "إِنَّ فِي الْجَنَّةِ خَيْمَةً مِنْ لُؤْلُؤَةٍ  مُجَوَّفَةٍ، عَرْضُهَا سِتُّونَ مِيْلاً، فِيْ كُلِّ زَاوِيَةٍ مِنْهَا أَهْلٌ، مَا يَرَوْنَ الْآخَرِيْنَ، يَطُوْفُ عَلَيْهِمُ الْمُؤْمِنُ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 24 - (2838)، واللفظ له،  وصحيح البخاري، رقم الحديث 4879).
28- Si Abu Musa Al-Ash`ari, Abdullah ibn Qais (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Katotohanang mayroon sa Paraiso na isang tolda na yari sa perlas at may mga butas, ang lapad nito ay may animnapung milya,  sa bawa’t sulok nito ay may nakalaan na pamilya (o asawa), hindi sila nagkikita sa isa’t isa, sa kanila ay pumapalibot ang isang mananampalataya”]. Muslim [Hadith bilang: 24-(2838)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (4879)].

Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Musa, Abdullah ibn Qais ibn Salim Al-Ash`ari Al-Yamani, sa pagdating niya sa Makkah ay agad niyang niyakap ang Islam at pagkatapos ay bumalik din siya sa Yemen, at pagkatapos ay nagtungo naman siya sa Ethiopia, at siya ay dumating sa Madinah pagkatapos na ng pagsakop sa Khaybar, lumahok din siya sa pakikibaka sa Jihad at sa iba pang mga labanan, siya ang may pinakamagandang boses sa pagbasa ng Qur'an sa mga Sahabah, masipag sa pagsasagawa ng Ibadah, may malawak na kaalaman, dalubhasa sa batas, at tuwirang umiiwas sa karangyaan ng buhay. Siya ay namatay sa Kufa o sa Madinah taong ika-44 sa Hijri, datapuwa’t may nagsasabing hindi ito ang taon ng kanyang pagkamatay.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Isinasabatas ng Hadith na ito ang pagka-ubligado ng paniniwala sa Paraiso at sa mga karangyaan nito.
2. Ang Paraiso sa kabilang buhay ay tahanan ng karangyaan at buhay na walang hanggan na siyang inihanda ng Allah sa Kanyang mga alipin na tumatalima sa Kanya, sa katunayan ito ang kanilang tahanan sa kabilang buhay, dito ay mayroong mga ilog, mga prutas at bungang kahoy, at napakarami ng mga punongkahoy, mayroon ding mga pagkain dito, inumin at lahat ng kinahuhumalingan ng mga puso na nagdudulot ng ganap na kaginhawaan at kaligayahan, bagkus wala nang kapaguran ang mararanasan dito, ni karamdaman at kahirapan.
3. Ang paniniwala sa Allah at ang paggawa ng matuwid ayon sa wastong mga katuruan ng Islam ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso, kaya marapat lamang sa isang Muslim na sumunod sa Allah at sa Kanyang Sugo () ayon sa pamamaraan ng mga butihing sinaunang ninuno upang makamit ang kaluguran ng Allah at makapasok sa Paraiso bilang habag at kabutihan ng Allah.

MAARING MAKIBAHAGI SA HADY AT UDH-HIYAH
29- عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:  "الْبَقَرَةُ عَنْ سَبْعَةٍ، وَالْجَزُوْرُ عَنْ سَبْعَةٍ".  
(سنن أبي داود، رقم الحديث 2808، وصححه الألباني).
29- Si Jabir ibn Abdullah (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Ang baka ay para lamang sa pito, at gayundin ang kamelyo para lamang din sa pito”]. Abu Daud [Hadith bilang: (2808)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-22 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang mga eskolar ng Islam (Sumakanila nawa ang habag ng Allah) ay nagkakaiba ng opinyon tungkol sa kamelyo, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay nagsasabi na maaaring makibahagi rito ang pitong tao, samantalang ang iba naman ay nagsasabi na maaaring makibahagi rito ang sampung tao para sa Hady at Udhiyah lamang.
2. Mayroon din sa mga eskolar ng Islam ang nagsasabi tungkol sa kamelyo: Na maaaring makibahagi rito ang sampung tao para sa Udhiyah – batay sa isang Hadith na naiulat ni Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah), na kanyang sinabi: [Kami noon ay nasa paglalakbay kasama ang Propeta (), nang sumapit ang Eid Al-Adha, sama-sama kaming nakibahagi sa iisang baka para sa pitong tao, at sa isang kamelyo para sa sampung tao]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (905)], An-Nasai [Hadith bilang: (4392)], Ibnu Majah [Hadith bilang: (3131)] – nguni’t hindi maaaring makibahagi rito (sa kamelyo) ang sampung tao para sa Hady, samantalang sa baka ay maaaring makibahagi rito ang pitong tao para sa Hady at Udhiyah.
3. Ipinapaliwanag ng Hadith na ito na maaaring makibahagi sa isang kamelyo o sa baka para sa Udhiyah at Hady lamang, samakatuwid maaaring makibahagi sa isang baka o kamelyo ang pitong tao, nguni’t sa tupa ay hindi maaring makibahagi rito, ngayon kung maaaring makibahagi ang pitong tao sa isang baka, samakatuwid mas higit na maaring makibahagi rito ang bababa sa pito, katulad halimbawa na kung ang isang tao ay kumatay ng isang baka para sa Udhiyah, samantalang sapat lang din naman sa kanya ang isang tupa, kung gayon walang pag-aalinlangan na maaaring makibahagi sa isang kamelyo o baka ang bababa sa pitong tao, gaya ng makibahagi rito ang dalawa o tatlo o apat o lima o anim sa isang kamelyo o baka, sapagka’t kung ipinahintulot ang para sa ikapitong bahagi, ano pa kaya ang higit dito na mas karapat-dapat, maging ito man ay magkakapareho o magkakaiba sa itinakdang mga bahagi, gaya ng isa sa kanila ay nakibahagi ng kalahati at ang iba ay nakibahagi ng ikatlo, at ang iba naman ay nakibahagi ng ikaanim na bahagi matapos na maisaalang-alang ang hindi paghihigit nito sa pitong bahagi.

 

 

 


KAPARUSAHAN SA IMPIYERNO MAGKAKAIBA
30- عَنْ سَمُرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ أَنَّهُ سَمِعَ نَبِيََّ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ: "إِنََّ مِنْهُمْ مَنْ تَأْخُذُهُ النَّارُ إِلَى كَعْبَيْهِ، وَمِنْهُمْ مَنْ تَأْخُذُهُ إِلَى حُجْزَتِهِ، وَمِنْهُمْ مَنْ تَأْخُذُهُ إِلَى عُنُقِهِ".
 (صحيح مسلم، رقم الحديث 32 - (2845)).
30- Si Samurah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Narinig niya diumano sa Propeta ng Allah () na nagsasabi: “Katotohanang mayroon sa kanila (mga mananahan sa Impiyerno) ang nilalamon ng Apoy hanggang sa kanyang bukong-bukong, at ang iba sa kanila ay nilalamon nito hanggang sa kanyang baywang, samantalang ang iba naman sa kanila ay nilalamon nito hanggang sa kanyang leeg”]. Muslim [Hadith bilang: 32-(2845)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Samurah ibn Jundub (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), isang dakilang Sahabi na hindi inabot ang kapanahunan ng kamang-mangan, sa kadahilanang siya ay bata pa lamang noong makadaumpalad niya ang Propeta (), sa katunayan siya ay lumaki at namuhay bilang isang ulila sa piling ng asawa ng kanyang ina matapos na mamatay ang kanyang ama, at siya ay lumahok din sa labanan kasama ng Propeta () nang hindi lamang isang beses.
Ang dakilang Sahabi na ito ay nagpakasasa sa mga kapuri-puri at marangal na katangian gaya ng katapangan at kawalan ng pagpapatawad sa mga may pagkakasala, sa katunayan ito’y nasaksihan ayon sa pakikitungo niya sa lipon ng mga Al-Khawarij, at bukod pa rito siya ay nakapag-ulat din ng (100) na Hadith sa mga aklat ng Sunnah.
Si Samurah ibn Jundub Al-Fazari (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nanirahan sa Basra, at sa panahon na yaon ay si Ziyad ang kasalukuyang gobernador sa Kufa at Basra, at siya ang lagi nang pinapahalili niya rito kapag siya ay nagtutungo sa Kufa, at gayon din sa Kufa kapag siya ay nagtungo naman sa Basra, kaya siya ay nananatili sa bawa’t isa rito ng anim na buwan, siya ay naging mahigpit at malupit sa lipon ng mga Al-Khawarij na naghahatol sa kawalan ng pananampalataya ng mga Muslim, at nagpapadanak ng kanilang mga dugo, bagkus kapag dumarating sa kanila ang isa sa lipon ng mga Muslim ay kanilang pinapatay ng walang pakundangan.
Si Samurah ay binawian ng buhay pagkatapos niyang mahulog sa isang sisidlan na punung-puno ng mainit na tubig noong taong ika-85 sa Hijri, datapuwa’t may nakapagsabi na taliwas dito.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinapaliwanag ng Hadith na ito na ang kaparusahan sa Impiyerno ay magkakaiba ng mga antas, bagkus ang pagkakaiba ng antas ng mga mananahan sa Apoy mula sa lipon ng mga walang pananampalataya at mga makasalanan na Muslim ay ayon sa kani-kanilang mga gawain, samakatuwid ang kaparusahan ng mga nagkasala ng malalaking kasalanan ay naiiba sa kaparusahan ng mga nagkasala ng maliliit, sapagka’t ang mga kasalanan ay nagkakaiba rin ng mga antas, kaya ang mga kaparusahan sa Impiyerno ay magkakaiba rin ng mga antas.
2. Ang Hadith na ito ay nagbibigay babala laban sa pagkakasadlak sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno, sapagka’t ang ilan sa mga kadahilanang ito ay tuwirang nagpapawalang-bisa sa pananampalataya, at nagpapatiwalag sa gumagawa nito mula sa pananampalataya tungo sa kawalan ng pananampalataya, at nagdidiin sa pagkakapanatili sa Impiyerno, ang mga ito ay gaya ng pagtalikod sa pananampalataya at pagtatambal sa kaisahan ng Allah, bagkus mayroon ding mga kadahilanan na nagtatalaga sa gumagawa nito ng pagiging suwail at makasalanan na nagtitiwalag sa gumagawa nito mula sa hangganan ng katarungan tungo sa kasuwailan, kaya dahil dito siya ay karapat-dapat pumasok muna sa Impiyerno, datapuwa’t hindi siya mananatili rito ng habang panahon, at  gayundin naman ang salang pangangalunya, sodomya at pagnanakaw.

MGA ARAW NG EID AL-ADHA
31- عَنْ عُقْبَةَ بْنِ عَامِرٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "يَوْمُ عَرَفَةَ، وَيَوْمُ النَّحْرِ، وَأَيَّامُ التَّشْرِيْقِ، عِيْدُنَا أَهْلَ الإِسْلاَمِ، وَهِيَ أَيَّامُ أَكْلٍ وَشُرْبٍ".
(سنن أبي داود، رقم الحديث 2419، وجامع الترمذي، رقم الحديث 773، واللفظ لهما، وسنن النسائي، رقم الحديث 3004، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن صحيح، وصححه الألباني).
31- Si Uqbah ibn Amir (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang araw ng Arafah, ang araw ng An-Nah'r at ang mga araw ng Tashriq (ika: 11-12-13 sa buwan ng Dhul Hijjah) ay piyesta nating mga tagasunod ng Islam, kaya ang mga ito ay araw ng pagkain at pag-inom”]. Abu Daud [Hadith bilang: (2419)], At-Tirmidhi [Hadith bilang: (773)], An-Nasai [Hadith bilang: (3004)].

Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Uqbah ibn `Amir ibn Abas Al-Juhani, isang dakilang Sahabi (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), siya ay isang mahusay na mambabasa, dalubhasa sa batas, maalam sa larangan ng paghahati-hati ng mana, isang makata, magaling magtalumpati at isang pinuno mula sa lipon ng mga pinunong mananakop para sa Islam.
Si Uqbah ay isa sa mga taong may pinakamagandang boses sa pagbasa ng Qur'an, kaya’t nahuhumaling ang mga puso ng mararangal na mga Sahabah sa kanyang magandang pagbasa, at nababalot ito ng takot at pagpapakumbaba, bagkus ang kanilang mga mata ay umaapaw ng luha dahilan sa taimtim na takot sa Allah, at sa katotohanan, kanyang nasaksihan ang labanan sa Uhod kasama ng Sugo ng Allah () at ang iba pang digmaan pagkatapos nito.
Siya ay isa sa mga namumuno ng sandatahang hukbo ng mga Muslim na sumakop sa Ehipto, kaya siya ay pinarangalan at itinalaga ng Pinuno ng mga Muslim na si Muawiyah ibn Abu Sufyan bilang tagapamahala nito sa loob ng tatlong taon at pagkatapos ay ipinadala siya upang digmain ang isla ng Rhodes sa karagatan ng Mediterranean.
Umabot ang kanyang naiulat ng (55) Hadith, at siya ay binawian ng buhay taong ika-58 sa Hijri, at siya ay nailibing sa Cairo.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang araw ng Arafah at ang tatlong araw ng Tashriq (11-12-13) pagkatapos ng araw ng An-Nah'r (10) ay siyang mga araw ng Eid sa Islam, datapuwa’t ang pagkatay sa Hady at Udhiyah ay magsisimula sa araw ng An-Nah'r, sa ika-10 araw ng Dhul Hijjah hanggang sa katapusan ng tatlong araw ng Tashriq.
2. Ang pagdiriwang sa Eid Al-Adha ay limang araw: Ito ay ang ikasampung araw ng Dhul Hijjah, ang araw ng Arafah na nasa unahan nito at ang tatlong araw ng Tashriq (11-12-13) na kasunod nito, samakatuwid ang lahat ng limang araw na ito ay araw ng pagkain at pag-inom, gayunpaman maari ring mag-ayuno ang nagsasagawa ng Hajj na Qiran o ng Tamattu’ sa mga araw ng Tashriq kapag wala silang maiaalay na Hady, at gayundin na itinatagubilin ang pag-aayuno sa araw ng `Arafah sa hindi nagsasagawa ng Hajj dahil sa angking kadakilaan nito.
3. Ang Eid sa Islam ay panahon ng pagpapakita ng mga Muslim ng kanilang lubos na pasasalamat sa Allah na nagkaloob sa kanila ng patnubay at gabay upang matiwasay nilang maipatupad ang naturang pagsamba.
4. Ang pinakamainam na araw sa loob ng isang taon ay ang araw ng An-Nah'r (ika-10 ng DHul Hijjah), kung kaya’t ito ang pinakadakila, pinakamalaki at pinakamabuti kaysa sa Eid Al-Fit’r.

 

PAG-AAYUNO, PAG-AALAY NG UDHIYAH AT PAGDARASAL SA EID
32- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "الصَّوْمُ يَوْمَ تَصُوْمُوْنَ، وَالفِطْرُ يَوْمَ تُفْطِرُوْنَ، وَالْأَضْحَى يَوْمَ تُضَحُّونَ".
 (جامع الترمذي، رقم الحديث 697، واللفظ له، وسنن أبي داود، رقم الحديث 2324 وسنن ابن ماجه، رقم الحديث 1660، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن غريب، وصححه الألباني).
32- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanang ang Propeta () ay nagsabi: “Ang Sawm ay ang araw ng inyong pag-aayuno, at ang Fit'r naman ay ang araw ng inyong pagtigil sa pag-aayuno, at ang Adha ay ang araw ng inyong pag-aalay ng Udh-hiyah”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (697)], Abu Daud [Hadith bilang: (2324)], Ibn Majah [Hadith bilang: (1660)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang isang Muslim ay marapat na mag-ayuno kasama ng mga tao sa sarili niyang bansa at marapat din na itigil ang pag-aayuno nang  sama-sama ang lahat, gayundin naman na marapat siyang mag-alay ng Udhiyah at magdasal ng Salah sa Eid na kasama sila, bagkus hindi siya maaaring mag-ayuno ng mag-isa ng hindi kasama sa mga Muslim alang-alang sa pagkakaisa ng lahat at upang maiwasan ang pagkakawatak-watak at hindi pagkakaunawaan.
2. Itinatalaga ng Hadith na ito na ang ilan sa mga layunin ng mga katuruan ng Islam ay ang pagkakabuklod ng mga tao at pagkakaisa ng kanilang hanay, at ilayo sila sa lahat ng bagay na magsasadlak sa kanila ng pagkakawatak-watak ng kanilang samahan mula sa indibiduwal na opinyon lalung-lalo na sa mga bagay na kaugnay sa pagsamba na sama-samang isinasagawa, tulad ng pag-aayuno, pag-aalay ng Udhiyah at pagsasagawa ng Salah sa Eid, sapagka't dito ay walang saysay at halaga ang mga indibiduwal na opinyon kahit pa man ito ay tumutugma sa katotohanan ayon sa isang partikular na pananaw.

MAG-INGAT SA MALALAKING KASALANAN
33- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "ثَلاَثَةٌ لاَ يَنْظُرُ اللَّهُ عَزَّ وَجَلَّ إِلَيْهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ: الْعَاقُّ لِوَالِدَيْهِ، وَالْمَرْأَةُ الْمُتَرَجِّلَةُ، وَالدَّيُّوْثُ، وَثَلاَثَةٌ لاَ يَدْخُلُوْنَ الْجَنَّةَ: الْعَاقُّ لِوَالِدَيْهِ، وَالْمُدْمِنُ عَلَى الْخَمْرِ، وَالْمَنَّانُ بِمَا أَعْطَى".
 (سنن النسائي، رقم الحديث 2562، حسنه الألباني وصححه).
33- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Tatlong (uri ng tao) ang hindi pagtutuunan ng pansin ng Allah sa Araw ng Pagbabangong Muli: Ang walang utang na loob o mapang-abuso sa kanyang mga magulang, ang babaeng gumagaya ng lalaki (tomboy) at ang lalaking walang pakialam sa ginagawa ng kanyang pamilya, at tatlo ring (uri ng tao) ang hindi makakapasok sa Paraiso: Ang walang utang na loob o mapang-abuso sa kanyang mga magulang, ang sugapa sa alak at ang mapagmalaki sa anumang naibibigay na kawang-gawa”]. An-Nasai [Hadith bilang: (2562)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-11 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Dapat paniwalaan ang lahat ng paglalarawan ng Allah sa Kanyang Sarili na binanggit sa Kanyang Aklat at ang paglalarawan ng Kanyang Sugo na si Muhammad () sa mga mapananaligang Sunnah nang walang paglilihis ng kahulugan, pagtatakwil ng kahulugan, ni walang paglalarawan at paghahalintulad, at ang katangiang pagkakaroon ng paningin sa panig ng Allah ay napatutunayan ayon sa naaangkop sa Kanyang Kamahalan; bagkus isa ito sa Kanyang mga partikular na Katangiang nauugnay sa Kanyang gawa batay sa Kanyang sariling Kapasiyahan at Kapangyarihan.
2. Ang ibig sabihin ng “Mutarajjilah” ay ang babaeng gumagaya sa mga kalalakihan, sa kanilang pananamit at kilos. At ang “Dayyuth” naman ay ang lalaking batid ang mga kahalayang nagaganap sa kanyang pamilya, nguni’t pinababayaan lamang niya ito at hindi sinasaway dahilan sa kawalan ng pagseselos at pagpapahalaga, at ang tinutukoy na kahalayan dito ay ang pangangalunya sa lahat ng uri nito at kadahilanan, gaya ng pagsarilinan ng lalaki’t babae, at ang sugapa naman sa alak ay yaong walang tigil sa pag-inom ng alak hanggang sa ikinamatay niya ito nang hindi niya napagsisihan.
3. At ang ibig sabihin naman ng “Mannan” ay ang taong nagbibigay ng kawanggawa sa isang tao o gumawa sa kanya ng kabutihan, datapuwa’t lagi niya itong binabanggit sa kanya at ipinagyayabang, at tungkol naman sa sinabing kawalan ng utang na loob o pang-aabuso sa magulang; ito ay kabilang sa mga malalaking kasalanan, kaya’t ang sinumang nakagawa ng isa sa mga malalaking kasalanan na ito ay marapat na magbalik-loob agad sa Allah bago pa man sumapit ang araw na wala nang makatatakas sa Allah.
KABAWALAN NG NAJ'SH
34- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: نَهَى النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَنِ النَّجْشِ.
(صحيح البخاري، رقم الحديث 2142، واللفظ له،  وصحيح مسلم، رقم الحديث 13 - (1516)،).
34- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Tunay ngang ipinagbawal ng Propeta () ang Naj’sh (Panloloko)]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (2142)], Muslim [Hadith bilang: 13-(1516)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-11 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang kabawalan ng “An-Najsh”, sapagka’t ayon sa pakahulugan ng Islam, ito ay ang pagdadagdag ng halaga sa ibinibentang bagay ng taong hindi naman bumibili nito nang sa gayon ay mahulog sa patibong na ito ang ibang tao.
2. Ipinahintulot ng Islam ang pagbebenta, pagbibili at pangangalakal upang magtamo ng kabutihan at biyaya. Datapuwa't ipinagbawal ang ilang uri ng pagbebenta dahilan sa paraan nitong hindi malinaw at pandaraya, o dahilan sa ito ay nakakapinsala sa mga tao ng palengke, at maaring maging dahilan din ito ng pagkakaroon ng inggit, hidwaan at awayan sa pagitan ng mga tao.
3. Ang Naj’sh ay ipinagbabawal sa Islam, kaya ang nagsasanay nito ay sumusuway sa Allah sa pamamagitan ng kanyang ginagawa, datapuwa’t sa kabilang dako ang naturang pagbebenta ay nasa tamang proseso din naman, kaya’t ang gumagawa nito lamang ang tanging may sala rito kung hindi ito nalalaman ng nagbebenta, sapagka’t kung siya ay nakipagsabuwatan dito, silang dalawa ay kapwang may sala.


PAGGUNITA PAGKATAPOS NG SALAH
35- كَتَبَ الْمُغِيْرَةُ بْنُ شُعْبَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ أَنَّ رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ إِذَا فَرَغَ مِنَ الصَّلاَةِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "لاَ إِلَهَ إِلاَّ اللَّهُ وَحْدَهُ لاَ شَرِيكَ لَهُ، لَهُ الْمُلْكُ، وَلَهُ الْحَمْدُ، وَهُوَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيْرٌ، اَللَّهُمَّ! لاَ مَانِعَ لِمَا أَعْطَيْتَ، وَلاَ مُعْطِيَ لِمَا مَنَعْتَ، وَلاَ يَنْفَعُ ذَا الْجَدِّ مِنْكَ الْجَدُّ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 137- (593)، واللفظ له، وصحيح البخاري، رقم الحديث 844).
35- Naitala ni Al-Mugeerah ibn Shu`bah (Sumakanya ang kaluguran ng Allah): [Na kapag ang Sugo ng Allah () ay nagtapos sa pagdarasal at nakapagsagawa na ng Tasleem, siya ay nagsasabi: “Laa ilaaha illallaah wahdahu laa shareekalah, lahul mulku wa lahul hamdu wa huwa alaa kulli shay-in qadeer, Allaahumma laa maa-ni`a lima a`atayta walaa mu`tiya lima mana`ata wa laa yanfa`u dhal jaddi minkal jaddu (Walang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah lamang, wala Siyang katambal, pagmamay-ari Niya ang lahat ng Kaharian, sasakanya ang lahat ng papuri at pasasalamat, at Siya ay ganap na may kakayahan sa lahat ng bagay. O Allah! Walang sinumang makapipigil sa anumang Iyong ipinagkaloob, at walang sinumang makapagkakaloob sa anumang iyong pinigilan, at ang lahat ng kapangyarihan ay hindi magkakaroon ng silbi sa taong may kapangyarihan laban sa Iyo)”]. Muslim [Hadith bilang: 137-(593)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (844)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Al-Mugeerah ibn Shu`bah Al-Thaqafi, Abu Abdullah ang palayaw niya, siya ay ipinanganak sa Taif at dito na rin siya namuhay, isa sa kanyang mga nakaugalian ay ang lagiang paglalakbay, niyakap niya ang Islam sa kasagsagan ng panahon ng digmaan sa Khandaq at nasaksihan din niya ang digmaan sa Al-Hudaibiyah.
Mayroon din siyang malaking naiambag sa paglahok sa pagsakop sa bansang Persia sa kapanahunan ni Abu Bak'r As-Siddiq at gayundin sa kapanahunan ni Umar ibn Al-Khattab (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah), sa katunayan nasaksihan din niya ang mga digmaan sa Yamama, Yarmuk at Qadisiyah.
Siya ay hinirang ni Umar (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) sa Kufa bilang tagapangasiwa nito at pagkatapos ay hinirang din siya rito ni Mu`awiyah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), at siya ay nanatiling tagapangasiwa nito hanggang sa binawian siya rito ng buhay.
Si Al-Mugeerah ibn Shu`bah ay isang taong matalino, manunulat, mahusay magpasiya, matalas at mabilis mag-isip, siya ay naitala sa mga aklat ng Sunnah na nakapag-ulat ng (136) na Hadith.
Sa lungsod ng Kufa binawian ng buhay si Al-Mugeerah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) taong ika-50 sa Hijri, sa edad niyang (70) taon.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinapahayag ng Hadith na ito na ang Sugo ng Allah () ay lagi nang nagbibigkas pagkatapos ng mga ubligadong Salah (pagdarasal) ng panalanging ito: “Laa ilaaha illallaah wahdahu laa shareekalah, lahul mulku wa lahul hamdu wa huwa alaa kulli shay'in qadeer, Allaahumma laa maa-ni`a lima a`atayta wa laa mu`tiya lima mana`ata wa laa yanfa`u dal jaddi minkal jaddu (Walang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah lamang, wala Siyang katambal, pagmamay-ari Niya ang lahat ng Kaharian, sasakanya ang lahat ng papuri at pasasalamat, at Siya ay ganap na may kakayahan sa lahat ng bagay. O Allah! Walang sinumang makapipigil sa anumang Iyong ipinagkaloob, at walang sinumang makapagkakaloob sa anumang iyong pinigilan, at ang lahat ng kapangyarihan ay hindi magkakaroon ng silbi sa taong may kapangyarihan laban sa Iyo)”.
2. Ang dakilang panalangin na ito ay naglalaman ng pahayag tungkol sa paniniwala sa Kaisahan, na ang Allah ang Siyang tanging nag-iisa sa Kanyang pag-iral, sa Kanyang personalidad, sa Kanyang mga Pangalan, sa Kanyang mga katangian at mga gawain, at tunay na Siya lamang ang karapat-dapat na pag-ukulan ng lahat ng uri ng pagsamba batay sa mga katuruan ng Islam, at tunay na Siya lamang ang namamahala at nangangasiwa sa lahat ng bagay kaugnay sa mga nilalang.
3. Ang kahulugan ng: “Laa yanfa`u dal jaddi minkal jaddu” ay: Hindi magkakaroon ng silbi sa taong may kasaganaan ang kanyang kasaganaan sa panig Mo. O aking Panginoon, bagkus ang magkakaroon ng silbi sa kanya ay ang mabuting gawain, sapagka’t  ang tao ay lagi nang nangangailangan sa Allah sa lahat ng bagay, kahit anuman o anupaman ang mayroon siya na kayamanan, kasaganaan at katayuan sa buhay.
PANALANGIN SA HAPON
36- عَنْ عَبْدِ اللهِ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،  قَالَ كان رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا أَمْسَى قَالَ: "أَمْسَيْـنَا وَأَمْسَـى الْمُـلْكُ لِلَّهِ، وَالحَمْدُ لِلَّهِ، لاَ إِلَهَ إِلاَّ اللهُ وَحْدَهُ، لاَ شَرِيْكَ لَهُ، اَللَّهُمََّ! إِنِّيْ أَسْأَلُكَ مِنْ خَيْرِ هَذِهِ اللَّيْلَةِ وخَـيْرِ مَا فِيْهَا، وَأَعـوْذُ بِكَ مِنْ شَـرِّها وَشَرِّ مَا  فِيْهَـا، اَللَّهُمََّ! إِنِّيْ أَعُوْذُ بِكَ مِنَ الْكَسَلِ، وَالْهَرَمِ، وَسُوْءِ الْكِبَرِ، وَفِتْنَةِ الدُّنْيَا، وَعَذَابِ الْقَبْرِ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 76 - (2723)، ).
36- Si Abdullah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Kapag sumapit ang hapon ay binibigkas ng Sugo ng Allah () ang: “Amsayna wa amsal mulku lillah, wal hamdulillah, laa ilaaha illallaah wahdahu, laa shareekalah, allaahumma innee as-aluka min khayri hathihil laylah wa khayri ma feeha, wa a`udhu bika min sharriha wa sharri maa feeha, allaahumma innee a`udhu bika minal kasal, wal haram, wa soo`il kibar, wa fitnatid dunya wa adhaa-bil qab'r (Narating namin ang hapon, at ang lahat ng Kapamahalaan ay pag-aari ng Allah, at ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay sa Allah lamang. Walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, ang nag-iisa na walang katambal. O Allah! Hinihiling ko sa Iyo ang kabutihan ng gabing ito at ang kabutihang mga nilalaman nito, at ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaan nito at sa kasamaan ng mga nilalaman nito. O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa katamaran, pagka-ulianin, kasamaan ng katandaan, pagsubok ng buhay sa mundong ito at sa kaparusahan ng libingan)”]. Muslim [Hadith bilang: 76-(2723)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-2 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Para sa isang Muslim ay nakabubuting bigkasin niya bilang pambungad sa umaga't hapon at  gayundin sa pagtatapos nito ang mga paggunita sa Allah na siyang pinagmumulan ng ganap na kalusugan, kaligayahan, katiwasayan at kaayusan, bagkus sisikapin niyang maisagawa ang mga panalangin na ito araw-araw sa umaga’t hapon.
2. Ang mga panghapong paggunita ay binibigkas lamang sa oras ng maghapon, samantalang ang mga pang-umagang paggunita naman ay binibigkas sa umaga lamang.
3. Maraming pahayag ang naitala tungkol sa natatakdaang oras ng mga panghapong paggunita; ang ilan sa mga pahayag na ito ay ang nagsasabi na ang mga panghapong paggunita ay binibigkas lamang pagkatapos ng paglubog ng araw. Maaring ang pahayag na ito ang siyang pinakatumpak, sapagka’t nabanggit sa Hadith na ito ang katagang: “ng gabing ito” na kung saan ang katagang: “ito” ay isa sa mga senyas na nagtatakda ng partikular na panahon kung kailan ito binibigkas. Ang kahulugan nito ay pinagtitibay ng isang ulat mula sa Sugo ng Allah () ayon sa ilang salaysay, siya ay nagsabi: “Kapag dumating sa iyo ang Ramadhan ay mag-ayuno ka na, at kapag sumapit ang hapon ay itigil mo na ang pag-aayuno”… na kung saan nasasaad dito ang pag-uutos sa pagtigil ng pag-aayuno pagkatapos ng pagsapit ng hapon o paglubog ng araw,  samakatuwid ipinapahiwatig nito na ang pagsapit ng hapon ay siya ring pagpasok ng gabi pagkatapos ng paglubog ng araw, ang Allah ang higit na nakakaalam.

 


PALATANDAAN NG PINAKAMAINAM NA TAO
37- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عَمْرٍو رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا، قَالَ:  قِيْلَ لِرَسُوْلِ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: أَيُّ النَّاسِ أَفْضَلُ؟  قَالَ: "كُلُّ مَخْمُوْمِ الْقَلْبِ صَدُوْقِ اللِّسَانِ"، قَالُوْا: صَدُوْقُ اللِّسَانِ نَعْرِفُهُ، فَمَا مَخْمُوْمُ الْقَلْبِ؟  قَالَ: " هُوَ التَّقِيُّ النَّقِيُّ، لاَ إِثمَ فِيْهِ، وَلاَ بَغْيَ، وَلاَ غِلَّ،  وَلاَ حَسَدَ".
(سنن ابن ماجه، رقم الحديث 4216، وصححه الألباني).
37- Si Abdullah ibn Am'r (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [May isang nagtanong sa Sugo ng Allah (): Sino po ang pinakamainam sa mga tao? Siya ay nagsabi: “Lahat ng busilak ang puso at makatotohanan ang dila”. Kanilang sinabi: Batid namin ang makatotohanang dila, subali’t ano naman po ang busilak ang puso? Muli siya ay nagsabi: “Siya yaong may banal na takot na tigib ng kadalisayan, walang bahid na kasalanan at walang kasamaan, walang paninibugho at walang inggit”]. Ibnu Majah [Hadith bilang: (4216)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abdullah ibn Am'r ibnul `As Al-Qurashi, As-sahami, isang dakila at kilalang Sahabi (Kasamahan ng Propeta ), nauna niyang niyakap ang Islam bago ang kanyang ama na si Am'r ibnul `As, mayroon siyang naitala sa mga aklat ng Sunnah na (700) Hadith, at mayroon din siyang nasalihan na ilang digmaan kasama ng Sugo ng Allah (), bagkus mayroon din siyang katanyagan sa pamamalakad ng istado, pangangasiwa ng negosyo, kung kaya’t hinirang siya ni Mu`awiyah sa lungsod ng Kufa bilang isang tagapamahala nito.
Siya ay lagi nang nagsasalaysay patungkol sa Sugo ng Allah () at nagbibigay din ng Fatwa (pansariling pasya) sa Jaami` Al-Fustat (ang tinaguriang Masjid ni Am'r ibnul `As) sa Ehipto, at nakakuha mula sa kanya ng mga kaalaman ang maraming tao na nagmula sa Ehipto, Syria at Hijaz (gitnang silangan), siya ay binawian ng buhay (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) sa Ehipto taong ika-65 sa Hijri, at siya ay nailibing sa kanyang mismong tahanan, datapuwa’t may nakapagsabing binawian siya ng buhay sa Syria o sa Makkah.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Hadith na ito ay nagpapaliwanag tungkol sa mga kadahilanan ng pagiging dalisay ng puso at katiwasayan nito; at ito ay ang pagkakaroon ng takot sa Allah, pagiging makatotohanan at pagtalikod sa mga kasalanan, gayundin ang pag-iwas sa kawalan ng katarungan, sa paglabag ng batas, sa paninibugho at inggit.
2. Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng takot sa Allah ay ang pagsunod sa Allah ng may kasamang takot, pagmamahal at pagdakila sa Kanya, gayundin ang pagpapahalaga sa Kanya at pag-iwas sa pagsuway sa Kanya.
3. Ang wastong pananampalataya ang umaakay sa tao tungo sa kapuri-puring mga katangian, marangal na mga gawain at makatuwirang mga salita  upang siya ang maging pinakamainam sa mga tao.

PAGKAMKAM SA KARAPATAN NG IBANG TAO
38-  عَنْ أَبِيْ أُمَامَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، أَنَّ رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ:  "مَنِ اقْتَطَعَ حَقَّ امْرِئٍ مُسْلِمٍ بِيَمِيْنِهِ؛ فَقَدْ أَوْجَبَ اللَّهُ لَهُ النَّارَ، وَحَرَّمَ عَلَيْهِ الْجَنَّةَ" ؛ فَقَالَ لَهُ رَجُلٌ: وَإِنْ كَانَ شَيْئًا يَسِيْرًا يَا رَسُوْلَ اللَّهِ؟ قَالَ: "وَإِنْ قَضِيْبًا مِنْ أَرَاكٍ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 218 - (137)، ).
38- Si Abu Umamah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanang ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang kumamkam ng karapatan ng isang taong Muslim sa pamamagitan ng kanyang panunumpa; tunay na karapat-dapat siyang ipasok ng Allah sa Apoy (Impiyerno) at ipagkakait sa kanya ang Paraiso”; kaya’t agad na may isang lalaki ang nagsabi sa kanya: Na kahit pa mang napakaliit na bagay ito, o Sugo ng Allah? Muli siya ay nagsabi: “Kahit man ito’y isang Qadib (o kapirasong sanga ng punong-kahoy) ng Arak lamang”]. Muslim [Hadith bilang: 218-(137)].

Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Umamah, Suday ibn Ajlan ibn Wah'b Al-Bahili, isang marangal na Sahabi na ayaw ng karangyaan sa buhay (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah).
Labis niyang kinahuhumalingan ang pakikibaka sa landas ng Allah upang makipaglaban, bagkus nanatili siyang kaakibat ng Propeta () sa lahat ng kanyang mga digmaan, ni hindi siya lumiliban sa anumang digmaan at hindi rin nagsasawa sa pakikipaglaban sa landas ng Allah maliban lamang sa digmaan ng Badr dahilan sa paglingkod niya sa kanyang matandang ina na siyang ipinag-utos sa kanya ng Sugo ng Allah () na manatili na lamang sa piling ng kanyang ina, at gayundin naman na lumahok siya sa mga digmaang kasama ng mga napatnubayang Khalifah (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah), siya ay naitala sa mga aklat ng Sunnah na nakapag-ulat ng (250) na Hadith.
Siya ay dating nanirahan sa Syria, datapuwa’t binawian siya ng buhay sa lupain ng Homs taong ika-81 sa Hijri.

 

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang paglabag sa katarungan ay siyang pinagmumulan ng mga kasamaan, ng paglihis sa kabutihan at katarungan, kaya kapag lumaganap ang paglabag sa katarungan sa isang pamayanan ay sisirain nito, at kapag ito’y nakapasok naman sa isang nayon o lungsod ay wawasakin nito, kung kaya’t isinabatas sa Islam ang kabawalan ng pagkamkam sa mga karapatan ng ibang tao.
2. Nagbibigay babala ang Islam tungkol sa paglabag sa katarungan at sa pagkamkam sa mga karapatan ng ibang tao ng hindi makatuwiran na kahit wala pang katibayang pinanghahawakan ang inaapi na magpapatunay sa kanyang karapatan, kung saan ang katibayan ng umaapi ay mas matibay kaysa sa katibayan ng inaapi, datapuwa’t wala itong maibibigay na anumang pagbabago sa katotohanan sa paningin ng Allah, samakatuwid ito ay isang malaking patunay sa pagpapahalaga ng Islam sa pangangalaga sa mga karapatan ng may-ari nito maging anupaman ang kanilang pananampalataya o pagkatao.
3. Ang “Qadib”: Ito ay isang kapirasong sanga ng punong-kahoy ng Arak, ang mga kapirasong sanga ng punong-kahoy na ito ay ginagamit bilang Siwak (panlinis sa ngipin).
PAGTITIIS SA PANAHON NG KALAMIDAD
39- عَنْ عَائِشَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا، زَوْجِ النَّبيِّ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ  قَالَتْ: قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَا مِنْ مُصِيْبَةٍ تُصِيْبُ الْمُسْلِمَ إِلاَّ كَفَّرَ اللَّهُ عَنْهُ بِهَا حَتَّى الشَّوْكَةِ يُشَاكُهَا".
صحيح البخاري، رقم الحديث 5640، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 50 - (2572)،).
39- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), asawa ng Propeta () ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Walang anumang kalamidad na dumadatal sa isang Muslim kundi dahil dito ay patatawarin ng Allah ang kanyang kasalanan, maging kahit ang isang tinik na tumusok sa kanya”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (5640)], Muslim [Hadith bilang: 50-(2572)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-16 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Hadith na ito ay nag-aanyaya sa pagiging matiisin sa panahon ng mga kalamidad, kaya marapat lamang sa isang Muslim na isaalang-alang ito gaano man kabigat ang kinakaharap niyang mga kalagayan at katayuan.
2. Ang mga kalamidad na dumadatal sa taong Muslim dito sa ibabaw ng mundo ay maaaring sanhi ng kasalanang kanyang nagawa, o maaaring ito ay dahilan upang mamayagpag ang kanyang mga antas at mapatawad ang kanyang mga kasalanan, kaya marapat sa kanya na tanggapin ng buong puso at malugod sa anumang dumadatal sa kanya na mga kalamidad na itinakda ng Allah, at mabatid na ito ay mabuti para sa kanya dito sa mundong ibabaw at sa kabilang buhay.

 

 

HAJARUL ASWAD MULA SA PARAISO
40- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "نَزَلَ الْحَجْرُ الْأَسْوَدُ مِنَ الجنَّةِ وَهُوَ أشدُّ بَيَاضًا مِنَ اللَّبَنِ؛ فَسََوَّدَتْهُ خَطَايَا بَنِيْ آدَمَ".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 877، قال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن صحيح، وصححه الألباني).
40- Si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang Hajarul Aswad (o ang itim na bato) ay bumaba mula sa Paraiso na mas maputi kaysa sa gatas, datapuwa’t pinaitim ito ng pagkakasala ng mga anak ni Adam”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (877)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-6 na Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Kung ang mga kasalanan ng tao ay nakakaapekto sa  napakatigas na Hajarul Aswad, magkagayun higit na mas matindi ang epekto nito sa puso.
2. Ang Hajarul Aswad ay ang bato na nakalagay sa timog-silangang sulok ng sagradong Ka`bah (sa Makkah) na may takip na pilak, at dito nagsisimula ang pagsasagawa ng Tawaf (o pag-ikot sa Ka`bah), at ang taas nito mula sa lupa ay isang metro at kalahati.
3. Nararapat sa isang Muslim na mabatid na ang Hajarul Aswad ay hindi nakapagdudulot ng kapakinabangan at hindi rin nakapipinsala, bagama’t lehitimo ang paghalik sa Hajarul Aswad, nguni’t hindi ito itinuturing na pagsamba dito, bagkus bilang pagsasabuhay sa Sunnah (o kaparaanan) ng Sugo ng Allah (), samakatuwid ang paghalik sa Hajarul Aswad ay isang kaaya-ayang gawain lamang, at hindi ubligado sa sandaling makakaya ito ng walang pamiminsala sa ibang tao.

 

MAARING ITIGIL ANG PAG-AAYUNO SA PAGLALAKBAY
41- عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،  قَالَ: كُنَّا نُسَافِرُ مَعَ النَّبيِّ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ ؛ فَلَمْ يَعِبِ الصَّائِمُ عَلَى الْمُفْطِرِ، وَلاَ الْمُفْطِرُ عَلَى الصَّائِمِ.
(صحيح البخاري، رقم الحديث 1947، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 98 - (1118)،).
41- Si Anas ibn Malik (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Kami ay lagiang naglalakbay kasama ng Propeta (); at hindi pinipintasan ng nag-aayuno sa amin ang hindi nag-aayuno, gayundin ng hindi nag-aayuno sa amin ang nag-aayuno]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (1947)], Muslim [Hadith bilang: 98-(1118)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-3 na Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang kapahintulutan ng pag-aayuno at hindi pag-aayuno habang nasa paglalakbay.
2. Nasa Hadith na ito ang isang katibayan na nagpapatunay na ang Islam ay isang relihiyon na madali at mapagpasensya, sapagka’t hindi ito naging mahigpit sa pag-aayuno habang nasa paglalakbay; kaya't ang isang naglalakbay ay maaring mag-ayuno kung ninais niya at maaari rin namang hindi mag-ayuno kung ninais niya, nguni’t kailangan niyang palitan o bayaran ito sa ibang araw.

 

 

 

 

 

SODOMYA KARUMAL-DUMAL NA GAWAIN
42- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: "لاَ يَنْظُرُ اللَّهُ إِلَى رَجُلٍ جَامَعَ امْرَأَتَهُ فِي دُبُرِهَا".
(سنن ابن ماجه، رقم الحديث 1923، وصححه الألباني).
42- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Ang Propeta () ay nagsabi: “Hindi ibinabaling ng Allah ang Kanyang paningin sa isang lalaking nakipagtalik sa kanyang asawa sa maselang bahagi ng katawan nito sa likuran”]. Ibn Majah [Hadith bilang: (1923)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Tunay na ang Islam ay ipinagbabawal ang pakikipagtalik sa maselang bahagi ng katawan sa likuran, sapagka't ang gawaing ito ay sumasalungat sa kalikasan ng pagkakalikha ng Allah sa mga tao, at hindi lamang iyon kundi ito ay nagdudulot din ng mga karamdaman, bagkus bago pa man ang lahat ng ito, kabilang din ito sa mga kadahilanan ng pagkapoot, pagngingitngit, pagkagalit  at pagiging karapat-dapat ng sumpa ng Allah.
2. Itinatakdang kahatulan ng Hadith na ito, na ang sinumang nakipagtalik sa kanyang asawa sa maselang bahagi ng katawan nito sa likuran ay tunay na nakagawa ng napakalaking kasalanan, bagkus inilaan ang sarili nito sa poot ng Allah, kaya ang nararapat sa kanya ay magbalik-loob sa Allah ng may pagsisisi mula sa kasalanang ito.
3- Ipinapahintulot sa isang Muslim na makipagtalik sa kanyang asawa sa maselang bahagi ng katawan nito sa harapan, maging paharap man o patalikod, sapagka’t ang maselang bahagi ng katawan sa likuran ay hindi nakalaan para sa pagtatalik, samakatuwid ang pagtatalik sa maselang bahagi ng katawan sa harapan (ang pinagluluwaan ng sanggol), ay pinahihintulutan, maging paharap o patalikod.

MGA ALITUNTUNIN SA TAYAMMUM
43- عَنْ أَبِيْ سَعِيْدٍ اَلْخُدْرِيِّ  رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،  قَالَ: خَرَجَ رَجُلاَنِ فِيْ سَفَرٍ؛ فَحَضَرَتِ الصَّلاَةُ وَلَيْسَ مَعهُمَا مَاءٌ؛  فَتَيَمَّمَا صَعِيْداً طَيِّباً؛ فَصَلَّيَا، ثُمَّ وَجَدَا الْماءَ فِي الْوقْتِ؛ فَأَعَادَ أحَدُهُمَا الصَّلاَةَ وَالوُضُوْءَ، وَلَمْ يُعِدِ الآخَرُ، ثُمَّ أتَيَا رَسُوْلَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ؛ فَذَكَرَا ذَلِكَ لَـهُ؛ فَقَالَ لِلَّذِيْ لَمْ يُعِدْ: "أصَبْتَ السُّنَّةَ وَأَجْزأَتْكَ صَلاَتُكَ"، وقَالَ لِلآخَرِ: "لَكَ الأجْرُ مَرَّتَيْنِ".
 (سنن أبي داود، رقم الحديث 338، واللفظ له، وسنن النسائي، رقم الحديث 433، وصححه الألباني).
43- Si Abu Sa`ed Al-Khudri (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Humayo ang dalawang lalaki sa isang paglalakbay, datapuwa’t nang sumapit ang oras ng Salah, wala silang mahanap na tubig, kaya’t sila ay kapwang nagsagawa ng Tayammum (bilang kapalit ng Wudu’) mula sa malinis na lupa at nagsagawa na rin sila ng Salah, nguni’t di-nagtagal ay ay nakatagpo sila ng tubig sa oras ding iyon, kaya inulit ng isa sa kanila ang Salah at Wudu’, samantalang ang isa naman ay hindi na inulit, at nang dumating sila sa Sugo ng Allah (), agad nilang binaggit sa kanya ang pangyayaring iyon. Siya (ang Sugo) ay nagsabi sa hindi umulit: “Sumang-ayon ka sa Sunnah at tanggap ang iyong Salah, at ang sinabi naman niya sa pangalawa: Sasaiyo ang dalawang gantimpala”]. Abu Daud [Hadith bilang: (338)], An-Nasai [Hadith bilang: (433)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Saed Al-Khudri, Saad ibn Malik ibn Sinan Al-Ansari Al-Khajrazi, isa sa mga kilalang Sahabi at isa rin sa kanilang mga pantas, ang unang nasaksihan niya na digmaan ay ang digmaan sa Khandaq, at pagkatapos ay sumunod ang (12) digmaan kasama ang Sugo ng Allah (), at siya ay naitala sa mga aklat ng Sunnah na nakapag-ulat ng (1170) na Hadith.
Si Abu Saed Al-khudri (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay binawian ng buhay sa Madinah taong ika-74 sa Hijri, sa edad niyang (86) na taon, datapuwa’t may nakapagsabi na kasalungat nito, at siya ay nailibing sa Baqi'.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Islam ay relihiyon ng kapatawaran at kaligayahan, kaya’t wala anumang pagpapahirap dito, dahil kapag nagkaroon ng pangangailangan ay agad magsasabatas ang Allah ng pagpapahintulot para mapadali ang mga gawaing pagsamba, kaya malayang maisasagawa ito ng isang Muslim ng maluwag sa kalooban.
2. Itinuturo ng Hadith na ito na ang sinumang hindi nakatagpo ng tubig sa unang pagkakataon ay marapat nang magsagawa ng Tayammum sa pamamagitan ng malinis na lupa at magsagawa ng Salah, at hindi na niya kailangan pang isagawa ulit ang Salah sa sandaling iyon kahit pa siya ay nakatagpo ng tubig pagkatapos niyang maisagawa ang Salah. Subali't, kapag nagkaroon ng tubig habang kasalukuyang niyang isinasagawa ang Salah, sa gayon ay dapat niyang itigil ito, at magsagawa siya ng panibagong Wudu’ sa pamamagitan ng tubig  at magsagawa na rin siya ulit ng Salah dahilan sa pagkaroon ng tubig, ito ay batay sa pangkalahatang kahulugan ng sinabi ng Allah: {At (kung) wala kayong matagpuan na tubig, sa gayon ay marapat kayong magsagawa ng Tayammum sa pamamagitan ng malinis na lupa}. Al-Maidah (5): 6.
KABUTIHAN NG PAGPAPALAKI SA ANAK NA BABAE
44- عَنْ أَنَسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،  قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ عَالَ جَارِيَتَيْنِ دَخَلْتُ أَنَا وَهُوَ الْجَنَّةَ كَهَاتَيْنِ وَأَشَارَ بِإِصْبَعَيْهِ".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 1914، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 149 -(2631)، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن غريب، وصححه الألباني).
44- Si Anas (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang nagpalaki ng dalawang batang babae nang maayos ay kasama kong makakapasok sa Paraiso nang gaya nito, at itinuro niyang paitaas ang dalawa niyang daliri”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1914)], Muslim [Hadith bilang: 149-(2631)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-3 na Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinapahayag ng Hadith na ito na ang pagkakaroon ng mga anak na babae ay isang biyaya, at ang pag-aalaga sa kanila ay madali, bagkus ang pagiging mabuti sa kanila ng may magandang layunin ay dahilan ng pagpasok sa Paraiso.
2. Ipinanghihikayat ng Hadith na ito ang maayos na pagpapalaki sa mga anak na babae at ang pagpapalapit sa Allah sa pamamagitan ng pagtustos sa kanila ng bukal sa kalooban.

 

 

 

 

 


DU`A SA PAGPASOK AT PAGLABAS NG MASJID
 45- عَنْ أَبِيْ حُمَيْدٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ:  قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "إِذَا دَخَلَ أحَدُكُمُ المَسْجِدَ؛ فَلْيَقُلْ: اَللَّهُمَّ! افْتَحْ لِيْ أبْوَابَ رَحْمَتِكَ، وَإِذَا خَرَجَ، فَلْيَقُلْ: اَللَّهمَّ! إِنِّيْ أسْألُكَ مِنْ فَضْلِكَ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 68 - (713)، ).
45- Si Abu Humaid (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang  sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Kapag pumasok ang isa sa inyo sa Masjid; sa gayon ay marapat niyang sabihin ang: “Allaahummaf tahlee abwaa-ba rahmatik (O Allah! Nawa'y buksan Mo para sa akin ang mga pintuan ng Iyong Habag)”, at kapag siya naman ay lalabas, kanyang sasabihin ang: “Allaahumma innee as-aluka min Fadlik (O Allah! Ako’y humihiling ng Iyong Biyaya)”]. Muslim [Hadith bilang: 68-(713)].

Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Humaid As-Saidi Al-Ansari (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), kilala siya sa kanyang palayaw, subali't nagkakaiba ang mga mananalaysay tungkol sa tunay niyang pangalan; kaya may nakapagsabing siya si: Abdul Rahman ibn Saad ibn Al-Munthir, datapuwa’t may nakapagsabi rin na siya si: Al-Munthir ibn Saad. Siya ay isa sa mga dalubhasa sa batas mula sa lipon ng mga Sahabah (kasamahan ng Sugo ng Allah ).
Siya (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay binawian ng buhay sa Madinah taong ika-60 sa Hijri, datapuwa’t may nakapagsabi na kasalungat nito.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Sa katotohanan, maraming naitala na mga Du`a (panalangin) para sa pagpasok at paglabas ng Masjid; ang isa rito ay ang nasasaad sa Hadith na ito. Datapuwa’t mas mainam para sa isang Muslim na manalangin ng pagpapala at kapayapaan para sa Sugo ng Allah () sa sandaling pumasok at lumabas mula sa Masjid, at pagkatapos ay bigkasin ang panalanging ito, gaya ng pagkapahayag nito mula sa Propeta (). (Tunghayan halimbawa ang: Sunan Abu Daud [Hadith bilang: (465)], Jaami` At-Tirmidhi [Hadith bilang: (314)], at Sunan ibn Majah [Hadith bilang: ( 773)].   
2. Lumalabas na ang misteryo sa pagtanto ng habag para sa pagpasok at  ng biyaya para sa paglabas ay sa kadahilanang ang pumapasok ay abala sa anumang magpapalapit sa kanya sa Allah at sa Paraiso, kaya nababagay lamang ang pagbanggit ng “Habag”, at kapag lumalabas naman ay abala sa paghahangad ng malinis na biyaya, kaya nababagay lamang din ang pagbanggit ng “Biyaya”, ang Allah ang higit na nakakaalam.

 

 

 

 

DU`A PARA SA PROPETA ()
SA PAGPASOK AT PAGLABAS NG MASJID
46- عَنْ فَاطِمَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا قَالَتْ: كَانَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا دَخَلَ المَسْجِدَ صَلَّى عَلَى مُحَمَّدٍ وَسَلَّمَ، وَقَالَ: "رَبِّ اغْفِرْ لِيْ ذُنُوبِيْ، وَافْتَحْ لِيْ أَبْوَابَ رَحْمَتِكَ"، وَإِذَا خَرَجَ صَلَّى عَلَى مُحَمَّدٍ وَسَلَّمَ، وَقَالَ: "رَبِّ اغْفِرْ لِيْ ذُنُوبِيْ، وَافْتَحْ لِيْ أَبْوَابَ فَضْلِكَ".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 314، واللفظ له، وسنن ابن ماجه، رقم الحديث 771، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن، وصححه الألباني).
46- Si Fatimah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Kapag pumapasok ang Sugo ng Allah () sa Masjid ay nananalangin ng pagpapala at kapayapaan kay Muhammad at kanyang sinasabi: “Rabbig firlee thunoobi waf tahlee abwaa-ba rahmatik (O aking Panginoon! Patawarin Mo ako sa aking mga kasalanan at buksan Mo sa akin ang mga pintuan ng Iyong Habag)”, at kapag siya ay lumalabas, kanyang sinasabi: “Rabbig firlee thunoobi waf tahlee abwaa-ba fadlik (O aking Panginoon! Patawarin Mo ako sa aking mga kasalanan, at buksan Mo sa akin ang mga pintuan ng iyong biyaya)”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (314)], Ibn Majah [Hadith bilang: (771)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Fatimah, anak na babae ni Muhammad na Sugo ng Allah (), at ang kanyang ina ay si Khadijah bint Khuwailid na tinaguriang ina ng mga mananampalataya (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah). Si Fatimah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay ipinanganak bago maging Sugo si Muhammad (), datapuwa’t siya ang pinakabunsong anak na babae ng Propeta ().
Siya ay namulat at lumaki sa loob ng pamamahay ng Propeta () sa kadalisayan, lakas ng loob at kagandahang ugali, sapagka’t ang mismong ama niya, ang Sugo ng Allah () ang itinalaga niyang magandang halimbawa sa lahat ng kanyang mga kilos at gawa, kaya siya ay naging isang babaeng matiisin, relihiyosa, pino, dalisay, makuntento at mapagpasalamat sa Allah.
Siya ay nagtataglay ng maraming mga dakilang katangian; isa sa mga ito ay ang naipahayag ng Propeta () sa kanyang sinabi: “Katotohanang ito ay isang Anghel na kailanma’y hindi pa nakababa sa lupa bago ang pagsapit ng gabing ito, siya ay nagpaalam sa kanyang Panginoon upang bumati lamang sa akin at ibalita sa akin na si Fatimah ang pinakaespesyalista sa mga kababaihan na mananahan sa Paraiso, at si Al-Hassan at Al-Hussain ang pinakapinuno ng mga kabataan na mananahan sa Paraiso”. At-Tirmithi [Hadith bilang: (3781)].
Siya ay pinaasawa ng Sugo ng Allah () kay Ali (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), at ang edad niya sa araw na ikasal siya ay labing limang taong gulang at limang buwan, at tunay na mahal na mahal siya ng Propeta () at labis na iginagalang. Si Fatimah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay binawian ng buhay pagkaraan ng anim na buwan mula sa araw ng kamatayan ng Propeta (), sa ikatlong araw ng buwan ng Ramadhan ika-11 sa Hijri, at sa gabi na siya nailibing sa Baqi, sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah at malugod sa kanya.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nasasaklawan ng Hadith na ito ang panalangin para sa pagpasok sa Masjid, at ito ay ang: “Rabbig firlee thunoobi waf-tahlee abwaa-ba rahmatik (O aking Panginoon! Patawarin Mo ako sa aking mga kasalanan at buksan Mo sa akin ang mga pintuan ng Iyong Habag)”, bagkus ang panalanging ito ay binibigkas pagkatapos na maipanalangin ng pagpapala at kapayapaan ang Propeta ().
Ang pinakamainam na paraan sa panalangin ng pagpapala para sa Sugo ng Allah () ay ang mga sumusunod:
a. “Allaahumma salli `ala Muhammad wa `ala ali Muhammad kama sallayta `ala Ibrahim wa `ala ali Ibrahim innaka hameedun majeed, allaahumma baarik `ala Muhammad wa `ala ali Muhammad kama baarakta `ala Ibrahim wa `ala ali Ibrahim innaka hameedun majeed”. Al-Bukhari [Hadith bilang: (3370)], Muslim [Hadith bilang: 66-(406)].
b. “Allaahumma salli `ala Muhammad `abdika wa rasoolika kama sallayta `ala Ibrahim wa ali Ibrahim, wa baarik `ala Muhammad wa `ala ali Muhammad kama baarakta `ala Ibrahim wa ali Ibrahim”. Al-Bukhari [Hadith bilang (6358)].
k. “Allaahumma salli `ala Muhammad wa ajwaajihi wa dhurriyatihi, kama sallayta `ala ali Ibrahim, wa baarik `ala Muhammad wa ajwaajihi wa dhurriyatihi, kama baarakta `ala ali Ibrahim, innaka hameedun majeed”. Al-Bukhari [Hadith bilang (3369)], Muslim [Hadith bilang: 69-(407)].
d. “Allaahumma salli `alaa Muhammad wa `alaa ali Muhammad”. An-Nasai [Hadith bilang: (1292)].
2. Ang kahulugan ng panalangin ng Allah para sa Sugo (): Ito ay ang pagdakila ng Allah sa Sugo () at pagpupuri sa kanya. Kaya ang kahulugan ng “Allaahumma salli `ala Muhammad”: O Allah! Gawaran Mo siya ng kadakilaan sa mundo at sa Huling Araw ayon sa naaangkop sa kanya.
3. Kabilang sa paraan ng panalangin ng kapayapaan para sa Propeta () ay ang: “Assalaamu alayka ayyuhan nabiyyu wa rahmatullaahi wa barakatuhu”, o di kaya: “Assalaamu alayka ya rasoolallaah”, o di kaya: “Assalamu alayka ya nabiyyallaah”, o di kaya: “Assalamu `alan nabi”. Ang pananalangin ng kapayapaan sa Propeta () ay umaabot sa kanya sa pamamagitan ng mga marangal na Anghel kahit saanmang lupalop ng kalupaan sa mundo. An-Nasai [Hadith bilang: (1282)], at gayundin ang pananalangin ng pagpapala sa Sugo ng Allah () ay umaabot din sa kanya kahit saanmang lugar sa mundo. Abu Daud [Hadith bilang: (2042)].


KAGANDAHANG ASAL SA PAGPASOK NG MASJID
47- عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ000: "مَنْ أَكَلَ الْبَصَلَ وَالثُّوْمَ وَالْكُرَّاثَ؛ فَلاَ يَقْرَبَنَّ مَسْجِدَنَا؛ فَإِنَّ الْمَلائِكَةَ تَتَأَذَّى مِمَّا يَتَأَذَّى مِنْهُ بَنُو آدَمَ".  
(صحيح مسلم، رقم الحديث 74 - (564)، واللفظ له،  وصحيح البخاري، رقم الحديث 854 ،).
47- Si Jabir ibn Abdullah (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Ang Propeta () ay nagsabi: “Ang sinumang kumain ng sibuyas, bawang o dahon ng sibuyas ay huwag na huwag lumapit sa aming Masjid, sapagka't nakapipinsala rin sa mga Anghel ang anumang nakapipinsala sa mga anak ni Adam”]. Muslim [Hadith bilang: 74-(564)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (854)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-22 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang dapat sa kumain ng sibuyas, hilaw na bawang o tulad nito ay huwag pumunta ng Masjid upang hindi makapinsala ng mga nagdarasal dahil sa masangsang nitong amoy, at ang sinumang nakapagdulot ng kapinsalaan sa mga nagdarasal ay tunay ngang nakapagdulot din siya ng kapinsalaan sa mga Anghel.
2. Hindi rin pinahihintulutang pumasok sa Masjid ang sinumang may dalang masamang amoy na nakapipinsala sa mga nagdarasal, katulad ng sigarilyo o masangsang na amoy na nanggagaling sa katawan, gayundin ang nangangamoy na kasuutan o medyas. Kaya dapat suriin ng taong magsasagawa ng Salah ang sarili bago pumasok ng Masjid upang hindi makapinsala sa mga nagdarasal at mga Anghel, na kung saan ay nagkakasala siya dahilan dito.
3. Hinihikayat ng Hadith na ito ang isang Muslim na maging ganap na handa sa pagpunta sa Masjid sa pamamagitan ng paglilinis, pagligo, maayos na Wudu, paggamit ng pabango, pagpapaganda at pagsuot ng pinakamaganda at pinakamalinis na kasuutan.
PAG-AANUNSIYO SA LOOB NG MASJID
TUNGKOL SA MGA NAWAWALANG BAGAY
48- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، يَقُوْلُ:  قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ سَمِعَ رَجُلاً يَنْشُدُ ضَالَّةً فِي الْمَسْجِدِ؛ فَلْيَقُلْ: لاَ رَدََّهَا اللَّهُ عَلَيْكَ؛ فَإِنََّ الْمَسَاجِدَ لَمْ تُبْنَ لِهَذَا".   (صحيح مسلم، رقم الحديث 79 -(568)، ).
48- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinasabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang nakarinig ng isang lalaking nag-aanunsiyo sa paghahanap ng isang nawawalang bagay sa loob ng Masjid ay magsabi ng ganito: Nawa’y hindi na ibabalik ito sa iyo ng Allah. Sapagka't sa katotohanan, ang mga Masjid ay hindi itinayo para dito”]. Muslim [Hadith bilang: 79-(568)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Tunay ngang ang mga Masjid ang siyang pinakamainam at kaibig-ibig na lugar sa ibabaw ng lupa para sa Allah, dahilan sa taglay nitong mataas na antas at dakilang katayuan sa Islam, kaya’t dapat lamang na pangalagaan ang kabanalan nito.
2. Hindi ipinahihintulot ang pag-aanunsiyo sa mga nawawalang bagay at yaman, o ang paglalarawan sa mga ito sa loob ng mga Masjid, sapagka't ang mga Masjid ay hindi pinatayo para dito, bagkus pinatayo ang mga ito upang maitaguyod ang paggunita sa Allah, ang pagsunod sa Kanya at ang pagsamba sa Kanya lamang, at para sa pagbasa ng Kanyang Aklat at maipalaganap ang mga kaalamang kaugnay sa Kanyang Relihiyon. Datapuwa’t ang pagsulat sa papel bilang anunsiyo sa mga nawawalang bagay at ang pagpaskil nito sa labas ng dingding ng mga Masjid, o sa pintuan nitong panlabas ay hindi naman masama.
3. Ang mga Masjid ay mga tahanan na pinagdadausan ng pagsamba sa Allah, kaya’t hindi ito maaring pagdausan ng pagsamba sa iba bukod sa Allah, at hindi rin maaaring manalangin dito maliban sa Allah, kaya ang sinumang pumasok dito ay marapat na ibaling lamang ang kanyang gawa nang buong katapatan para sa Allah. Ang Allah ay nagsabi: (At tunay ngang ang mga Masjid ay para sa Allah lamang, kaya huwag kayong manalangin sa kaninuman bilang kaagapay ng Allah). Al-Jinn (72):18
Samakatuwid, hindi maaaring mag-anunsiyo dito ang sinuman para sa nawawala niyang mga bagay, bagkus ang sinumang nakarinig ng isang tao na nagtatanong sa mga tao tungkol sa nawawala niyang mga bagay sa loob ng Masjid, sa gayon ay marapat niyang ipanalangin ito na hindi na sana niya matagpuan ang mga nawawala sa kanya, bilang kaparusahan sa kanya sa pagsalungat niya sa mga katuruan ng Islam ukol sa bagay na ito.

 

 

PANALANGIN SA QUNUT NG WIT’R
49- عَنِ الْحَسَنِ بْنِ عَلِيٍّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا، قَالَ: عَلَّمَنِيْ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَلِمَاتٍ أَقُوْلُهُنَّ فِيْ قُنُوْتِ الْوِتْرِ: "اَللَّهُمَّ اهْدِنِيْ فِيْمَنْ هَدَيْتَ، وَعَافِنِيْ فِيْمَنْ عَافَيْتَ، وَتَوَلَّنِيْ فِيْمَنْ تَوَلَّيْتَ، وَبَارِكْ لِيْ فِيْمَا أَعْطَيْتَ، وَقِنِيْ شَرَّمَا قْضَيْتَ؛ إِنَّكَ تَقْضِىْ وَلاَ يُقْضَى عَلَيْكَ، وَإنَّهُ لاَ يَذِلُّ مَنْ وَّالَيْتَ، وَلاَ يَعِزُّ مَنْ عَادَيْتَ، تَبَارَكْتَ رَبَّنَا وَتَعَالَيْتَ".
(سنن أبي داود، رقم الحديث 1425، واللفظ له، وجامع الترمذي، رقم الحديث 464، وسنن النسائي، رقم الحديث 1745، وسنن ابن ماجه، رقم الحديث  1178، قال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن، وصححه الألباني).
49- Si Al-Hassan ibn Ali (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ako ay tinuruan ng Sugo ng Allah () ng mga salita na bibigkasin ko para sa Qunut ng Wit'r: “Allaahummah-dini feeman hadayt, wa `a-fini feeman `afayt, wa tawallani feeman tawallayt, wa baarik lee feema a`atayta, wa qini sharra maa qadayt, innaka taqdi wa laa yuqda `alayk, wa innahu laa ya-dhillu man waa-layt, wa laa ya-`izzu man `a-dayt, tabaarakta rabbanaa wa ta`alayt (O Allah! Patnubayan Mo ako kasama ng mga taong Iyong pinatnubayan, at palakasin Mo ako kasama ng mga taong binigyan Mo ng lakas, at ilagay Mo ako sa Iyong pangangalaga kasama ng yaong pinangalagaan Mo, at pagpalain Mo ako sa anumang bagay na Iyong ipinagkaloob, at iligtas Mo ako sa masamang bagay na Iyong itinakda, sapagka’t tunay na Ikaw ang nagtatakda at walang sinumang makakapagtakda laban sa Iyo, at tunay na walang makakapanghamak sa sinumang Iyong pinangalagaan at walang sinumang makakapagkaloob ng kadakilaan sa kanya na itinuring Mong kaaway, Ikaw ay tigib ng pagpapala aming Panginoon at Pinakamakapangyarihan)”]. Abu Daud [Hadith bilang: (1425)], At-Tirmidhi [Hadith bilang: (464)], An-Nasai [Hadith bilang: (1745)], Ibn Majah [Hadith bilang: (1178)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Al-Hassan ibn Ali (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah), na ang palayaw ay Abu Muhammad Al-Qurashi Al-Hashimi, na isa sa apo ng Sugo ng Allah (); anak na lalaki ng anak niyang babae na si Fatimah Az-Zahra’ (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah), siya ay ipinanganak sa kalagitnaan ng buwan ng Ramadhan taong ika-3 sa Hijri, at agad na pinakain siya ng Sugo ng Allah ()  ng nginuyang datiles mula sa mismong bibig niya at kanyang pinangalanan siya ng Al-Hassan, at siya (si Al-Hassan) ang pinakapanganay na anak ng mga magulang niya, siya ay naitala sa mga aklat ng Sunnah na nakapag-ulat ng (13) Hadith.
Siya ay isang matalinong tao, mapagpaumanhin at lagi nang maagap at maingat sa pagdanak ng dugo ng mga Muslim at pagkakaisa nila, at ang pinakamainam na magpapatunay nito ay ang pagbaba niya sa puwesto bilang Khalifah (o pinuno) para kay Muawiyah, kaya’t ito ay naging isang magandang simula sa sambayanang Muslim, na kung saan ay nagkaisa ang kanilang pakikibaka, kaya binansagan ang taong ika-41 sa Hijri na taon ng pagkakaisa, dahilan sa pagkakaisa ng salita ng mga Muslim sa iisang Khalifah na si Muawiyah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah).
Ang magagandang katangian ni Al-Hassan (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay marami, isa na rito ang naiulat mula sa Sugo ng Allah () na kanyang sinabi: “Si Al-Hassan at Al-Hussain ay kapwang pinuno ng mga kabataan sa Paraiso”. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (3768)].
Si Al-Hassan (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay binawian ng buhay taong ika-49 sa Hijri, datapuwa’t may nakapagsabing sa ika-50 sa Hijri, sa edad niyang (47) taong gulang, at siya ay nailibing sa Baqi Al-garqad sa tabi ng puntod ng kanyang inang si Fatimah Az-Zahra’ (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah).

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Qunut: Ito ay isang panalangin sa Salah sa isang natatakdaang lugar sa pagtayo, datapuwa’t ang Qunut sa Wit’r ay hindi ganap na napatunayan sa Sugo ng Allah () ayon sa mapananaligang paraan, nguni't ang panalanging ito ay itinuro niya kay Al-Hassan ibn Ali (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) na kanyang ipanalangin ito sa Qunut ng Wit’r, kaya’t dahil dito ay maaaring magsagawa ng Qunut ang isang Muslim kung minsan.
2. Ang panalangin ng Qunut ay isinasagawa sa huling  yugto (o rak`ah) ng Salah sa Wit'r pagkatapos magsagawa ng Ruku`, datapuwa’t maaari rin namang isagawa ito bago magsagawa ng Ruku`.

PAGBAYAD SA DASAL NA WIT'R
50- عَنْ أَبِيْ سَعِيْدٍ اَلْخُدْرِيِّ  رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،  قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ نَامَ عَنِ الْوِتْرِ أَوْ نَسِيَهُ؛ فَلْيُصَلِّ إِذَا ذَكَرَ وَإِذاَ اسْتَيْقَظَ".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 465، واللفظ له، وسنن أبي داود، رقم الحديث 1431، وسنن ابن ماجه، رقم الحديث 1188، وصححه الألباني).
50- Si Abu Saed Al-Khudri (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang nakatulog at hindi nakapagdasal ng Wit'r o di kaya’y nakalimutan niya; sa gayon ay isagawa niya ito sa oras na naalala niya ito, o kapag nagising na siya”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (465)], Abu Daud [Hadith bilang: (1431)], Ibnu Majah [Hadith bilang: (1188)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-43 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Isinasabatas ng panglabas na kahulugan ng Hadith na ito na ang sinumang nakaligta ng dasal sa Wit'r dahilan sa pagkatulog o pagkalimot ay kanya itong palitan sa oras ng pagkagising niya o kapag naalala niya ito sa kahit anong oras, maging sa gabi o sa araw batay sa sinabi ng Propeta (): “Ang sinumang nakalimot ng isang Salah o hindi nakapagsagawa nito dahilan sa pagkatulog; sa gayon ang kabayaran nito bilang kapalit ay isagawa niya ito sa oras na naalala niya ito”. Muslim [Hadith bilang: 315-(684)].
2.  May mga iskolar ang nagsasabi na: Ang sinumang nakatulog at hindi nakapagsagawa ng dasal sa Wit'r, dahil nanaig sa kanya ang pagtulog; sa gayon ay maaari niyang palitan ang dasal sa Wit’r sa oras na kapag ganap nang sumikat ang araw, datapuwa’t dadagdagan niya ito ng isa pang Rak'ah. Batay sa isang Hadith na naiulat ni Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah): [At nakaugalian na ng Propeta ng Allah () na kapag siya ay nakapagsagawa ng isang Salah ay naiibigan niyang panatilihin ito, datapuwa’t kapag nanaig sa kanya ang pagtulog o kirot, at hindi siya nakapagsagawa ng dasal sa gabi; siya ay nagsasagawa ng Salah sa umaga ng labindalawang Rak'ah]. Muslim [Hadith bilang: 139-(746)].
3. Malayang pumili ang isang Muslim kung alin ang ibig niya sa dalawang opinyon na aking naunang nabanggit patungkol sa partikular na usaping ito, datapuwa’t ang unang opinyon ang siyang pinakatumpak. Ang Allah ang higit na nakakaalam.

 

 

 

 

 


MGA ALITUNTUNIN SA DASAL NA WIT'R
51- عَنْ جَابِرٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،  قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ خَافَ أَنْ لاَ يَقُوْمَ مِنْ آخِرِ اللَّيْلِ؛ فَلْيُوْتِرْ أَوَّلَهُ، وَمَنْ طَمِعَ أَنْ يَقُوْمَ آخِرَهُ؛ فَلْيُوْتِرْ آخِرَ اللَّيْلِ؛ فَإِنَّ صَلاَةَ آخِرِ اللَّيْلِ مَشْهُوْدَةٌ، وَذَلِكَ أَفْضَلُ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 162 -(755)، ).
51- Si Jabir (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah  () ay nagsabi: “Ang sinumang nangangambang hindi makapagtaguyod ng dasal sa huling bahagi ng gabi ay magsagawa na ng Wit'r sa unang bahagi nito, datapuwa’t ang sinumang umaasa na maitaguyod ito sa huling bahagi nito ay isagawa ang Wit’r sa huling bahagi ng gabi; sapagka't ang Salah sa huling bahagi ng gabi ay nasasaksihan, bagkus ito ang siyang pinakamainam”]. Muslim [Hadith bilang: 162-(755)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-22 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Naglalaman ang Hadith na ito ng isang malinaw na katibayan na ang pagpapahuli sa pagsasagawa ng Wit'r sa huling bahagi ng gabi ay siyang pinakamainam para sa sinumang nakatitiyak na magising sa huling bahagi ng gabi; at na ang sinumang hindi nakatitiyak nito ay mas mainam para sa kanya na isagawa na ito nang maaga.
2. Kapag ang isang Muslim ay nakapagsagawa na ng Salah sa unang bahagi ng gabi at nakapagsagawa na rin ng Salah sa Wit'r, at pagkatapos ay naisipan niyang magsagawa ulit ng Salah sa huling bahagi ng gabi; magkagayon ay maaari siyang magdasal ng ayon sa gusto niya at makakaya, nang tig-dadalawang Rak'ah, datapuwa’t hindi na siya magsasagawa ulit ng Wit'r.
3. Ang oras ng Salah sa Wit'r ay hindi papasok o magsisimula maliban kung tapos nang isagawa ang Salah sa Isha’, at mananatili ito hanggang sa pagsikat ng madaling araw o pagsapit ng oras ng Salah sa Faj’r. Batay sa sinabi niya (ang Propeta ): “Isagawa ninyo ang dasal sa Wit'r bago pa sumapit sa inyo ang umaga”. Muslim [Hadith bilang: 160-(754)].
At sa sinabi pa niya (): “Kapag sumikat na ang madaling araw o sumapit na ang oras ng dasal sa Faj'r; sa gayon ay wala na ang lahat ng dasal sa gabi at gayundin ang dasal sa Wit’r, kaya’t isagawa ninyo ang dasal sa Wit’r bago pa sumapit ang Salah sa madaling araw”. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (469)].

 

 

 

 


BABALA SA PAGYAYABANG NG KASALANAN
52- عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، يَقُوْلُ: سَمِعْتُ رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُوْلُ: "كُلُّ أُمَّتِي مُعَافًى إِلاَّ الْمُجَاهِرِينَ، وَإِنَّ مِنَ الْمُجَاهَرَةِ أَنْ يَعْمَلَ الرَّجُلُ بِاللَّيْلِ عَمَلاً، ثُمَّ يُصْبِحُ وَقَدْ سَتَرَهُ اللَّهُ؛ فَيَقُوْلُ:  يَا فُلاَنُ، عَمِلْتُ الْبَارِحَةَ كَذَا وَكَذَا، وَقَدْ بَاتَ يَسْتُرُهُ رَبُّهُ، وَيُصْبِحُ يَكْشِفُ سِتْرَ اللَّهِ عَنْهُ ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 6069، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 52 - (2990)،).
52- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinasabi: [Narinig ko ang Sugo ng Allah () na nagsasabi: “Lahat ng aking tagasunod ay maliligtas maliban sa mga taong nagsasawalat ng kanilang kasalanan; at ang ilan sa halimbawa ng pagsasawalat ng kasalanan ay ang paggawa ng kasalanan ng isang lalaki sa gabi, at pagkaraan ay pinagtakpan ito ng Allah sa kanya kinaumagahan; datapuwa’t isinisiwalat niya ito at nagsasabi pa: O ginoo! Kagabi ay ginawa ko ang ganito’t ganyan, samantalang pinagtakpan na ito sa kanya ng kanyang Panginoon noong nakaraang gabi, at siya namang ito kinaumagahan ay ibinubunyag ang pinagtakpan ng Allah sa kanya (na kasalanan)”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (6069)], Muslim [Hadith bilang: 52-(2990)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Hinihikayat ng Islam ang isang Muslim na maging maagap sa pagtatakip (ng kanyang kasalanan) sa pamamagitan ng panakip ng Allah, at purihin niya ang Allah sa pagkakaligtas sa kanya, at pagsisihan niya ang lahat ng kasalanang kanyang nagawa na siyang naging dahilan ng pagkaroon ng agwat sa pagitan niya at ng kanyang Panginoon, at kapag siya ay nagbalik-loob sa Allah, siya ay patatawarin ng Allah at pagtatakpan ang mga salang nagawa niya sa mundo at sa huling araw.
2. Dapat lamang malaman ng isang Muslim na ang pagtatakip ng kasalanan ang siyang pinakamainam para sa kanyang sarili at ang hindi pag-amin ng kasalanan sa harapan ng isang namumuno o ninuman ng may masidhing pagpapasiyang magbalik-loob at pagsisihan ang kasalanan, at magkaroon ng layunin na hindi na niya babalikan ulit ang naturang kasalanan. Sa gayon, ito ang pinakamainam para sa kanya kaysa sa pag-amin niya ng kasalanan, sapagaka't katotohanang tinatanggap ng Allah ang pagsisisi ng isang tao kapag nagsisi sa kanyang pagkakasala at nagbalik-loob sa kanyang Panginoon nang buong katotohanan at tapat.
3. Ang salitang “Mu`afa” (o ligtas) sa Hadith na ito: Siya yaong iniligtas ng Allah mula sa kasamaan o kaparusahan. Na ang ibig sabihin ay yaong pinagkalooban ng Allah ng katiwasayan at kaligtasan mula sa isang bagay na hindi kanais-nais. At ang “Mujahir” naman (o nagsisiwalat) ay: Yaong nagsisiwalat ng kanyang kasalanan at nagbubunyag ng anumang sa kanya’y pinagtakpan na ng Allah, anupa’t inilalahad niya ito, kaya’t siya ay nakagagawa ng pang-iinsulto sa kadakilaan ng Allah. Samakatuwid ang pagsisiwalat ng kasalanan ay nagpapahiwatig ng kawalang-galang sa karapatan ng Allah at ng Kanyang Sugo (), na kung saan ang pagtatakip naman nito ay pagtamo ng katiwasayan at kaligtasan.


KARAPATAN NG INA HIGIT NA DAKILA
53- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: جَاءَ رَجُلٌ إِلَى رَسُوْلِ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ؛ فَقَالَ:  يَا رَسُوْلَ اللَّهِ! مَنْ أحَقُّ النَّاسِ بِحُسْنِ صَحَابَتِي؟ قَالَ: "أُمُّكَ" قَالَ: ثُمَّ مَنْ؟ قَالَ: "ثُمَّ أُمُّكَ"، قَالَ: ثُمَّ مَنْ؟ قَالَ: "ثُمَّ أُمُّكَ"، قَالَ: ثُمَّ مَنْ؟ قَالَ: "ثُمَّ أَبُوْكَ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 5971، وأيضاً صحيح مسلم، رقم الحديث 1 - (2548)،).
53- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Dumating ang isang lalaki sa Sugo ng Allah () at agad na nagtanong: O Sugo ng Allah! Sino po sa mga tao ang higit na karapat-dapat kong pakitunguhan ng mabuti? Siya (ang Sugo ) ay nagsabi: “Ang iyong Ina”. Muli, siya (ang lalaki) ay nagtanong: At sino po ang kasunod?, Siya (ang Sugo ) ay muling nagsabi: “Kasunod ang iyong Ina”. Siya (ang lalaki) ay muling nagtanong: At sino pa po ang kasunod? Siya (ang Sugo ) ay muli na namang nagsabi: “Kasunod ang iyong Ina”. At (sa ikaapat na pagkakataon), siya (ang lalaki) ay muling nagtanong: At sino pa po ang susunod sa kanya?. Sa huli, siya (ang Sugo ) ay nagsabi: “Kasunod ang iyong ama”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (5971)], Muslim [Hadith bilang: 1-(2548)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang ibig sabihin ng pakikitungo dito ay ang magandang pakikisama at mabuting pakikipag-ugnayan.
2. Ang dahilan ng pagpapauna sa ina ay dahil siya ang may maraming sakripisyo at kapaguran para sa bata, pagmamahal at awa, paglingkod sa kanya, at sunud-sunod na pasanin, simula sa pagbubuntis, sumunod ang pagsilang sa kanya, ang pagpapasuso sa kanya, at pagkatapos ay ang pagpapalaki sa kanya, pag-aalaga sa kanya kapag siya ay nagkakasakit at iba pa. Kaya ang karapatan ng ina sa kagandahan ng pakikitungo ay higit na dakila kaysa sa karapatan ng ama.
3. Ang ina ang siyang may higit na karapat-dapat sa mga tao na pakisamahan at pakitunguan nang mabuti sa pamamagitan ng pagsuporta at pagtulong, ng malambot na pananalita, malambing at malumanay na pangungusap, sa pagbigay ng kaaya-ayang regalo ayon sa kanyang nagugustuhan o pangangailangan, sa pagsuyo at pagbisita sa kanya nang walang pag-iwas at pagtataboy sa kanya, walang pagpapahirap at pagpapagod, at gayundin ang pagpapapuyat para sa kanya kung siya ay nagkakasakit o inabot ng katandaan, at ang pananalangin para sa kanya, samakatwid siya ang may karapatan sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa lahat ng bagay sa mundong ito, kahit pa man siya ay nakagagawa ng pagtatambal sa Allah at malaking kasalanan, samakatuwid kung siya ay isang muslim, may takot sa Allah at malaya sa kasalanan, ang kanyang karapatan ay higit na napakadakila.
PANG-AABUSO SA AMA MALAKING KASALANAN
54- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بنِ عَمْرٍو رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُما، عَنِ النَّبِيِّ  صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قالَ: "رِضَا الرَّبِّ فِيْ رِضَا الْوَالِدِ، وَسَخَطُ الرَّبِّ فِيْ سَخَطِ الْوَالِدِ".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 1899، صححه الألباني).
54- Si Abdullah ibn Am'r (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Ang kaluguran ng Panginoon ay nasa kaluguran ng ama at ang poot ng Panginoon ay nasa poot ng ama”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1899)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-37 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Hinihiling ng Hadith na ito na sundin ang ama at igalang, sapagka’t ang sinumang sumunod sa kanya ay tunay ngang sinunod ang Allah, at ang sinumang nagpasiklab ng galit niya ay tunay na pinasiklab din niya ang galit ng Allah, kaya’t gayundin ang hatol sa ina, bagkus siya ang higit na karapat-dapat nito.
2. Itinuturo ng Hadith na ito na ang pang-aabuso sa ama o sa ina ay kabilang sa mga malalaking kasalanan.
MARANGAL NA HANAPBUHAY
55- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، يَقُوْلُ:  قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "لأَنْ يَحْتَزِمَ أَحَدُكُمْ حُزْمَةً مِنْ حَطَبٍ؛ فَيَحْمِلَهَا عَلَى ظَهْرِهِ؛ فَيَبِيْعَهَا؛ خَيْرٌ لَهُ مِنْ أَنْ يَسْأَلَ رَجُلاً يُعْطِيْهِ أَوْ يَمْنَعُهُ". (صحيح مسلم، رقم الحديث 107 - (1042)، واللفظ له،  وصحيح البخاري، رقم الحديث 2074)..
55- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinasabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang paghahanap ng isa sa inyo ng isang bigkis na panggatong at pagkatapos ay bubuhatin niya ito sa kanyang likod at ibebenta ay mas mainam para sa kanya kaysa sa namamalimos siya sa ibang tao na maaaring magbigay sa kanya o tumanggi”]. Muslim [Hadith bilang: 107-(1042)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (2074)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Islam ay isang relihiyon na nagtatatag ng masayang pamumuhay sa pamamagitan ng pagtaguyod ng mabuting gawain at paghahanap-buhay mula sa malilinis at marangal na kita,  kung bakit ipinagbawal nito ang pagmamalimos, dahilan sa ito’y nagtutulak sa pagiging hamak at pagsunod sa sariling pithaya, bagkus ito ay isang palatandaan ng kababaan ng loob, kasakiman at katamaran.
2. Lahat ng nagtatrabaho upang kumita ng malinis at marangal na kabuhayan ay sasakanya ang karangalan nito sa Islam, bagkus lahat ng kabutihan na ipinahihintulot ay mapapasakanya ang katanyagan nito kapag siya ay naging mahusay at dalubhasa dito at hindi nagtaguyod ng anumang ipinagbabawal.
3. Hinihikayat ng Islam ang isang Muslim na magtrabaho sa pamamagitan ng malinis at marangal na hanapbuhay upang kumita siya para sa ikabubuhay niya at ng kanyang pamilya, at magkaroon ng malinis at marangal  na pamamaraan na makakatulong sa kanya upang mamuhay ng may dignidad at kapanatagan, sapagka’t ang kawalan ng trabaho, katamaran at pagtatambay ay itinuturing na isang nakasusuklam na bagay sa pananaw ng Islam.
PAGPAPAHABA NG BALBAS UBLIGADO
56- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، عَنِ النَّبيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ،  قَالَ: "أَحْفُوْا الشَّوَارِبَ وَأَعْفُوْا اللِّحَى".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 52- (259)، واللفظ له، وصحيح البخاري، رقم الحديث 5893،).
56- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Inyong putulan ang bigote ninyo at hayaan ang inyong balbas”]. Muslim [Hadith bilang: 52-(259)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (5893)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-11 na Hadith.

 

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Isinasabatas ng Hadith na ito ang pagka-ubligado ng pangangalaga sa balbas at pagpapahaba nito, kaya’t hindi ipinahihintulot ang pag-ahit nito, gayundin ang pagbunot o paggupit nito.
2. Ang buhok na tumutubo sa ibaba ng labi ay itinuturing na kabilang ng balbas.
3. Ipinapahayag ng Hadith na ito ang pagkalehitimo ng paggupit sa bigote, kaya hindi ipinahihintulot sa isang lalaking muslim na hayaan niyang humaba nang husto ang kanyang bigote o ang magkabilang dulo nito; samakatuwid dapat sa kanya ay gupitan niya ang lahat ng kanyang bigote o bawasan lamang ito.

 

 

 


PAGTUSTOS MAY GANTIMPALA
57- عَنْ سَعْدِ بْنِ أَبِيْ وَقَّاصٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، أَنَّ رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "إِنَّكَ لَنْ تُنْفِقَ نَفَقَةً تَبْتَغِيْ بِهَا وَجْهَ اللَّهِ إِلاَّ أُجِرْتَ عَلَيْهَا، حَتَّى مَا تَجْعَلُ فِيْ فَمِ امْرَأَتِكَ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 56، واللفظ له، وصحيح مسلم، جزء من رقم الحديث 5 - (1628)،).
57- Si Saad ibn abi Waqqas (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanan! Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Katotohanan, wala kang naigugugol na isang panustos na iyong hinahangad dito ang Mukha (o ang kasiyahan) ng Allah kundi ikaw ay gagantimpalaan dito, maging ang mismong isinusubo mo sa bibig ng iyong maybahay”]. Al-Bukhari [Hadith Bilang: (56)], Muslim [Hadith Bilang: 5-(1628)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-5 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Napag-aalaman sa Hadith na ito na ang gantimpala ay hindi nakakamit sa pamamagitan ng gawa lamang maliban kung ito ay mayroong dalisay at wagas na layunin upang tuwirang makamit ang mabuting gantimpala at kabayaran mula sa Allah.
2. Binibigyang linaw ng Hadith na ito na ang pag-unawa sa pagsamba ayon sa pananaw ng Islam ay higit na mas malawak, sapagka't kahit ang mga pangkaraniwang bagay na ipinahintulot gawin ng isang tao para sa sariling kasiyahan ay ginagantimpalaan din siya dito, maging ito man ay sa kabuuan ng mga ubligasyon, kung hinangad niya rito ang kaluguran ng Allah.
3. Sa katotohanan, maging ang paglalambingan ng mag-asawa na kadalasan ay nagaganap dahil sa pagtugon sa mga pansariling pangangailangan ay naituturing din na isang mabuting gawain na kung saan ay makakamit dito ang maraming kabutihan mula sa Allah kung hinangad dito ang ng kaluguran ng Allah.
MGA ALITUNTUNIN NG PAGLULUKSA
58- عَنْ أُمِّ عَطِيَّةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا، قَالَتْ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "لاَ يَحِلُّ لِامْرَأَةٍ تُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَاليَوْمِ الآخِرِ، أَنْ تُحِدَّ فَوْقَ ثَلاَثٍ إِلاَّ عَلَى زَوْجٍ؛ فَإِنَّهَا لاَ تَكْتَحِلُ وَلاَ تَلْبَسُ ثَوْبًا مَصْبُوغًا، إِلاَّ ثَوْبَ عَصْبٍ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 5342).
58- Si Ummu `Atiyyah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Propeta () ay nagsabi: “Hindi ipinahihintulot sa isang babaeng naniniwala sa Allah at sa Huling Araw na magluksa nang higit sa tatlong araw maliban sa asawa; sapagka't hindi siya maaaring maglagay ng eyeliner sa mata, ni magsuot ng isang kasuutan na kinulayan maliban sa pangkaraniwang kasuutan”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (5342)].
Ang nag-ulat ng Hadith:
Siya si Nusaybah bint Al-Harith Al-Ansari, ang palayaw niya ay Ummu `Atiyyah. Isa siya sa mga babaeng Sahabi, na nakikibaka sa pakikipaglaban sa landas ng Allah; datapuwa’t siya ay mas kilala sa kanyang palayaw, ang totoong pangalan niya ay Nusaybah bint Al-Harith, bagkus may nakapagsabi na siya si Nusaybah bint Ka`ab.
At dahil si Ummu `Atiyyah ay isang babaeng nakikibaka sa pakikipaglaban sa landas ng Allah, isa sa mga babaeng Sahabi, siya ay nakapitong beses sumabak sa digmaan kasama ng Propeta (), siya ang tumayong tagagamot ng mga sugatan, tagatulong ng mga nasaktan, nagpapainom ng mga nauuhaw at naghahatid ng mga patay papuntang Madinah, ayon sa mismong naiulat niya; si Ummu `Atiyyah Al-Ansari (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nagsabi: [Nakasama ko sa digmaan ang Sugo ng Allah () nang pitong beses; ako ay nagpapaiwan sa kanilang kuta upang magsilbing tagaluto nila ng pagkain at ginagamot ko rin ang mga sugatan at inaalagaan ang mga may sakit]. Muslim [142-(1812)].
Si Ummu Atiyyah Al-Ansari ay isa sa mga dakilang babaeng Sahabi na tinipon ang karangalan ng pagiging kasamahan ng Propeta (), at ang pakikibaka sa pakikipaglaban sa landas ng Allah na kasama siya, gayundin ang pagpapalaganap ng kaalaman at pagtuturo ng batas sa pagitan ng mga Muslim. Ito ay isang karangalan na hindi pa nakamit ng sinuman maliban sa iilan lamang sa mga kababaihang muslim, at siya rin ang nagsagawa ng paligo kay Zainab, anak na babae ng Propeta () sa pagkamatay nito.
At pagkatapos ng kamatayan ng Propeta () ay lumipat si Ummu Atiyyah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) sa Basra, sa huling bahagi ng kanyang buhay, at nakinabang ang mga tao sa kanyang kaalaman, at pagkabihasa sa batas, kaya maraming mamamayan ng Basra, mga Sahabah at Tabi`een, ang nagpapaturo sa kanya tungkol sa mga alituntunin ng Janazah (dasal, paglilibing) at pagpaligo ng patay, at siya ay naitala sa mga aklat ng Sunnah na nakapag-ulat ng (40) na hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang ibig sabihin ng pagluluksa dito ay ang pag-iwas ng isang babaeng nasa panahon ng Iddah (paghihintay) sa lahat ng  pagpapalamuti, maging sa katawan at kasuutan, gaya ng paglalagay ng tina para sa mga pilikmata, paglalagay ng mga kulay at make-up na siyang madalas na ginagamit sa pagpapaganda ng isang babae para sa kanyang asawa, at gayundin ang pabango, alahas at magagarang kasuutan, datapuwa’t walang partikular na kasuutan para sa pagluluksa maging ito man ay makulay o hindi.
2. Dapat sa isang babae ay magluksa para sa kanyang asawa ng apat na buwan at sampung araw, maliban kung siya ay buntis, dahil ang dapat sa kanya ay magluksa hanggang sa maipanganak niya ang kanyang dinadala, sapagka’t magtatapos ang palugit na panahon ng kanyang paghihintay, kapag naipanganak na niya ang kanyang dinadala, siya man ay nasa kalagayan ng diborsiyo o namatayan ng asawa, samakatuwid, kapag naipanganak na niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan; sa gayon ay magtatapos na rin ang palugit na panahon ng kanyang paghihintay, kahit naipanganak pa niya ito bago makumpleto ang siyam na buwan simula sa unang araw ng pagbubuntis niya.
3. At gayundin naman ang babaeng namatayan ng asawa, siya ay magluluksa ng apat na buwan at sampung araw, maging siya man ay naangkin ng kanyang asawa o hindi, pagkatapos ng kasunduang kasal.
4. Ang pagluluksa ng babae maliban sa asawa ay ipinahihintulot at hindi ubligado, kaya’t ang pinakamatagal na pagluluksa ng isang babae maliban sa kanyang asawa ay tatlong araw lamang; samakatuwid ang sinumang namatayan ng anak ay magluluksa lamang ng tatlong araw, at sa panahong ito ay hindi itinatagubilin sa kanya ang anumang itinatagubilin sa isang babaeng nagluluksa sa kanyang asawa, gaya ng pag-iwas nito sa pagpapalamuti, paggamit ng pabango at paglalabas ng bahay.
5. Ang lalaki ay walang panahon ng pagluluksa.
ISLAM RELIHIYON NG HABAG
59- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا: أَنَّ رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: "عُذِّبَتِ امْرَأَةٌ فِيْ هِرَّةٍ رَبَطَتْهَا، حَتَّى مَاتَتْ؛ فَدَخَلَتْ فِيهَا النَّارَ، لاَ هِيَ أطعمَتْها وَسَقَتْها؛ إذْ حَبَسَتْها، وَلاَ هِيَ تَرَكَتْها؛ تَأْكُلُ مِنْ خَشَاشِ الأرْضِ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 3482، واللفظ له، وصحيح مسلم، جزء من رقم الحديث 151 - (2242)،).
59- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanan! Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Naparusahan ang isang babae dahil sa isang pusa na kanyang itinali hanggang sa namatay ito, kaya’t siya ay nakapasok sa Apoy (Impiyerno) dahilan dito, hindi man lang niya pinakain at pinainom habang ikinulong niya ito, bagkus hindi rin niya hinayaang kumain ito ng mga insekto ng lupa”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (3482)], Muslim [Hadith bilang: 151-(2242)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-11 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang pagkulong sa mga hayop ng walang dahilan at hindi pagbigay ng pagkain at inumin sa mga ito ay isang patunay ng katigasan ng puso at kalikasan nito, bagkus isang patunay ng kasamaan ng ugali, kawalan ng habag at awa.
2. Ipinapaliwanag ng Hadith na ito ang laki at bigat ng kasalanan ng mga taong nagpaparusa ng mga hayop at sinasaktan sa pamamagitan ng palo, gayundin ng pagpatay ng walang dahilan; sa katunayan ipinasok ang babaeng ito sa Impiyerno, sapagka’t siya ang naging dahilan ng pagkamatay ng pusang ito.
3. Maaring ikulong ng isang tao ang mga hayop, gaya ng pusa, ibon at iba pang katulad nito, kapag regular nitong binibigyan ng pagkain, inumin at gamot sa sandaling nagkakasakit ito, at gayundin ng mga pangangailangan nito para mabuhay.
4. Pinarurusahan din ang isang tao sa Huling Araw kapag siya ay nagparusa ng isang hayop at napatay niya ito ng walang lehitimong dahilan.


PINAKAMAINAM NA PANALANGIN
60- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:  "مَا مِنْ دَعْوَةٍ يَدْعُو بِهَا الْعَبْدُ أَفْضَلَ مِنْ، اَللَّهُمَّ إِنِّيْ أَسْأَلُكَ الْمُعَافَاةَ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ".
(سنن ابن ماجه، رقم الحديث 3851، وصححه الألباني).
60- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Walang panalangin na idinadalangin ng isang lingkod na mas mainam pa kaysa sa: Allaahumma innee as-aluka Al-mu`afaata fid dunya wal a-khirah (O Allah! Tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kaligtasan sa mundo at sa Huling Araw)”]. Ibn Majah [Hadith bilang: (3851)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Kaaya-aya ang madalas na pagbigkas sa panalanging ito ng buong puso, tigib ng katapatan, kataimtiman, pagsisisi at kapakumbabaan; sapagka't kailanman ay hindi binibigo ng Allah ang magandang akala at panalangin sa Kanya ng isang tao, kaya’t dahil dito makakamit niya ang katiwasayan, kaayusan, kapanatagan, kapayapaan at kaligayahan.
2. Hinihikayat ng Hadith na ito ang isang Muslim sa paggamit ng dakilang panalangin na ito upang iligtas siya ng Allah mula sa lahat ng kapahamakan, kasamaan, pagdurusa, gayundin sa pagkaligaw, pag-uudyok ng demonyo at iba pang mga nakapipinsalang bagay.
3. Ang kahulugan ng “Mu`afaat” ay ang pangangalaga ng Allah, pagliligtas Niya, pagkalinga at pagtulong Niya, samantalang ang “Mu`afah” ay yaong nagtatamasa ng katiwasayan, kaligtasan at kaligayahan. Samakatuwid ang katotohanan nito ay ang pangangalaga ng Allah sa isang tao mula sa lahat ng nakasusuklam at nakapipinsala sa kanya maging sa panig ng kanyang pananampalataya, at ng kanyang buhay sa mundong ito at  sa Huling Araw.

 


PAGTATANGGOL SA SARILI
61- عَنْ سَعِيْدِ بْنِ زَيْدٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "مَنْ قُتِلَ دُوْنَ مَالِهِ؛ فَهُوَ شَهِيْدٌ، وَمَنْ قُتِلَ دُوْنَ أَهْلِهِ، أو دُوْنَ دَمِهِ، أو دُوْنَ دِيْنِهِ؛ فَهُوَ شَهِيْدٌ".
(سنن أبي داود، رقم الحديث 4772، واللفظ له، وجامع الترمذي، رقم الحديث 1421، وسنن النسائي، رقم الحديث 4095، وسنن ابن ماجه، رقم الحديث 2580، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن صحيح، وصححه الألباني).
61- Si Saed ibn Zaid (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Ang sinumang napatay dahil sa kanyang kayamanan, samakatuwid siya ay isang martir, bagkus ang sinumang napatay dahil sa pagtatanggol sa pamilya niya o sa pagdanak ng kanyang dugo, o dahilan sa kanyang relihiyon; sa gayon siya ay isang martir”]. Abu Daud [Hadith bilang: (4772)], At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1421)], An-Nasai [Hadith bilang: (4095)], Ibnu Majah [Hadith bilang: (2580)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abul A’war, Saed ibn Zaid Al-Adawi Al-Qurashi, isa sa mga marangal at mabuting Sahabi, siya ay ipinanganak sa Makkah taong ika-22 bago ang paglikas patungo sa Madina, at di nagtagal ay lumikas siya patungong Madinah, at lahat ng digmaan ay kanyang nasaksihan maliban sa labanan sa Bad’r dahil siya ang kinatawang nagtitiktik sa mga kaganapan patungkol sa isang karawan (o caravan) na bumabaybay patungong Sirya (o Syria), at isa siya sa lipon ng sampung binalitaan ng magandang balita na makakapasok ng Paraiso, at siya ay isa rin sa mga naunang yumakap sa Islam kasama ang kanyang asawa na si Ummu Jamil, Fatimah bint Al-Khattab.
Si Saed ay lumikas sa Madinah at nasaksihan niya ang labanan sa Uhod at iba pang mga labanan pagkatapos nito, siya ay wala noon sa Madinah sa panahon ng labanan sa Bad’r kung kaya’t hindi niya ito nasaksihan, gayunpaman naipukol pa rin ng Sugo ng Allah () ang kanyang palaso sa araw ng labanan sa Bad’r na kung saan ay naroon siya sa Sirya, dahil sa isang misyon na kung saan ay ipinadala siya ng Propeta () para maniktik sa mga kaganapan tungkol sa karawan ng Quraish na bumabaybay patungong Sirya, at siya ay naitala sa mga aklat ng Sunnah na nakapag-ulat ng (48) na Hadith.
Siya (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay binawian ng buhay sa Aqeeq taong ika-51 sa Hijri, datapuwa’t may nakapagsabi na sa ika-52 sa Hijri, at siya ay dinala patungong Madinah na buhat lamang ng mga kalalakihan sa kanilang mga balikat.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1.    Nararapat sa isang Muslim na ipagtanggol ang kanyang sarili at pamilya, gayundin ang kanyang malalapit na kamag-anak gaya ng kanyang ina, anak na babae, kapatid na babae at ang kanyang asawa, o ang kanyang kayamanan sa lahat ng mang-aabuso rito, datapuwa’t marapat na ipagtanggol ang mga ito sa pinakamadaling paraan, nguni’t kung hindi kayang pigilin ang nang-aabuso maliban na lamang sa pamamagitan ng pagpatay, sa gayon ay maaaring patayin siya ng inaabuso niya, at hindi ito mapapatawan ng kamatayan o ng blood maney, ni ng anumang katumbas na kabayaran, sapagka’t siya ay pinahintulutan ng batas ng Islam sa pagpatay nito, samantalang ang napatay na nang-aabuso ay mahaharap sa matinding kaparusahan sa Impiyerno, at ang inabuso naman kung sakaling siya ay napatay, samakatuwid siya ay isang martir sa kapahintulutan ng Allah.
2.    Ipinapahiwatig ng Hadith na ito na ang isang taong Muslim ay kagalang-galang sa kanyang pagkatao, pananampalataya, kayamanan at sa kanyang pamilya; kaya kapag inabuso ang alinman sa mga iyon, ipinahintulot sa kanya na ipagtanggol ito, at kung sakaling siya ay napatay dahilan dito, magkagayon siya ay isang martir.
3.    Ang kahulugan ng Hadith na ito ay ang sinumang napatay sa pagtatanggol sa kanyang kayamanan, o sa kanyang pamilya at malapit na kamag-anak, o sa kanyang sarili, o napatay sa pagsuporta sa relihiyon ng Allah at sa pagtatanggol dito, siya ay isang martir at sasakanya ang kahatulang nakaugnay sa mga martir patungkol sa gantimpala sa Huling Araw.

 


KASAMAAN NG PAGKAMKAM NG LUPAIN
62- عَنْ سَعِيْدِ بْنِ زَيْدٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ سَمِعْتُ رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُوْلُ: "مَنْ ظَلَمَ مِنَ الْأَرْضِ شَيْئًا طُوِّقَهُ مِنْ سَبْعِ أَرَضِينَ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 2452، واللفظ له،  وصحيح مسلم، رقم الحديث 137 - (1610)،).
62- Si Saed ibn Zaid (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Narinig ko ang Sugo ng Allah na nagsasabi: “Ang sinumang nagkamkam ng kahit katiting na lupain ay ipasusuot ito sa kanyang leeg sa pitong kalupaan”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (2452)], Muslim [Hadith bilang: 137-(1610)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-61 na Hadith.


Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Islam ay nag-aanyaya sa pangangalaga ng mga karapatan at mga ari-arian, at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkamkam ng mga lupain at ari-arian.
2. Itinatagubilin ng Hadith na ito na ang sinumang nakapagmamay-ari sa ibabaw ng isang lupain ay pagmamay-ari din niya ang mga nasa ilalim nito gaya ng mga batong nakapirmi, mga gusali, mga riles at iba pa, at malaya siyang humukay ng malalim hanggang nais niya sa kundisyon na hindi ito makapipinsala sa mga nakapaligid sa kanya.
3. Nararapat sa isang Muslim na manatiling sumusunod lamang sa mga katuruan ng relihiyon ng Allah na ang Islam, at huwag niyang kunin ang ari-arian ng ibang tao sa pamamagitan ng pagnanakaw, pagkamkam, pandadaya o panlilinlang o suhol.
4. Ang kahulugan ng Hadith na ito: Sa Araw ng Pagkabuhay Muli ay uubligahin ang nagkamkam ng lupain na ilipat niya ang lahat ng kanyang kinamkam sa lugar na kung saan gaganapin ang paghuhukom, at ito’y magiging katulad ng isang kwelyo sa kanyang leeg, bagkus maaaring sabihin na uubligahin siyang gawin niya itong isang kwelo para sa kanya, datapuwa’t hindi niya ito makakaya; kaya siya ay parurusahan dahil dito, at maaari din namang sabihin na ang pagsasakwelo nito ay pagsasakwelo ng kasalanan, kaya ang magiging kahulugan ng pandarayang nabanggit ay ang mananatili sa kanyang leeg na pasaning kasalanan, at mayroon ding nakapagsabi na ang kahulugan nito ay guguho sa kanya ang lupa; kaya ang kinamkam na lupain ay magiging isang kwelo na pupulupot sa kanyang leeg at palalakihin ito ayon sa sukat ng kanyang leeg para tumugma.

 


PAGKAHUMALING SA KAYAMANAN
63- عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ  رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،  قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "يَكْبُرُ ابْنُ آدَمَ، وَيَكْبُرُ مَعَهُ اثْنَتَانِ: حُبُّ الْمَالِ، وَطُوْلُ الْعُمْرِ".  
(صحيح البخاري، رقم الحديث 6421، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 115 - (1047)،).
63- Si Anas ibn Malik (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang anak ni Adam ay lumalaki, datapuwa’t lumalaki rin kasabay niya ang dalawang bagay: Ang pagkahumaling sa kayamanan at pagkaroon ng mahabang buhay”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (6421)], Muslim [Hadith bilang: 115-(1047)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-3 na Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang malinis na kayamanan ay may dakilang kahalagahan sa panig ng Islam, sadyang maraming uri ng pagsamba ang isinabatas ng Allah na isinaalang-alang dito gaya ng Zakah (kawanggawa), Hajj (pagsasagawa ng Hajj at pakikipaglaban sa landas ng Allah, at sa pamamagitan nito ay naitataguyod ng mga tao ang kanilang kabuhayan at mga pangangailangan; kaya dahilan dito ay hindi ipinag-utos ng Islam ang pagkalas o pagtakwil sa kayamanan, bagkus nagbigay babala ito sa pagiging abala dito sa halip na sa pagsunod sa Allah, at gayundin na pinintasan nito ang pagiging masigasig sa pagtipon ng kayamanan kapag ito hahantong sa malaking kaguluhan.
2. Sa tuwing nadadagdagan ang edad ng isang tao sa pagsunod sa Allah ay nadadagdagan din ang kanyang pagpapalapit sa Allah, bagkus nadadagdagan din ang taas ng kanyang antas sa Kabilang Buhay, sapagka’t  sa bawa’t gawain na ginagawa niya na nagsisilibing nagdadagdag ng kanyang edad ay nakapagpapalapit sa kanya sa Allah.
3. Ang kusang paghaba lamang ng buhay ay hindi mabuting bagay para sa isang tao, maliban kung pinabuti niya ang kanyang gawa ayon sa mga katuruan ng Islam, kung bakit minamasama ang maging masigasig na manatili sa mundong ito ng mahabang panahon ng may pagtalikod sa relihiyon ng Allah, subali’t kung siya ay naging masigasig sa pagkaroon ng mahabang buhay habang gumagawa ng mabuting gawain ng may paghahangad ng kabutihan at patnubay, at paghahangad ng mga nakabubuti sa mga tao ay napakaganda.

 

 

PAGGUNITA PAGKATAPOS NG SALAH
64- عَنْ عَائِشَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهَا، قَالَتْ: كَانَ النََّبِيُُ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا سَلَّمَ، لَمْ يَقْعُدْ، إِلاَّ مِقْدَارَ مَا يَقُوْلُ: "اَللَّهُمََّ أَنْتَ السََّّلاَمُ وَمِنْكَ السََّّلامُ، تَبَارَكْتَ يَا ذَا الْجَلالِ وَالاِكْرَامِ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 136 - (592)، ).
64- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Nakaugalian ng Propeta () na kapag siya ay nakapagsagawa ng Tasleem (sa Salah) ay hindi umuupo maliban sa tagal na halos katumbas ng kanyang sinasambit: “Allaahumma antas Salaam, wa minkas salaam, tabaarakta ya dhal jalaali wal ikram (O Allah! Ikaw ang kapayapaan at sa Iyo nagmumula ang kapayapaan, Ikaw ay tigib ng pagpapala o nag-aangkin ng Kapita-pitagan at Karangalan)”]. Muslim [Hadith bilang: 136-(592)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-16 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang pagkalehitimo ng pagtayo ng Imam mula sa kanyang lugar na pinagdasalan pagkatapos niyang maisagawa ang Tasleem, sapagka’t ang naturang Hadith ay pangkalahatan, at ang panglabas nitong kahulugan tunay ngang ang Sugo ng Allah () ay hindi nananatiling nakaupo sa kanyang bahay dasalan na pinagdasalan maliban na kasing tagal lamang ng pagsasabi niya ng: “Allaahumma antas salaam, wa minkas salaam, tabaarakta ya dhal Jalaali wal Ikram” upang mabilis siyang makatayo mula sa kanyang kinauupuan at ng makaalis kaagad, datapuwa’t mayroon sa mga eskolar (Sumakanila nawa ang habag ng Allah) ang nagsabi: Na binibigkas ng Sugo ng Allah () ang Dhikr na ito habang ang kanyang mukha ay nakaharap sa Qiblah bago pa man siya tuluyang humarap sa mga tao, ang Allah ang Siyang higit na nakakaalam.
2. Katotohanang napakaraming Dhikr at panalangin ang napatunayan mula sa Propeta () na bininigkas pagkatapos ng mga ubligadong pagdarasal alinsunod sa iba’t ibang kundisyon at kalagayan, at ang ilan dito ay ang Dhikr na ito: “Allaahumma antas salaam, wa minkas salaam, tabaarakta ya dhal Jalaali wal Ikram”, bagkus mayroon ding tumpak na Hadith ang nagsasaad na ang Sugo ng Allah () ay nagbibigkas ng “Astagfirullah” nang tatlong beses, at pagkatapos ay magsasabi ng “Allaahumma antas salaam, wa minkas salaam, tabaarakta ya dhal Jalaali wal Ikram”. Muslim [Hadith bilang: 135-(591)].
3. “Allaahumma antas salaam”, ang Salam na nabanggit dito ay isa sa mga Pangalan ng Allah na ang ibig sabihin nito: (O Allah! Ikaw ay malaya sa lahat ng mga kapintasan, kasiraan at lahat ng kakulangan, at gayundin ng lahat ng hindi naaangkop sa Iyong Kamahalan. “Wa minkas salaam”, ang kahulugan ng Salam dito ay: O Allah! Ikaw ang nagkakaloob ng kapayapaan, at ang kahulugan ng “Al-Jalal” ay: ang Tigib ng Kadakilaan, samantalang ang kahulugan naman ng “Al-Ikram” ay: Ang Sukdulan sa Kabutihan.

 

PAGHARAP NG IMAM SA MGA TAGA-SUNOD PAGKATAPOS NG SALAH
65- عَنْ سَمُرَةَ بْنِ جُنْدَبٍ قَالَ: كَانَ النََّبِيُُ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا صَلَّى صَلاَةً أَقْبَل عَلَيْنَا بِوَجْهِهِ.
(صحيح البخاري، رقم الحديث 845، واللفظ له، وصحيح مسلم، جزء من رقم الحديث 23 - (2275)،).
65- Si Samurah ibn Jundab ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Nakaugalian ng Propeta () na kapag siya ay nakapagsagawa ng isang pagdarasal ay humaharap siya sa amin sa kanyang mukha”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (845)], Muslim [Hadith bilang: 23-(2275)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-30 na Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nakabubuti sa Imam na kapag nakapagsagawa na siya ng Tasleem sa kanyang pagdarasal ay lumingon siya sa kanyang mga tagasunod at humarap sa kanila pagkatapos niyang mabigkas ang: “Astagfirullah, Astagfirullah, Astagfirullah” at pagkatapos na rin niyang mabigkas ang: “Allaahumma antas salaam, wa minkas salaam, tabaarakta ya dhal Jalaali wal Ikram”.
2. Mayroon sa mga eskolar (Sumakanila nawa ang Habag ng Allah) ang nagsabi: Kinasusuklaman para sa Imam na manatiling nakaupo sa kanyang kinaroroonan sa bahay dasalan pagkatapos na maisagawa ang pagdarasal sa aktong pagdarasal, datapuwa’t nawawala ang pagkasuklam nito sa pamamagitan ng pagbago ng posisyon at pagharap sa mga kasamahang nagdarasal.
3. Ang pagtalikod ng Imam sa mga kasamahan niyang nagdarasal ay natatanging karapatan lamang ng namumuno sa Salah, kaya kapag naisagawa na ang Salah ay nawawala na rin ang kadahilanan nito, sa gayon ay nararapat sa Imam na humarap sa kanila upang madali para sa kanya ang pagtuturo sa kanila sa mga kinakailangan nilang matutunan mula sa mga bagay na kaugnay sa kanilang pananampalataya at buhay sa mundo.


PAGPUNTA NG BABAE SA MASJID
66- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، أَنَّ رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:  "لاَ تَمْنَعُوا إِمَاءَ اللَّهِ  مَسَاجِدَ اللَّهِ".
 (صحيح مسلم، رقم الحديث 136 - (442)، واللفظ له، وصحيح البخاري، رقم الحديث 900).
66- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanan, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Huwag ninyong pigilin ang mga kababaihan na alipin ng Allah sa pagpunta nila sa mga tahanan ng Allah (Masjid)”]. Muslim [Hadith bilang: 136-(442)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (900)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-11 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang pagkalehitimo ng pagpunta ng mga kababaihan sa mga Masjid upang magsagawa ng Salah kasama sa lipon ng mga kalalakihan, na kahit pa man ang Salah niya sa kanyang tahanan ay higit na mabuti at mainam, batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (): [“Huwag ninyong pagbawalan ang inyong mga kababaihan sa pagpunta sa mga Masjid, kahit pa man ang kanilang mga tahanan ay higit na mabuti para sa kanila”]. Abu Daud [Hadith bilang: (567)].
2. Isinasabatas ng Hadith na ito na pahintulutan ng lalaki ang asawa niyang babae kapag ito ay nagpaalam sa kanya sa pagpunta sa Masjid upang magsagawa roon ng Salah kapag siya ay ligtas sa anumang tukso (o kaguluhan).
3. Hindi ipinapahintulot ang paglabas ng babae patungo sa Masjid kapag siya ay nagpahid ng pabango o mayroon siyang nakabibighaning palamuti, batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (): “Kapag nagpunta ang isa sa inyo sa Masjid, sa gayon ay huwag kayong magpahid ng pabango”. Muslim [Hadith bilang: 142-(443)].


PAGPUPUNAS SA SAPATOS
67- عَنِ المُغِيْرَةِ بْنِ شُعْبَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ:  كُنْتُ مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِيْ سَفَرٍ؛ فَأَهْوَيْتُ لِأَنْزِعَ خُفَّيْهِ؛ فَقَالَ: "دَعْهُمَا؛ فَإِنِّيْ أَدْخَلْتُهُمَا طَاهِرَتَيْنِ"؛  فمَسَحَ عَلَيْهِمَا.
(صحيح البخاري، رقم الحديث 206، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 80 - (274)،).
67- Si Al-Mugirah ibn Shu`ba (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Nakasama ko ang Propeta () sa isang paglalakbay, at tinangka kong hubarin ang kanyang magkabilang Khuf (kasuutan sa paa), datapuwa’t kanyang sinabi: “Hayaan mo na lamang iyan, sapagka’t isinuot ko ang mga ito na malilinis”, at pagkatapos ay pinahiran niya ang mga ito].  Al-Bukhari [Hadith bilang: (206)], Muslim [Hadith bilang: 80-(274).
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-35 na Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang pinatutukuyan sa Khuf ay ang anumang isinusuot sa paa na yari mula sa balat at katulad nito.
2. Ipinapahayag ng Hadith na ito ang pagkalehitimo ng pagpupunas sa Khuf, kaya isinasatungkulin ang pagpupunas sa Khuf maging ito man ay nasa paglalakbay o hindi nasa paglalakbay, sa panahon ng tag-init man o taglamig, datapuwa’t isinasakundisyon ang pagpapahintulot sa pagpupunas ng Khuf kung ito ay isinuot ng isang Muslim habang siya ay nasa ganap na kalinisan (o nakapagsagawa ng Wudu’). Ito ang piniling opinyon ng nakakarami sa mga pantas at eskolar (Sumakanila nawa ang habag ng Allah).
3. Ang takdang panahon ng pagpupunas sa Khuf ay magsisimula sa unang pagpunas pa lamang pagkatapos na mawalan ng bisa ang unang Wudu’, kaya para sa hindi naglalakbay ay isang araw at isang gabi, ibig sabihin ay (24) na oras, at para naman sa isang naglalakbay ay tatlong araw at gabi, ibig sabihin ay (72) oras.


PAGPUPUNAS SA MEDYAS
68- عَنِ المُغِيْرَةِ بْنِ شُعْبَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ:  تَوَضَّأَ النَّبِيُّ صَلَّى الله عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَمَسَحَ عَلَى الجَوْرَبَيْنِ والنَّعلينِ.
(جامع الترمذي، رقم الحديث 99، واللفظ له، وسنن أبي داود، رقم الحديث 159، وسنن النسائي، رقم الحديث 125( م)، وسنن ابن ماجه، رقم الحديث  559، قال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن صحيح، وصححه الألباني).
68- Si Al-Mugirah ibn Shu`ba (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Propeta () ay nakapagsagawa ng Wudu’, nang nagpahid lamang siya sa dalawang medyas at sapatos]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (99)], Abu Daud [Hadith bilang: (159)], An-Nasai [Hadith bilang: (125)], Ibnu Majah [Hadith bilang: (559)].  
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-35 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan ng Hadith na ito:
1. Ang pinatutukuyan sa “Al-Jawrab” ay ang anumang isinusuot sa paa na yari mula sa koton at katulad nito.
2. Itinuturo ng Hadith na ito ang pagkalehitimo ng pagpupunas sa medyas, kaya isinasabatas ang pagpupunas dito maging sa paglalakbay o hindi naglalakbay, sa tag-init man o sa taglamig, sa kundisyon na ito ay makapal at mahigpit na kung saan ay nababalot ang mga paa ng hindi na kailangang higpitan, kaya walang pag-aalinlangan na walang pagkakaiba ang medyas at ang khuf na maaaring makakaapekto, sapagka't kapwang isinusuot ang mga ito sa paa, kung kaya’t kabilang sa mga kundisyon ng pagpupunas sa medyas ay ang maging makapal ito, mahaba, mahigpit at nakatatakip, sapagka’t kung manipis ito ay hindi ipinapahintulot ang pagpupunas dito, dahil ang maging kalagayan nito ay katulad din ng walang takip, gayundin naman na isinasakundisyon ang pagpapahintulot sa pagpupunas ng medyas na kailangang isuot ito ng isang Muslim habang siya ay nasa ganap na kalinisan, at ito ang siyang piniling opinyon ng karamihan sa mga eskolar.
3. Ang takdang panahon ng pagpupunas sa medyas ay magsisimula sa unang pagpunas pa lamang pagkatapos na mawalan ng bisa ang unang Wudu’, kaya para sa hindi naglalakbay ay isang araw at isang gabi, ibig sabihin ay (24) na oras, at para naman sa isang naglalakbay ay tatlong araw at gabi, ibig sabihin ay (72) oras.
NAWAWALANG BAGAY SA HAJJ
69- عَنْ عَبْدِ الرَّحْمَنِ بْنِ عُثْمَانَ التََّيْمِيِّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، أَنَّ رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ نَهَى عَنْ لُقَطَةِ الْحَاجِّ.
(صحيح مسلم، رقم الحديث 11 - (1724)، ).
69- Si Abdul Rahman ibn Uthman Al-Taimi (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanang ipinagbawal ng Sugo ng Allah () na kunin ang nawawalang bagay ng isang nagsasagawa ng Hajj]. Muslim [Hadith bilang: 11-(1724)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abdul Rahman ibn Uthman Al-Qurashi Al-Taimi, isa siya sa mga Sahabi (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah), katotohanang siya ay yumakap sa Islam sa araw ng Al-Hudaibiyya, kaya’t kasama siyang nanumpa ng katapatan sa Propeta (), datapuwa’t may nakapagsabi na ito ay naganap sa araw ng pagsakop sa Makkah, at ang unang nasaksihan niya na labanan ay ang tinaguriang “Umrah Al-Qada”, at pagkatapos ay sumunod na kanyang nasaksihan ang labanan sa Yarmuk.
Siya (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay napatay sa Makkah taong ika-73 sa Hijri.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang “Laqtah” sa islamikong pakahulugan ay ang anumang natagpuan na isang kagalang-galang na karapatang nawawala, hindi alam ng nakapulot kung sino ang nagmamay-ari nito, o di kaya ay isang paka-iingatan na kayamanan  na nahaharap sa pagkawala. Bagkus may nagsasabing kasalungat nito.
2. Ang hatol sa “Laqtah” o sa isang bagay na nawawala sa lahat ng bansa sa buong mundo maliban sa Al-Haram (o sa Makkah) ay marapat niyang ipagtatanong ito sa loob ng isang taon, at pagkatapos nito ay maaari na niyang pakikinabangan ito, datapuwa’t kapag ang isang bagay na napulot ay hindi naman gaanong napakalaga, o isang bagay na madaling masira, sa gayon ay hindi na niya kailangan pang ipagtatanong ito.
3. Hindi ipinapahintulot sa kaninuman na kumuha ng anumang nawawalang bagay sa Al-Haram (o sa Makkah), maliban na lamang kapag siya ay nangangamba sa pagkasira o pagkawala nito, sa gayon ay ipagtatanong niya ito habang siya ay nasa Makkah, at kapag nais na niyang umalis o lumabas mula rito ay kinakailangan niyang ibigay ito sa mga kinauukulan doon, sapagka’t hindi ipinapahintulot sa kanya na angkinin ito sa anupamang kadahilanan, at hindi rin ipinapahintulot na kunin ito, maliban sa sinumang nais na ipagtatanong ito habang nabubuhay, batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (): [“At hindi kinukuha ang anumang nawawalang bagay dito maliban sa sinumang ipagtatanong ito”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (1834)].

 


MGA TAO NG IMPIYERNO
70- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "ضِرْسُ الْكَافِرِ أَوْ نَابُ الْكَافِرِ مِثْلُ أُحُدٍ، وَغِلَظُ جِلْدِهِ مَسِيرَةُ ثَلاَثٍ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 44 - (2851)، ).
70- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang isang bagang (ngipin), o pangil ng isang hindi sumasampalataya ay katulad (sa laki) ng bundok ng Uhod, at ang kapal ng kanyang balat ay kasing lawak ng lalakarin ng tatlong (araw)”]. Muslim [Hadith bilang: 44-(2851)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinalaga ng Allah ang kasamaan at ang lahat ng uring matitinding kaparusahan sa Impiyerno, sapagka’t ang Impiyerno ang siyang tahanan ng kaparusahan sa Huling Araw na ipinangako ng Allah sa mga hindi sumasampalataya, mapagkunwari at mga suwail, kaya humiling tayo sa Allah ng kaligtasan at kaayusan.
2. Ang mga mananahan sa Impiyerno ay hindi mananatili sa kanilang mga sariling anyo sa mundo, bagkus ang kanilang mga katawan ay lalaki, at madadagdagan ang kanilang tangkad at lapad ng pangangatawan, kaya ang kanilang mga katawan ay magiging pagkalaki-laki, bagkus ang katawan ng isa sa kanila ay magiging mas malaki pa kaysa sa mga dambuhalang bundok, at gayundin ang kanilang mga ngipin, mga ulo at mga balat, at ang lahat ng ito walang iba kundi upang malasap lamang nila ang matinding kaparusahan.
3. Ang kaparusahan ng mga hindi sumasampalataya sa Impiyerno ay hindi tumitigil at hindi gumagaan, bagkus ito ay tuloy-tuloy magpakailanman, at isasalang sila ng Allah sa iba’t ibang uri ng kaparusahan, at darating sa kanila ang kamatayan mula sa iba’t ibang lugar, subali’t hindi na sila namamatay, kaya hindi na lalabas ang kanilang mga kaluluwa upang makapagpahinga lamang.


PAGLALARAWAN SA IMPIYERNO
71- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:  "يُؤْتَى بِجَهَنَّمَ يَوْمَئِذٍ لَهَا سَبْعُوْنَ أَلْفَ زِمَامٍ، مَعَ كُلِّ زِمَامٍ سَبْعُوْنَ أَلْفَ مَلَكٍ يَجُرُّوْنَهَا".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 29 - (2842)، ).
71- Si Abdullah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Dadalhin ang Impiyerno sa araw na yaon (Pahuhukom) na mayroong 70,000 na mga kadina, at sa bawa’t kadina ay may 70,000 na mga Anghel ang humihila nito”]. Muslim [Hadith bilang: 29-(2842)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-2 na Hadith.


Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinapahiwatig ng Hadith na ito ang tungkol sa kalabisan ng dambuhalang sukat ng Impiyerno, na ito ay labis na napakalawak, kakila-kilabot at katakot-takot.
2. Katotohanang nilikha ng Allah ang Apoy ng Impiyerno, at ito’y itinalaga Niya bilang paglalagakan para sa mga hindi sumasampalataya, sa mga salarin at mga suwail na sumasalungat sa Kanyang relihiyong Islam at sa mga katuruan nito, at pinuno Niya ito ng Kanyang galit at poot, at nilagyan pa ng iba’t ibang mga uri ng kaparusahan.
3. Ang Hadith na ito ay naghihikayat sa pagtatakda ng mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso, at maging maingat sa pagkakasadlak sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Apoy (Impiyerno), at ito ay ang paglayo sa Islam na relihiyon ng Allah at sa mga katuruan nito.

 

PAGKABUHAY NA MULI
72- عَنْ جَابِرٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ:  سَمِعْتُ النََّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُوْلُ: "يُبْعَثُ كُلُّ عَبْدٍ عَلَى مَا مَاتَ عَلَيْهِ". (صحيح مسلم، رقم الحديث 83 - (2878)، ).
72- Si Jabir (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Narinig ko ang Sugo ng Allah () na nagsasabi: “Muling bubuhayin (sa Araw ng Paghuhukom) ang bawa’t alipin ayon sa kalagayan ng kanyang pagkamatay”]. Muslim [Hadith bilang: 83-(2878)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-22 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nararapat na paniwalaan na ang lahat ng nagagawa ng tao sa mundong ito, maging mabuti man o masama ay mapapasakanya ang mga resulta nito, kaya’t ang bawa’t tao ay makakamtan niya ang kanyang gantimpala sa Huling Tahanan ayon sa kanyang nagawa.
2. Nararapat sa bawa’t tao na matakot sa kanyang mga kasalanan, sapagka’t ito ay magdudulot ng kasamaan sa kanyang buhay at pagkatapos ng kanyang kamatayan.
3. Titipunin ang lahat ng tao sa Araw ng Pagbabangong Muli ayon sa kung ano ang mayroon sa kanila sa mundong ito na pananalig, gawain at pag-uugali.

 

 

 

DATILES NAKAKAPAWI NG GUTOM
73- عَنْ عَائِشَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهَا، أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ ، قَالَ: "لاَ يَجُوْعُ أَهْلُ بَيْتٍ عِنْدَهُمُ التَّمْرُ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 152 - (2046)، ).
73- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanang ang Propeta () ay nagsabi: “Hindi magugutom ang isang sambahayan na mayroong Tam’r (datiles)”]. Muslim [Hadith bilang: 152-(2046)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-16 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Hinihikayat ng Hadith na ito ang tao na maglagak ng datiles sa kanilang mga tahanan para sa kanyang sarili at sa pamilya niya na kanyang pinapakain.
2. Ang Hadith na ito ay nagpapahiwatig tungkol sa kawalan ng gutom na mararanasan ng mga taong nasa isang tahanan na kumakain ng datiles.
3. Katotohanang mayroon sa mga eskolar (Sumakanila nawa ang habag ng Allah) ang nagsabi: Kapag nagbago ang kalagayan ng mga tao at ang pagkain nila ay nagbago na rin maliban pa sa datiles, sa gayon ay hindi umaakma sa kanila ang Hadith na ito. Sapagka’t katotohanang ang Sugo ng Allah () ay nagpabatid sa mamamayan ng Madinah tungkol sa kanilang kalagayan na sila ay makakaranas ng gutom kapag wala silang naitatagong datiles, dahil nakasanayan na nilang kumain ng datiles, bagkus ito ang pangunahing pagkain nila, ganito ang kanilang pagkakasabi. Ngunit ang sarili ay hindi panatag dito, sapagka’t pinawawalang bisa nito ang lahat ng mga katangian ng datiles, bagkus itinuring nito na katulad lamang ito ng anumang ibang pangunahing pagkain sa ibabaw ng mundo na walang angking partikular na katangian. Ang Allah ang higit na nakaaalam.

 

DAGLIANG PAGBABALIK-LOOB
74- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ تَابَ قَبْلَ أَنْ تَطْلُعَ الشَّمْسُ مِنْ مَغْرِبِهَا، تَابَ اللَّهُ عَلَيْه". (صحيح مسلم، رقم الحديث 43 - (2703)، ).
74- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang nagbalik-loob (sa Allah) bago pa mang sumikat ang araw mula sa pinaglulubugan nito ay patatawarin siya ng Allah”]. Muslim [Hadith bilang: 43-(2703)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang kahulugan ng “At-Tawbah” sa islamikong pakahulugan ay ang pagbalik mula sa pagsuway sa Allah tungo sa pagsunod sa Kanya batay sa mga katuruan ng Islam, at ang Hadith na ito ay naghihikayat ng dagliang pagbabalik-loob sa Allah mula sa lahat ng kasalanan, subali't hindi ito matatanggap  sa Allah maliban kung maisaalang-alang ang mga kahilingan nito:
1- Na ang pagbabalik-loob ay wagas para sa kaluguran ng Allah, samakatuwid huwag maghangad dito ng anumang makamundong bagay o papuri ng mga tao.
2- Ang tuluyang pagtalikod sa kasalanan.
3- Ang madamang nagsisisi sa paggawa nito.
4- Ang masidhing pagpapasya na hindi na babalikan ito.
5- Ang pagbalik o pagsauli ng mga karapatan sa mga nagmamay-ari nito, kung ang kasalanan ay nakaugnay sa mga karapatan ng ibang tao.
6- Na mangyari ito bago ang pagsikat ng araw mula sa kanluran nito.
7- Na mangyari ito bago dumatal ang mga palatandaan ng kamatayan.
2. Nararapat sa bawa’t nagkakasala na magbalik-loob agad sa Allah, na kahit pamang paulit-ulit siyang nasasadlak sa pagkakasala, sapagka't kung siya ay nagbalik-loob at nagsisi sa bawa’t kasalanang nagawa niya nang wastong pagbabalik-loob ay patatawarin siya ng Allah.
3. Katotohanang ang pagsikat ng araw mula sa kanluran nito ay isa sa mga palatandaan ng Allah na nagpapahiwatig ng sukdulang kapangyarihan Niya, at isa rin ito sa mga malalaking palatandaan ng paggunaw sa mundo, bagkus hindi ito sanhi ng anumang depekto na tumatama sa pag-ikot ng lupa o mundo gaya ng inaakala ng ibang tao.

 

 

 

 

 


PANUNUMPA SA PAGBEBENTA
75- عَنْ أَبِيْ قَتَادَةَ الْأَنْصَارِيِّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، أَنَّهُ سَمِعَ رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: يَقُوْلُ: "إِيَّاكُمْ وَكَثرَةَ الْحَلِفِ فِي الْبَيْعِ؛ فَإِنَّهُ يُنَفِّقُ ثُمََّ يَمْحَقُ". (صحيح مسلم، رقم الحديث 132 - (1607)، ).
75- Si Abu Qatada Al-Ansari (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Tunay ngang narinig niya sa Sugo ng Allah () na nagsasabi: “Maging maingat sa madalas na panunumpa sa pagbebenta, sapagka't katotohanang ito ay nagtutulak sa pagiging mapagkunwari at pagkatapos ay pinapawi nito ang biyaya”]. Muslim [Hadith bilang: 132-(1607)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-8 na Hadith.

 

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang kabawalan ng panunumpa sa pagtitinda at pamimili kung hindi naman ito kailangan.
2. Nararapat sa isang mangangalakal na muslim na maging masigasig sa lahat ng marangal at malinis na kita at hanapbuhay sa pamamagitan ng lehitimong pamamaraan alinsunod sa mga katuruan ng Islam, at na matakot siya sa Allah sa kanyang sarili at huwag madalas manumpa.

 

 


 
PANUNUMPA SA IBA BUKOD SA ALLAH
76- عَنْ عَبْدِ الرَّحْمَنِ بْنِ سَمُرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "لاَ تَحْلِفُوْا بِالطَّوَاغِيْ، وَلاَ بِآبَائِكُمْ". (صحيح مسلم، رقم الحديث 6 - (1648)، ).
76- Si Abdul Rahman ibn Samurah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Huwag kayong manumpa sa mga diyus-diyusan, at maging sa inyong mga ninuno”]. Muslim [Hadith bilang: 6-(1648)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Saed, Abdul Rahman ibn Samurah Al-Qurashi, isa siya sa lipon ng mga Sahabah, isa rin siyang pinuno at kilalang gobernador, siya ay yumakap sa Islam sa araw ng kabi-kabilaang pagsakop, at ito ay ang pagsakop sa Sajestan, Kabul at iba pang lugar, at siya ay hinirang bilang gobernador ng Sajestan, pagkaraan ay nilusob niya ang Khorasan kaya’t naging malawakan ang nagawa niyang pananakop, at pagkatapos ay bumalik siya sa Basra, bagkus siya ay nagkaroon din ng mga kilalang paglahok sa labanan sa Mu'ta, at siya ay naitala sa mga aklat ng Sunnah na nakapag-ulat ng (14) na Hadith.
At pagkatapos ay nanirahan si Abdul Rahman sa Busra, at dito na siya binawian ng buhay taong ika-50 sa Hijri, datapuwa’t may nakapagsabing taong ika-51 sa Hijri.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Isinasabatas ng Hadith na ito ang kabawalan ng panunumpa sa anumang bagay mula sa lipon ng mga nilalang. At patungkol naman sa nasasaad sa aklat ni Muslim na ang Propeta () ay nagsabi ukol sa karapatan ng isang nagtanong sa kanya tungkol sa mga batas ng Islam: “Nakamit niya ang tagumpay – sumpa man sa kanyang ama – kung siya ay nagsasabi ng katotohanan”. Muslim [Hadith bilang: 9-(11)].
Kaya ang sagot dito: Ito ay nangyari bago pa man ipagbawal ang panunumpa sa iba bukod sa Allah, at pagkatapos nito ay dumating ang pagbabawal mula sa Allah, kaya tuluyan nang tinalikuran ito, at ang panunumpa sa Allah ay naibaling na lamang sa Allah, sa Kanyang mga Pangalan at Katangian, ng walang pagtatambal sa Kanya na anupaman, datapuwa’t  may nagsabi na taliwas dito sa pagpapaliwanag ng Hadith na ito, subali’t kusa naming iniwan ito para makaiwas sa mahabang pagsasalaysay.
2. Ang Tawagi ay isang pomula na tumutukoy sa pangmaramihan at ang pang-isahan nito ay Tagiyah, samakatuwid ang ibig sabihin dito ng Tawagi ay ang mga rebulto at ang mga huwad na sinasamba, at maaari rin namang ang kahulugan ng Tawagi ay yaong nagmalabis sa pagtalikod sa pananampalataya at humigit sa hangganan ng kasamaan.

 

 


KABUTIHAN NG SIWAK
77- عَنْ عَائِشَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهَا، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ ، قَالَ: "السِّوَاكُ مَطْهَرَةٌ لِلْفَمِ، مَرْضَاةٌ لِلرَّبِّ". (سنن النسائي، رقم الحديث 5، وصححه الألباني).
77- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Ang Siwak ay nagsisilbing tagalinis ng bibig, bagkus isang bagay na nakalulugod sa Panginoon”]. An-Nasai [Hadith bilang: (5)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-16 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Hadith na ito ay nag-aanyaya sa paggamit ng Siwak sa bibig, sapagka’t ito ay nagsisilbing isa sa mga kadahilan ng kalinisan nito at nagbibigay ng magandang amoy nito, bagkus isa rin ito sa mga kadahilanan ng pagtamo ng kaluguran ng Allah, sapagka’t “Katotohanang ang Allah ay maganda, kaya kinagigiliwan Niya ang kagandahan”. Muslim [Hadith bilang: 147-(91)].
2. Bukod sa Siwak at `Ud ay mayroon ding makabagong mga kasangkapan na ginagamit sa paglilinis ng mga ngipin, gaya ng sipilyo at tulad nito na nagtatanggal ng dumi nito at nagbibigay ng magandang amoy sa bibig, magkagayon man ang paglilinis ng bibig sa pamamagitan ng mga daliri ay hindi naituturing na katumbas ng Siwak, sapagka’t hindi ito kabilang sa mga katuruan ng Islam, bagkus walang nagaganap dito na paglilinis sa bibig, gaya ng natatamo sa `Ud at tulad nito.
3. Ilan sa mga kagandahang asal sa paggamit ng Siwak:
1- Huwag gumamit ng Siwak sa harapan ng mga tao, o sa mga pampublikong pagtitipon, sapagka’t sumasalungat ito sa dignidad.
2- Ingatan at itago ang Siwak malayo sa mga maruruming bagay.
3- Hugasan ang Siwak pagkatapos ng paggamit nito upang matanggal ang anumang dumikit dito.

 


KARANGALAN NG BABAE SA ISLAM
78- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ زَمْعَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "لا يَجْلِدُ أَحَدُكُمْ امْرَأَتَهُ جَلْدَ الْعَبْدِ ثُمَّ يُجَامِعُهَا فِيْ آخِرِ الْيَوْمِ".  (صحيح البخاري، رقم الحديث 5204، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 49 - (2855)،).
78- Si Abdullah ibn Zam`ah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanang ang Propeta () ay nagsabi: “Huwag hagupitin ng isa sa inyo ang kanyang asawa ng tulad sa paghahagupit sa isang alipin, at pagkatapos ay makipagtalik siya sa kanya sa huling sandali ng maghapon”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (5204)], Muslim [Hadith bilang: 49-(2855)].
Ang nag-ulat sa Hadith na ito:
Siya si Abdullah ibn Zam-ah Al-Qurashi Al-Asadi (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), isa siya sa lipon ng mga Sahabah, siya ay napatay sa araw na tinaguriang araw ng Tahanan na kung saan ay naganap dito ang kagimbal-gimbal na pagsubok (sa pagitan ng mga muslim) na humantong sa pagpatay kay Uthman ibn Affan taong ika-35 sa Hijri, subali’t may nakapagsabi na siya ay napatay sa araw na tinaguriang araw ng Harrah na naganap sa lungsod ng Madinah taong ika-63 sa Hijri, magkagayon pa man ang Allah ang higit na nakakaalam.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Islam ay nag-aanyaya sa paggalang ng mga kababaihan, maging mahinahon sa kanila, mabait sa kanila at matiisin sa kanila, sapagka’t ang pagiging matiisin sa kanila at pag-iwas sa pagbuhat ng kamay sa kanila ay siyang pinakamainam na asal.
2. Ang islam ay isang relihiyon na naghihikayat sa pagpapalagayang-loob, pagmamahalan at pakikitungo ng mahusay, kung kaya’t isinasabatas ng Hadith na ito ang kabawalan ng pagbuhat ng kamay at pisikal na pananakit sa asawang babae.
3. Katotohanang ang pagtaguyod sa sekswal na relasyon sa asawang babae ay nagiging tumpak hanggang umiiral ang magandang pakikitungo at malalim na pagmamahalan sa pagitan ng mag-asawa, datapuwa’t ang pagbuhat ng kamay at pisikal na pananakit ay sumasalungat dito, kung bakit nasasaad sa Hadith na ito ang isang pahiwatig na kumukutya sa pagbuhat ng kamay sa asawang babae.

PUMILI NG MABUTING KAIBIGAN
79- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَمْرٍو قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "خَيْرُ الْأَصْحَابِ عِنْدَ اللَّهِ خَيْرُهُمْ لِصَاحِبِهِ، وَخَيْرُ الْجِيرَْانِ عِنْدَ اللَّهِ خَيْرُهُمْ لِجَارِهِ". (جامع الترمذي، رقم الحديث 1944، قال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن غريب، وصححه الألباني).
79- Si Abdullah ibn Am’r (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang pinakamainam na mga kaibigan sa Allah  ay yaong pinakamabuti sa kanila sa kanyang kaibigan, at ang pinakamainam na mga kapit-bahay sa (paningin ng) Allah ay yaong pinakamabuti sa kanila sa kanyang kapit-bahay”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1944)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-37 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang bawa’t tao na may pinakamaraming kapakinabangan sa kanyang kaibigan o kapit-bahay ay siyang may pinakamainam na katayuan sa Allah at pinakamaraming gantimpala.
2. Nakakabuti sa isang Muslim na pumili ng mga kaibigan at mga kapatid sa pananampalataya mula sa lipon ng mga matutuwid at mabubuti na nagsasabuhay sa mga katuruan ng Islam alinsunod sa wastong pamamaraan nito, upang sa Araw ng Pagbabangong Muli ay titipunin silang lahat ng magkakasama, at gayundin na marapat siyang umiwas sa mga masasamang kaibigan at sutil.

 

 

 

 

ANTAS NG MAGULANG TUMATAAS
DAHIL SA PANALANGIN NG ANAK
80- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "إِنَّ الرَّجُلَ لَتُرْفَعُ دَرَجَتُهُ فِي الْجَنَّةِ؛ فَيَقُوْلُ: أَنَّى لِيْ هَذَا؟ فَيُقَالُ:  بِاسْتِغْفَارِ وَلَدِكَ لَكَ".  (سنن ابن ماجه، رقم الحديث 3660، وحسنه الألباني).
80- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Katotohanang makakapagsabi ang isang lalaking itataas ang kanyang antas sa Paraiso ng ganito: Paano napasaakin ito?  At sasabihin sa kanya: Ito ay dahil sa panalangin ng iyong anak para sa iyong kapatawaran”]. Ibnu Majah [Hadith bilang:  (3660)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Iminumungkahi ng Hadith na ito na disiplinahin nang maayos ang anak alinsunod sa pamamaraan ng paniniwala, batas at mga kaugalian ng mapagpaumanhin na Islamikong pananampalataya, sapagka’t ang isang anak na humihingi ng kapatawaran para sa kanyang mga magulang ay nararapat na maging mabuti at matuwid ayon sa wastong mga katuruan ng Islam,  tungkol naman sa anak na nahubog sa kasamaan at katiwalian, siya ay hindi marunong humingi ng kapatawaran para sa kanyang sarili, gayundin sa kanyang mga magulang at sa ibang tao.
2. Nararapat sa isang anak na muslim na ipanalangin niya ang kanyang mga magulang, humingi ng kapatawaran para sa kanila, maging maawain sa kanila at mamahagi ng kawanggawa para sa kanilang kapakanan.
3. Ang panalangin ng anak para sa kanyang mga magulang ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagtaas ng kanilang mga antas sa Allah.

ALITUNTUNIN NG JUNUB AT JANABAH
81- عَنْ عَائِشَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا، قَالَتْ: كَانَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا كَانَ جُنُبًا؛ فَأَرَادَ أَنْ يَأْكُلَ أَوْ يَنَامَ؛ تَوَضََّأَ وُضُوءَهُ لِلصََّلاَةِ.
(صحيح مسلم، رقم الحديث 22 -(305)، ).
81- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Nakaugalian ng Sugo ng Allah () na kapag siya ay nasa kalagayan ng Junub (o matapos makipagtalik), at nais niyang kumain o matulog, siya ay nagsasagawa ng Wudu’ ng tulad ng Wudu’ niya sa Salah”]. Muslim [Hadith bilang: 22-(305)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-16 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang “Junub” ay yaong nakipagtalik na kahit walang lumabas na semilya, o may lumabas na semilya kahit hindi nakipagtalik, at dito ay kapwang nasasaklawan ang babae at lalaki, at para sa isang nasa Junub ay maaaring matulog, kumain at uminom, at gayundin ang makipagtalik muli bago maligo dahil sa kalagayan ng Junub.
2. Walang sala ang isang babae kung siya ay nasa kalagayan ng Junub na magluto o gumawa ng mga gawaing bahay, asikasuhin ang kanyang mga anak na lalaki’t babae at gayundin na tugunan ang kanyang mga sariling pangangailangan.
3. Kaaya-aya sa isang nasa Junub na magsagawa ng Wudu’ kapag nais niyang kumain, uminom, matulog, o makipagtalik, datapuwa’t ang pagligo ang siyang higit na mainam, sapagka’t ito ay nagbibigay ng ibayong kasiglahan at lakas sa katawan dahilan sa paglabas ng semilya, bagkus magsisilbing tulong ito upang manumbalik muli at mapalitan ang lakas at kasiglahan na nawala.

 

PAGGUNITA NAGTATABOY NG DEMONYO
82- عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِاللهِ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا أَنّهُ سَمِعَ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، يَقُوْلُ: "إِذَا دَخَلَ الرّجُلُ بَيْتَهُ؛ فَذَكَرَ اللهَ عِنْدَ دُخُوْلِهِ، وَعِنْدَ طَعَامِهِ؛ قَالَ الشّيْطَانُ: لاَ مَبِيْتَ لَكُمْ وَلاَ عَشَاءَ، وَإِذَا دَخَلَ؛ فَلَمْ يَذْكُرِ اللهَ عِنْدَ دُخُولِهِ؛ قَالَ الشّيْطَانُ: أَدْرَكْتُمُ المَبِيْتَ، وَإِذَا لَمْ يَذْكُرِ اللهَ عِنْدَ طَعَامِهِ، قَالَ: أَدْرَكْتُمُ المَبِيتَ وَالعَشَاءَ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 103 - (2018)، ).
82- Si Jabir ibn Abdullah (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na kanyang narinig diumano sa Propeta () na nagsasabi: “Kapag pumapasok ang isang lalaki sa kanyang  tahanan, at agad na sinambit ang Allah sa kanyang pagpasok, at gayundin sa kanyang pagkain. Ang demonyo ay magsasabi: Wala na kayong matutulugan at wala na rin kayong makakain, samantalang kapag siya ay pumasok at hindi niya sinambit ang Allah sa kanyang pagpasok. Ang demonyo ay magsasabi: May matutulugan na naman kayo, at kapag hindi niya sinambit ang Allah sa kanyang pagkain. Ang demonyo ay magsasabi: May matutulugan na naman kayo at hapunan”]. Muslim [Hadith bilang: 103-(2018)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-22 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nasasaad sa Hadith na ito ang paghihikayat sa pananatili ng paggunita sa Allah sa sandaling pumasok ng tahanan at sa pagkain, kaya nararapat sa isang taong Muslim na huwag niyang kalimutan ang pagsambit sa Ngalan ng Allah kapag siya ay pumapasok ng kanyang tahanan at gayundin kapag siya ay kumakain ng kanyang pagkain.
2. Si Satanas at ang kanyang mga kampon ay pumapasok sa mga tahanan na hindi nasambit ng mga nakatira rito ang Ngalan ng Allah, kaya sila ay makikisamang kumakain at natutulog sa kanila.
3. Ang paggunita sa Allah ay nakapagtataboy kay Satanas, at nakalulugod sa Mahabaging Allah, bagkus nakapagtatanggal ito ng pagkaligalig, pighati at kalungkutan, at nakapagdudulot ng kagalakan, kasiyahan, kaligayahan at kapayapaan. At higit sa lahat ay nagbubunsod ito ng tunay na pananalig sa Allah hanggang sa itatampok nito ang isang tao sa kabanata ng pagiging ganap na pananampalataya, na kung saan ay sasambahin niya ang Allah na para niyang nakikita, at gayundin na nagbubunsod ito ng wagas na panunumbalik sa Kanya.

 

 

 

 

 

KABUTIHAN NG PANALANGIN HABANG NAKAPATIRAPA
83- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، أَنََّ رَسُوْلَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "أَقْرَبُ مَا يَكُوْنُ الْعَبْدُ مِن رِّبِّهِ وَهُوَ سَاجِدٌ؛ فَأَكْثِرُوْا الدُّعَاءَ".
 (صحيح مسلم، رقم الحديث 215 -(482)، ).
83- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanang ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang pinakamalapit na kalagayan ng isang lingkod sa kanyang Panginoon ay nasa kalagayang pagpapatirapa, kaya’t paramihin ninyo ang panalangin dito”]. Muslim [Hadith bilang: 215-(482)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang pagpapatirapa ay kabilang sa mga dakilang  pagsamba, na nagsisilbing inilalapit nito ang isang taong Muslim sa Allah, at nakapagpapalapit din ito sa Kanyang Habag at Kagandahang-loob.
2. Isinasabatas sa isang Muslim na manalangin sa Allah sa kanyang pagdarasal, maging ang pagdarasal na ito ay isang ubligado o boluntaryo, datapuwa’t ang pinakamainam na kalagayan para sa panalangin ay habang nakapatirapa.
3. Kaaya-aya sa isang taong Muslim na kanyang pangalagaan ang anumang nasasaad sa banal na Qur’an, at gayundin ang anumang napatunayan mula sa Sugo ng Allah () na mga panalangin at kanyang isaulo ang mga ito, sapagka’t ang mga ito ang higit na kapaki-pakinabang sa lahat ng mga panalangin na siyang magtutuwid sa kanya, sa kanyang pamilya at angkan, at gayundin sa mga bagay-bagay na kaugnay sa kanyang relihiyon, buhay sa mundo at sa Huling Araw.

 

HATOL SA PAGPAPALITADA NG LIBINGAN
84- عَنْ جَابِرٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: نَهَى رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَنْ يُجَصََّصَ الْقَبْرُ، وَأَنْ يُقْعَدَ عَلَيْهِ، وَأَنْ يُبْنَى عَلَيْهِ.
(صحيح مسلم، رقم الحديث 94 -(970)، ).
84- Si Jabir (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ipinagbawal ng Sugo ng Allah () ang pagpapalitada sa libingan, gayundin ang pag-upo at pagpapatayo ng gusali sa ibabaw nito]. Muslim [Hadith bilang: 94-(970)].
Ang nag-ulat ay nabanggit na sa ika-22 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Isinasabatas ng Hadith na ito ang kabawalan ng pagpapalitada sa libingan, at gayundin ang pag-papatayo sa ibabaw nito ng gusali, kupola, kapulungan, mosque o iba pa bukod dito, sapagka’t ang lahat ng ito ay hindi kakailanganin ng isang patay, ni hindi rin makapagdudulot sa kanya ng kapakinabangan kahit bahagya.
2. Ang “Jass” ay yaong tinatawag na dyipsum na isa sa mga materyales ng pagpapatayo ng gusali at ginagamit din sa pagpipintura ng mga bahay, pagtutuwid ng mga bato, at ang kadahilanan nito ay kapag ang isang libingan ay pinalitadaan, ito ay magiging kapasin-pansin sa paningin ng madla, at ang sinumang makakakita nito ay iisipin na ito ay may natatanging angking katangian, at maaaring ito ay humantong sa pagdakila rito, o mabigyan ng pagtatangi sa isang bagay na hindi naman ipinapahintulot sa relihiyon ng Allah – ang Islam – at hindi lamang iyon, bagkus ang pagpapalitada sa libingan at pagpapatayo ng gusali sa ibabaw nito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagmamalabis dito at pagbaling ng panalangin sa nasa loob nito bukod pa sa Allah, kung kaya’t nasasaad sa Hadith na ito ang pagbabawal sa pagpapalitada sa libingan.
3. Itinuturo din ng Hadith na ito ang kabawalan ng pag-upo sa ibabaw ng libingan, gayundin ang pagsandal dito at pagsandig, sapagka’t ito ay naituturing na kawalang galang sa patay na nakalibing, kaya marapat lamang na igalang ang libingan gaya ng paggalang sa isang yumaong muslim na nakalibing dito.

KALASWAAN NG SODOMYA
85- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ وَجَدْتُمُوْهُ يَعْمَلُ عَمَلَ قَوْمِ لُوطٍ؛ فَاقْتُلُوا الْفَاعِلَ وَالْمَفْعُوْلَ بِهِ".
(سنن أبي داود، رقم الحديث 4462، وجامع الترمذي، رقم الحديث 1456، واللفظ لهما، وسنن ابن ماجه، رقم الحديث 2561، وقد حسن وصحح الألباني هذا الحديث).
85- Si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Sinumang matagpuan ninyo na gumagawa ng gawain ng mamamayan ni (Propeta) Lut, sa gayon ay kapwa ninyong patayin sila, ang gumagawa nito at ang ginagawan”]. Abu Daud [Hadith bilang: (4462)], At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1456)], Ibnu Majah [Hadith bilang: (2561)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-6 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang kalaswaan ng sodomya: Ito ay ang pakikipagtalik ng isang lalaki sa kapwa niyang lalaki, na nagpapahiwatig ng kawalan ng paningin, kahinaan ng pag-iisip at kakulangan ng pananampalataya, bagkus ito may naidudulot na matinding kapinsalaan sa kalusugan, sa kalikasan at kaugalian, at gayundin sa lipunan. Ito ay kaaba-aba na sumasalungat sa kalikasang pantao na tumpak. Sa katunayan ay pinarusahan ng Allah ang mamamayan ni Propeta Lot dahil sa paglaganap ng sodomya sa pagitan nila sa pamamagitan ng paglipol sa kanilang lahat. Ang Allah ay nagsabi: {Kaya’t nang dumatal ang Aming Pag-uutos (kaparusahan), ang ibabaw nito (mga bayan ng Sodom sa Palestina) ay ginawa Namin na nasa ilalim nito, at pinaulan Namin sa kanila ang mga hinurnong putik na bato na magkakasunod}. Hud (11): 82.
2. Ang taong ginawan (akusatibo) ay tulad ng gumawa: Sapagka’t sila ay magkasabwat sa kalaswaan ng sodomya, kaya ang magiging kaparusahan nila ay kamatayan. Sa katunayan ay nagkaisa ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah () sa pagpataw ng kamatayan sa gumawa at sa ginawan nito, ni walang isa man sa kanila ang sumalungat nito, datapuwa’t ang paraan ng pagpatay ay alinsunod sa nakikita ng pinuno ng mga muslim o ng kanyang bise sa kung ano ang angkop, kaya nasa kanya kung nais niyang tagain ito ng tabak, o pagbabatuhin ng bato, o ihahagis mula sa napakataas na lugar, o pababagsakan ng pader o bukod dito, datapuwa’t ang sinumang pinilit sa sodomya sa pamamagitan ng pagpalo o pagbabanta sa buhay at katulad nito, sa gayon ay hindi siya mapapatawan ng parusa, gayundin na hindi mapapatawan ng parusa ang wala pa sa tamang pag-iisip at wastong edad, subali’t marapat pa rin itong patawan ng magaan na parusa at bigyan ng disiplina.
3. Ang sodomya ay isa sa pinakamaruming uri ng mga kalaswaan, kung kaya’t nararapat sa sinumang nagsasanay ng krimen na ito na magtatabing sa pamamagitan ng tabing ng Allah, at huwag niyang ipahiya ang kanyang sarili, at huwag niyang aminin ito para lamang maipataw sa kanya ang karampatang parusa, nguni’t nararapat sa kanya na magbalik-loob agad sa Allah ng buong katapatan, at pagsisisihan niya ito, at magpasiya ng masidhi na hindi na niya gagawin ulit ang katulad nito, at lumayo sa mga kadahilanan ng pagkakasadlak dito, at umiwas na makihalubilo sa naghihikayat nito, sapagka’t ang Allah ay nagpapatawad ng lahat ng mga kasalanan ng tao, kapag siya ay nagbalik-loob sa Allah ng wastong pagbabalik-loob at tapat.

 

 

 

 


PATAY NA TAO NAKIKINABANG
86- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، أَنَّ رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: "إِذَا مَاتَ الْإِنْسَانُ انْقَطَعَ عَنْهُ عَمَلُهُ إِلاَّ مِنْ ثَلاثَةٍ: إِلاَّ مِنْ صَدَقَةٍ جَارِيَةٍ، أَوْ عِلْمٍ يُنْتَفَعُ بِهِ، أَوْ وَلَدٍ صَالِحٍ يَدْعُوْ لَهُ".  
(صحيح مسلم، رقم الحديث 14 -(1631)، ).
86- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanang ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Kapag namatay na ang tao ay kasabay na nitong naputol ang lahat ng kanyang gawain maliban lamang sa tatlo: Maliban sa tuloy-tuloy na kawang-gawa, o kaalaman na napakikinabangan, o mabuting anak na nananalangin para sa kanya”]. Muslim [Hadith bilang: 14-(1631)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinapahayag ng Hadith na ito na ang gawain ng isang yumao ay natitigil sa pagtatapos ng kanyang buhay, at natitigil din ang pagbabago ng kanyang gantimpala maliban sa tatlong bagay na ito na babanggitin; sapagka’tl siya ang naging dahilan ng pagkakaroon ng mga ito; sa katotohanang ang kanyang anak ay kabilang sa kanyang kinita, gayundin ang kaalaman na kanyang naiwan sa pamamagitan ng pagtuturo o pamamahagi, at gayundin ang tuloy-tuloy na kawanggawa na tinatawag na donasyon.
2. Itinuturo ng Hadith na ito ang kawalan ng pahintulot sa paghahandog ng gantimpala sa pagbabasa ng Qur’an para sa patay, sapagka’t hindi ito napatunayan mula sa Propeta () na siya ay bumasa ng Qur’an at inihandog niya ang gantimpala nito sa mga patay mula sa lipon ng kanyang mga kamag-anak o sa iba bukod sa kanila, at kung ang gantimpala nito ay nakakaabot sa kanila, katiyakang siya ay naging masigasig dito, at kanyang ipapaliwanag sa kanyang mga tagasunod; nang sa gayon ay mapakikinabangan ito ng mga namatay sa kanila, sapagka’t siya () ay sadyang maawain at mahabagin, kung kaya’t tinahak ng mga kahalili niyang napatnubayan pagkatapos ng kanyang kamatayan at ng lahat ng kanyang mga kasamahan ang pamamatnubay niyang niyaon, ni hindi napatunayan na ang isa man sa kanila ay naghandog ng gantimpala ng Qur’an para sa iba.
3. Ang Hadith na ito ay naging isang batayan sa paghihikayat sa pag-aasawa na kabilang sa mga magagandang bunga nito ay ang pagkakaroon ng mga mabubuting anak.

 

 

 

 


PAGPAPAKAIN SA NAG-AAYUNO
87- عَنْ زَيْدِ بْنِ خَالِدٍ الْجُهَنِيِّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ:  قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ فَطَّرَ صَائِمًا كَانَ لَهُ مِثْلُ أَجْرِهِ غَيْرَ أَنَّهُ لاَ يَنْقُصُ مِنْ أَجْرِ الصَّائِمِ شَيْئًا".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 807، واللفظ له،  وسنن ابن ماجه، رقم الحديث 1746، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه:  حسن صحيح، وصححه الألباني).
87- Si Zaid ibn Khalid Al-Juhani (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang nagpakain ng isang nag-aayuno ay mapapasakanya ang tulad ng gantimpala nito, ni hindi makakabawas ito sa gantimpala ng nag-ayuno kahit bahagya”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (807)], Ibnu Majah [Hadith bilang: (1746)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya ang Sahabi na si Abu Abdul Rahman, Zaid ibn Khalid Al-Juhani (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), kasama niyang nakibaka sa pakikipaglaban sa Al-Hudaibiya ang Sugo ng Allah (), at siya ang may hawak ng watawat ng angkang Juhaina sa araw ng pagsakop sa Makkah, siya ay naitala sa mga aklat ng Sunnah na nakapag-ulat mula sa Sugo ng Allah () ng (81) na Hadith.
Siya ay binawian ng buhay sa Madinah, datapuwa’t may nakapagsabi na sa Ehipto (o Egypt), at may nakapagsabi rin na sa Kufa, siya ay binawian ng buhay taong ika-78 sa Hijri sa edad na (85) gulang, at may nakapagsabi na kasalungat nito. Ang Allah ang Siyang higit na nakakaalam.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Walang duda na ang pagpapakain sa mga nag-aayuno ay kabilang sa mga magagandang katangian, sapagka’t naibubunsod nito ang ilan sa mga dakilang kabutihan, ang ilan sa mga ito: Napag-iibayo nito ang pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim gayong malalayo ang agwat ng kanilang mga bansa at tahanan, kaya’t ang Hadith na ito ay naghihikayat sa pagpapakain ng mga nag-aayuno, at ipinapaliwanag ang kabutihan ng pagpapakain sa nag-ayuno na kung saan ay mapapasakanya rin ang katulad ng gantimpala nito, ni hindi mababawasan ang gantimpala ng nag-ayuno kahit bahagya.
2. Ang pagpapakain ng isang nag-ayuno na malapit na kamag-anak ay napakalaking gantimpala, sapagka’t sa pamamagitan nito ay nakakamit ang gantimpala ng pagpapakain sa nag-ayuno at ng pagkakamag-anak, maliban na lamang kung ang hindi kamag-anak ay isang mahirap at walang matagpuan na pagkain para itigil ang kanyang pag-aayuno, sa gayon ay higit ang kadakilaan ng gantimpala nito dahil ito ay nagsisilbing pagpupuno sa kanyang pangangailangan.
3. Nararapat sa isang taong Muslim na maging masigasig sa pagpapakain ng mga nag-aayuno ayon sa abot kaya niya, lalo na sa pangangailangan ng mga nag-aayuno at sa kanilang kahirapan, na kung saan ay wala silang matagpuan na mag-aasikaso sa kanilang pagkain sa oras ng Iftar.

 

 

 

 

KABUTIHAN NG BUWAN NG RAMADHAN
88- عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،  قَالَ دَخَلَ رَمَضَانُ؛ فَقَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "إِنَّ هَذَا الشَّهْرَ قَدْ حَضَرَكُمْ، وَفِيْهِ لَيْلَةٌ خَيْرٌ مِنْ أَلْفِ شَهْرٍ، مَنْ حُرِمَهَا؛ فَقَدْ حُرِمَ الْخَيْرَ كُلَّهُ، وَلاَ يُحْرَمُ خَيْرَهَا إِلاَّ مَحْرُوْمٌ".
(سنن ابن ماجه، رقم الحديث 1644، وحسنه الألباني وصححه).
88- Si Anas ibn Malik (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Nang sumapit ang buwan ng Ramadhan; ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Katotohanang sumapit na sa inyo ang buwan na ito, at napapaloob dito ang isang gabi na mas mainam pa kaysa sa isang libong buwan, ang sinumang napagkaitan nito ay tunay na napagkaitan ng lahat ng kabutihan, at walang napagkakaitan ng kabutihan nito maliban sa isang napagpasiyahan nang pagkaitan ito”]. Ibnu Majah [Hadith bilang: (1644)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-3 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang buwan ng Ramadhan ay buwan ng pagtitiis, pag-aayuno, pagtataguyod ng pagdarasal, paggunita, pagbabasa ng Qur’an at pagpapalaya ng sarili mula sa apoy ng Impiyerno, at dito ay napapaloob ang gabi ng pagpapasiya na tinaguriang “Laylatul Qadr”, itinakda ng Allah ang isang gawain dito na mas mainam kaysa sa nagawa sa loob ng isang libo na buwan, kaya’t ang napagkakaitan nito ay siya yaong napagkaitan ng kabutihan nito.
2. Hinihiling ng Hadith na ito na maging mapagsamantala at masigasig ang taong muslim sa pinagpalang buwan na ito ng Ramadhan, upang mapagtagumpayan niya ang kaluguran ng Allah, at ipapalathala ng Allah para sa kanya ang kanyang gantimpala, at patatawarin sa kanya ang kanyang kasalanan.

 

PALATANDAAN NG MGA MUNAFIQ
89- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "آيَةُ الْمُنَافِقِ ثَلاَثٌ: إِذَا حَدَّثَ كَذَبَ، وَإِذَا وَعَدَ أَخْلَفَ، وَإِذَا اؤْتُمِنَ خَانَ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 33، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 107 - (59)،).
89- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Ang palatandaan ng isang mapagkunwari (o Munafik) ay tatlo: Kapag nagsasalita siya ay nagsisinungaling, at kapag nangangako siya ay hindi tumutupad, at kapag pinagkakatiwalaan siya ay nagtataksil (hindi napagkakatiwalaan)”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (33)], Muslim [Hadith bilang: 107-(59)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Binabalaan ng Hadith na ito ang taong muslim sa di-pagtupad ng pangako, sa pagsisinungaling maging sa pagsasalita at pagbabalita, at sa pagtataksil sa ipinagkatiwalang bagay, sapagka’t ang mga ito ang pinakamalaking mga palatandaan ng mga taong mapagkunwari.
2. Ang Munafiq (o mapagkunwari): Siya yaong nagtatago ng kasamaan at naglalantad ng kabutihan, at dahil dito ay kanyang itinatago ang pagtalikod sa Islam at inilalantad ang Islam.
3. Ang kahulugan ng Hadith na ito: Ipinapahayag nito na ang mga katangiang ito ay natatangi lamang sa mga katangian ng pagkukunwari, kaya ang may angkin nito ay natutulad sa isang ganap na mapagkunwari dahil sa mga katangiang ito at sa pagsasanay nito sa kanilang mga kaugalian.

 

 

TAGAPAGTAGUYOD NG QUR`AN
90- عَنْ أَبِيْ مُوْسَى الْأَشْعَرِيِّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "إِنَّ مِنْ إِجْلَالِ اللَّهِ: إِكْرَامَ ذِي الشَّيْبَةِ الْمُسْلِمِ، وَحَامِلَ الْقُرْآنِ غَيْرَ الْغَالِيْ فِيْهِ وَالْجَافِيْ عَنْهُ، وَإِكْرَامَ ذِي السُّلْطَانِ الْمُقْسِطِ".
(سنن أبي داود، رقم الحديث 4843، وحسنه الألباني).
90- Si Abu Musa Al-Ash`ari (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Katotohanan, kabilang sa pagdakila sa Allah ay ang paggalang sa isang matandang muslim at ang pagtaguyod sa Qur’an ng walang pagmamalabis at paglayo (sa mga alituntunin nito), at gayundin ang paggalang sa isang pinuno na makatarungan”]. Abu Daud [Hadith bilang: (4843)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-28 na Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Islam ay naghihikayat sa pagdakila sa isang matanda at paggalang sa kanya sa mga pagtitipon, at gayundin ang pagiging mabait at maunawain sa kanila, sapagka’t ito ay nagsisilbing kaganapan ng pagdakila sa Allah.
2. Itinuturo ng Hadith na ito na kabilang sa paraan ng pagdakila sa Allah ay ang paggalang sa nagtataguyod ng banal na Qur`an, siya yaong pinapahalagahan ang mga hangganan nito, masigasig sa pagbabasa nito at pinahuhusay, maingat sa kawastuan ng mga kahulugan nito at isinasabuhay ang mga nilalaman nito.
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah, na sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay nagiging ganap ang mabubuting gawain, ang pagpapala at kapayapaan ay maitampok nawa sa ating Sugo na si Muhammad, gayundin sa kanyang pamilya at sa lahat ng kanyang mga kasamahan.